Kabanata 27:
Isang PagkakamaliHalos dalawang linggo na rin magmula noong dinala ni Carlito si Rose sa mala-mansyon nitong bahay. Hatid sundo naman ng binata ang dalaga kaya bantay sirado siya nito. Ayos lang din sa ama nito na mamalagi roon ang anak niya pansamantala.
***
Biyernes. 12:00 pm"Rose, gusto mo bang mamasyal?" preskong tanong ng lalaki habang kumakain silang dalawa ng babaeng kasama niya sa kusina nila.
"Ha, bakit? Saan naman tayo mamasyal, Carlo?" balik-tanong naman ng babae.
"Gusto ko lang na makasama ka. Total, libre ka naman bukas kasi wala kang pasok hindi ba?"
"Oo, wala nga." tugon ni Rose kay Carlo.
"Ay, nga pala. Napapansin kong sa ating dalawa, ako lang ang may pasok. Ikaw ba wala kang pasok? Pumapasok ka ba, kasi hindi naman kita nakikitang nakauniporme ih saka parang mas madalas na nandito ka lang sa bahay niyo. Huminto ka ba sa pag-aaral?" pang-iiba naman ni Rose sa usapan.
"Napansin mo rin pala iyon. Hindi ako huminto An. Dito lang talaga ako nag-aaral sa bahay." Bahagyang natawa si Carlo no'ng naramdaman niyang kuryos ang dalaga sa kanya.
"Ha, maaari ba 'yun?" kunot-noong tanong pa nito.
"Oo pwede. Ang tawag doon ay house schooling o home school." paliwanag ng binata.
"Ah." nasambit na lang ni Rose bilang tugon sa sinabi sa kanya, bahagya pa siyang tumango.
"Oh ano, papayag ka ba?" tanong muli ni Carlito.
"Na ano?"
"Ano ba 'yan, nakalimot na agad. May pupuntahan tayo bukas kaya dapat maaga kang matulog." paalala ulit ng binata.
"Ah sige. Baka gusto mong matulog na ako ngayon para sigurado kang maaga talaga ako magising bukas 'no, " biro naman ni Rose na siyang tinawanan lang ng binatang si Carlito.
***
Sabado. 3:45 am.Dahil maaga natulog ang dalawa, maaga rin silang nagising. Nakatulog sila sa magkaibang kuwarto.
Pinuntahan ni Carlo ang silid ni Rose saka ito kumatok. Nagulat na lang ang binata nang makitang handa na ito. Halatang pinaghandaan ang pupuntahan nila parang handa na itong umalis.
"Ano, tara?" Nakangiting yaya pa nito.
"Sige."
Madaling araw pa lang ay umalis na ang dalawa. Makalipas ang halos dalawa't kalahating oras ay natunton na rin nila ang kanilang destinasyon. Unang lumabas sa sasakyan si Rose. Tumingin siya sa paligid at napahanga talaga siya.
Puno ng mga bulaklak ang paligid ng resort. Partida sa labas pa lang bongga na paano na lang kaya sa loob?
"Oh, 'yung langaw!" biro pa ni Carlito sabay tawa sa babaeng ngayon ay halos tulo-laway na kung makatitig sa kagandahan ng paligid. Kumikislap na ang mga mata niya dahil sa mga nakikita nito.
At noong napansin ni Rose na halos ngumanga na siya ay bigla itong napatakip ng bibig saka ito asar na tumigin sa kasintahan niya.
"Anong sinasabi mo riyan? Hindi naman ako nakanganga 'no kaya paano papasok ang langaw, tsh." Mariing depensa ng dalaga saka ito nagbato ng pabirong salita sa binata.
"Edi sa ilong mo," pambabasag ni Carlo dahilan para irapan siya ng dalaga.
"Hays."
"Uy, sorry na. Biro lang, I love you." panlalambing pa ng binata.
BINABASA MO ANG
The Suitor Of Rose Ann
Historická literaturaA teen fiction story of a girl who named, Rose Ann. --- Si Rose Ann ay isang babae na never pa nagkaroon ng ideya tungkol sa salitang, pag-ibig. Paano kaya siya magkakaroon ng kaalaman ukol sa salitang ito? How can his suitor/s make her believe tha...