9

686 102 41
                                    


Kabanata 9:
Ang Bagong Kamag-aral



"Carlo!" Nagulat si Carlito sa biglaang pagtapik ng isang matandang babae sa kanya.

"Oh, bakit po?" Magalang nitong tanong sa ginang na tumawag sa kaniya.

"Hay, salamat sa maykapal dahil nakita na rin kita sa wakas." Bahagyang kumunot ang noo ni Carlo sa sinabi sa kanya ng ale.

"Ah eh, bakit po ba?"

"Ahm---" Magsasalita na sana muli ang matandang babae nang biglang may sumulpot ulit na babae. Mahaba na may pagkakulot ang buhok nito, maganda, medyo matangkad pero mas matangkad si Carlito. Balingkinitan din ang katawan nito't halatang may lahi rin.

"Sino siya?" Taas kilay pa nitong tanong kay Carlito na tinitigan pa ang kabuoan ng matandang babae. Tiningnan niya ito mula sa ibaba paitaas.

Dahil sa tingin ng bagong dating na babae'y nagtaka ang Aleng ang tanging pakay lang naman ay si Carlito. Nagtataka ito kung bakit ganoon makatingin sa kanya ang babae. Sa pakiwari pa niya'y parang hinuhusgahan siya nito.

"Who are you?" Pagtataray pa ng dalagang babae na ngayon ay nasa tabi ni Carlito.

Hindi na lamang pinansin ng ginang ang tanong nito dahil baka kung ano pa ang magawa niya rito. Agad nalang niya iniabot ang lihim na liham sa binata.

"Hindi ko na kayang ipaliwanag pa sa'yo ito ngayon sapagkat parang nakakaistorbo yata ako sa ginagawa ninyo kaya sumulat na lamang ako at ito..." Inilabas niya rin ang isa pang sulat.

"Ito ay sulat mula sa iyong ama, sige iho aalis na ako." paalam nito bago umalis.

"Hey!" Pahabol mensahe pa ng babae, ngunit nakalayo na ang ale sa kanila kaya hindi na ito narinig pa.

"Ni hindi man lang siya nagpakilala, ts. Bakit ganoon 'yon." takang tanong ng babae kay Carlito saka ito lumapit at inilagay ang kamay nito sa braso ng lalaki.

Hindi nalang pinansin ni Carlito ang babaeng kasama at itinuon nalang din ang kanyang paningin sa mga sulat na ibinigay sa kanya ng isang hindi kilalang ale pero pamilyar para sa kanya, 'di niya lang maalala kung sino ito. Dalawa ang sulat na ibinigay sa kanya at nakatitig siya roon.

Isang lihim na sulat na galing sa isang hindi kilalang ginang na pamilyar para sa kanya at isang liham naman mula sa kaniyang pinakamamahal na ama.

***
(Sa kabilang banda, bumalik tayo sa eskuwelahan na kung saan sina Angel at Rose Ann)

"Magandang umaga sa inyo, klase!" Masiglang bati ng pumasok na guro nila.

"Magandang umaga rin po, Ma'am Carlisle De Dios." Sabay na wika ng mga mag-aaral.

"Bago ko simulan ang ating talakayan ay nais kong ipakilala ang bago niyong kamag-aral. Galing siya sa paaralan ng Maynila at ayon sa kanya ay may hindi magandang nangyari roon kaya siya lumipat dito sa ating bayan. Halika, Ginoong Delos Reyes at ipakilala mo na ang iyong sarili sa amin." Nakangiting panimula ni Ginang De Dios saka niya pinapasok ang isang binatilyo.

Napahanga ang lahat sa kaniyang pagpasok. Tinitigan siya ng kanyang mga kaklase mas lalo na ng mga kababaihan na nahuhumaling na agad sa kanya at mas lalong nahulog ang mga ito no'ng bigla itong ngumiti. Hindi mayabang na ngiti kundi isang simpleng ngiti lang mula sa kanilang hinahangaan.

Isang maputing lalaki, nakasalamin at pawang nahihiya pa. Hindi maayos ang pagkakaayos ng buhok nito ngunit bagay na bagay sa isang tulad niya ang klase ng buhok na iyon subalit kahit na 'di maayos ang buhok nito ay bawing bawi naman sa suot nitong uniporme na halatang bago. Isang siyang matangkad na hindi gaanong payat na mistisong lalaki.

The Suitor Of Rose AnnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon