29

411 62 0
                                    


Kabanata 29:
Pagpapatawad




Lunes ng umaga.

Pinuntahan nga ni Carlito si Rose sa bahay nila ngunit imbis na ang dalaga ang humarap sa kanya ay ama nito ang sumalubong nakita. Base sa mukha ng matanda'y batid na ni Carlito na alam na nito ang nangyari sa kanilang dalawa ng anak niya.

"Tito, magpapaliwanag po ako." sambit niya subalit sinuntok lang siya ng matanda.

"Tingin mo ba'y papayagan pa kitang makita ang anak ko!?" Inis nitong tanong sa binata na kasalukuyang napaupo sa sahig.

"Sige na, Tito please." paawa pa lalaki.

At noong narinig ito ni Rose ay agad na rin siyang lumabas. Natatakot kasi ito na baka kung ano pa ang gawin ng ama niya sa lalaking minsan din nagpasaya sa kanya.

Hindi siya pumasok sa kaniyang paaralan ngayong araw dahil hindi kaya ng katawan niya, kasalukuyang masama ang pakiramdam ni Rose kaya minabuti nilang dalawa ng tatay niya na mamahinga na muna sa loob ng bahay nila.

Nang makita niya ang binata ay ngumiti ito sa dalaga. Napalingon si Mang Ernesto at saka takang tumingin sa anak. Nag-aalala rin ang ama nito sa nag-iisa niyang anak na babae.

"Itay, ayos lang po. Nais ko rin po kasi siyang kausapin." pagpapahinahon niya sa kanyang Itay na animo'y tigre sa sobrang gigil ng awra nito.

Sumang-ayon na lamang si Ernesto sa sinabi ng anak at hinayaan ang dalawa. Nagtungo na lang ito sa kusina.

Pinapasok ni Rose ang binata saka binigyan ng tubig. Kinuha naman ito ng binata saka uminom.

"Ano pang ginagawa mo rito? Bakit ka pa pumunta? Eh 'di sana wala kang sugat ngayon." Malamig na pakikitungo ni Rose sa lalaki. Naramdaman din ito ni Carlito.

"An, patawarin mo ko sa lahat ng ginawa kong mali sa iyo. Patawad dahil isa akong walang kuwentang kasintahan at 'yung sa amin ni Jackie wala 'yun. Hindi ko talaga alam kung paano ako napunta roon sa kuwarto niya. Lasing kasi ako no'n..."

"Akala ko kasi ikaw 'yung nakatabi ko, si Jacki pala. Patawad kasi nagsabi ako ng masasakit na salita sa'yo. Sana mapatawad mo pa ako, An." Tuloy-tuloy na paliwanag nito.

Nakaramdam ng bigat sa dibdib si Rose, nalulungkot siya sa sinapit nilang dalawa. Huminga muna siya bago nagsalita.

"Alam mo Carlo? Siguro nga tama si Janry. Siguro nga, gusto lang kita at hindi mahal..."

"Huwag mong sabihin 'yan, mahal na mahal kita. Bakit ka ba nakikinig sa lalaking 'yun?"

"Patapusin mo muna ako." aniya na nagpatahimik kay Carlito.

"Alam ko sa sarili kong minahal din kita, pero nagsisimula pa lang tayo may pagsubok na agad. Hindi pa tayo gano'n katatag kaya siguro'y nawasak tayo agad."

"Mas mabuti pang itigil na natin ito Carlo. Ang sakit na kasi banda rito, oh. Ang sakit-sakit na parang pwede ko na ngang ikamatay sa sobrang sakit."

Pagtukoy ni Rose sa puso niya bahagya niya pa itong tinuro sa binatang kaharap niya ngayon. Mula rito'y hinayaan na niyang tumulo ang nagbabadyang mga luha niya na kanina lang ay napipigilan niya pa.

"Mahirap para sa akin ang sabihin ito, tapos na tayo." Seryosong wika ng dalaga na blankong tumitig pa sa mga mata ng nobyo.

"Bakit An?" Nanginginig ang kalamnang sambit ni Carlito at hindi nagtagal, siya'y tumangis sa harapan ng babae.

"Hindi lang naman ikaw ang nasaktan sa ating dalawa ah? Bakit ikaw lang 'yung nagdesisyon." usal ng lalaki na marahan pang tumingin sa kisame ng bahay nila Rose Ann. Sinusubukang pigilan ang kaniyang pag-iyak.

The Suitor Of Rose AnnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon