Kabanata 23:
Ang Pagpili: The Chosen One***
Sa loob ng kanilang silid-aralan."Rose, sabay tayong umuwi." yaya ni Jakilyn kay Rose na kasalukuyang nag-aayos ng gamit, naghahanda na ito dahil uwian na nila.
Lumapit si Jakilyn sa upuan kung saan umuupo si Rose Ann. Lumapit rin si Angge kay An An at nakiisyuso rin sa usapan ng dalawa.
"Ha?! Saan ka ba nakatira?" kunot-noong tanong ni Rose kay Jakilyn saka ito tumingin sa kaibigan na lagi niyang kasabay umuwi.
"Angge, sabay daw tayo sa kanya umuwi." paalam pa nito sa kaibigan niyang si Angge.
Taka namang tumingin si Angge kay Jakilyn saka ito tinanong, "Sasabay ka sa amin, Jakilyn?"
Tumango lang si Jakilyn bilang sagot sa tanong ng kamag-aral. "Ahm, oo. Sasabay sana ako sa inyo kung pwede."
"Ah, ayos lang naman kung pareho tayo ng daan pauwi. Saan ka ba nakatira?" tanong muli ni Angel.
"Ah basta, malapit lang dito." hindi makatingin sa matang tugon ni Jakilyn kay Angge.
"Sige, tara?" anyaya pa ni Angge kay Jakilyn.
Hinawakan ni Angel sa magkabilang braso ang dalawang babaeng kasabay umuwi na sina Rose at Jakilyn. Hinila niya ito palabas ng kanilang silid-aralan.
"Maraming salamat." Kunwaring pasasalamat na ani Jakilyn.
Gusto niya lang talagang malaman kung saan nakatira itong si Rose kaya niya gustong sumabay sa kanila umuwi.
At iyon nga, lumabas na silang tatlo upang makauwi na sila.
"Sumasakay kami ng dyip kapag umuuwi eh, ikaw? Kailangan mo pa bang sumakay ng jeep kung malapit lang dito bahay mo?" tanong ni Angge kay Jakilyn.
"Hmm, hindi naman. May kotse naman kami eh." preskong tugon nito.
"Ah, mayaman ka nga pala dahil taga-Maynila ka." komento ni Angel sa sinabi sa kanya ni Jakilyn.
"Hindi ah," tanggi ng dalaga.
"Hindi naman lahat ng taga-Maynila, mayaman eh." dagdag paliwanag pa ng babae na sinang-ayunan na lang pareho nina Rose at Angel.
Naantala lang ang pag-uusap nilang tatlo nang biglang huminto sa paglalakad si Rose.
"Oh, bakit ka huminto An?" tanong ni Angel sa kaibigan saka tumingin sa direksyon kung saan napako ang tingin ng dalaga.
Subalit gaya ni Rose, si Angel ay napatulala na rin. Sandaling nagsalubong ang dalawang kilay ni Jakilyn dahil sa mga mukha ng kasama niya. Taka niyang pinagmasdan ang dalawa saka nagpasyang tumingin din sa puwesto kung saan napako ang tingin ng dalawa niyang kasama.
Napaawang ang bibig nito nang makita niya kung bakit napahinto ang dalawa.
"Omg," wala sa sariling usal pa nito.
Dali-dali niyang binitbit ang dalawang babae palabas ng gate ng eskuwelahan nila sapagkat naroon ang mga taong hindi nila inaasahan, mas lalo na si Rose Ann.
Ngumiti ng pagkalaki-laki si Jakilyn nang makita nito ang isang pamilyar na lalaki.
***
Sa labasan na tapat ng gate ng paaralan kung saan nag-aaral si Rose Ann."Ang gwa-gwapo, inday!" Malakas na hiyaw ng isang hindi kilalang babae na kasalukuyang nakatitig sa mga nakahilerang binatilyo sa harapan ng kanilang paaralan.
BINABASA MO ANG
The Suitor Of Rose Ann
Historical FictionA teen fiction story of a girl who named, Rose Ann. --- Si Rose Ann ay isang babae na never pa nagkaroon ng ideya tungkol sa salitang, pag-ibig. Paano kaya siya magkakaroon ng kaalaman ukol sa salitang ito? How can his suitor/s make her believe tha...