25

387 69 3
                                    


Kabanata 25:
Maligayang Kaarawan



Nakangiting bumangon nang maaga si Rose mula sa pagkakahiga nito sa kanilang papag. Masaya ito sapagkat isa ito sa pinakamahalagang araw para sa kanya.

Kaarawan niya ngayon, kaya naman noong nakita siyang gising ng tatay niya ay binati siya agad nito.

"Aba. Ang ganda ng gising ng anak ko, ah?" puri pa ni Mang Ernesto sa kanyang anak at dahil dito'y napangiti si Rose.

"Tatay naman, salamat po." nahihiyang tugon ng dilag na siyang ikinangisi ng kaniyang ama.

"Maganda ka naman talaga ah, nagmana ka sa nanay mo. Ay, oo nga pala. Maligayang kaarawan anak!" pasimpleng bati nito saka may iniabot na maliit na kahon.

"Ano po ito, Tay?" kunot-noong tanong ng dalaga habang kinikilatis ang kahon.

"Malalaman mo rin iyan anak pero mamaya mo na buksan iyan. Pumasok ka na muna sa paaralan." utos pa ni Mang Ernesto na sinunod ng kaniyang anak na babae.

"Sige po, Itay. Maraming salamat po ulit." Nakangiting saad ni Rose sa kanyang ama bago niya ito niyakap. Tinago naman niya ang munti nitong regalo sa kanilang kuwarto.

Ilang minuto pa'y pumasok na nga sa eskuwelahan si Rose. Napansin ni Angel na masaya ang awra na mayroon ang kaibigan niya at nawari naman niya kung bakit ganito ang kaibigan niya ngayon.

"Aba... iba 'yung mga ngiti natin ah? Kumusta? Ikaw ha! May hindi ka na sinasabi sa akin. Naging masaya kayo ni Carlito kahapon 'no?" tanong ni Angge saka ngumisi.

"Nako, hindi lang dahil doon... mayroon pa." pambibiting usal ni Rose.

"Sige, ganyanan ah." waring nagtatampong wika ni Angel.

"Hala, akala mo ito. Ikaw nga eh, 'yung sa inyo ni Romeo hindi ko pa inaalam. Ay nga pala... may naalala ka ba ngayong araw?" Nagniningning ang mga matang tanong ni Rose kay Angel.

"Ha? Ano bang mayroon?" Kunwaring walang alam na tanong rin ng kaibigan.

"Ah... wala." Dismayadong aniya saka tumahimik.

Gusto sanang tumawa ni Angel dahil sa reaksyon na ito ni Rose subalit para maging kasabik-sabik nama'y mamaya na lang upang masorpresa niya ang kaibigan.

Habang nasa paaralan, palihim na inilabas ni Angel ang telepono nito saka tinawagan si Carlito na siyang dating kaibigan niya rin.

"Hello?"

"Carlo! Alam mo ba kung anong araw ngayon?"

"Hmm... lunes?"

"Hindi, hindi iyon."

"February 1, 2012?" patanong na tugon ni Carlito na pawang walang kaide-ideya sa nais sabihin ni Angge.

"Oo, tama. Alam mo ba kung anong mayroon ngayon?"

"Hmm, ano nga ba..." saka ito umastang nag-iisip. "Ay! Kamuntikan ko ng makalimutan, kaarawan pala ngayon ni Rose." Napakamot sa batok ang binata.

"Ayos, mabuti naman alam mo. May sasabihin ako sa iyo, tungkol ito sa binabalak ko para kay An An. Gusto ko siyang sorpresahin ngunit maaari bang ikaw na muna ang maging kasa-kasama niya mamaya?"

"Oo naman!" pagsang-ayon pa ng binata at doo'y sinabi na ni Angel ang buong plano nito.

"Oo, sige. Gusto ko 'yang plano mo ah. Iba," natatawang komento ni Carlito mula sa kabilang linya ng telepono.

"Sige na, nandito na siya." At doo'y ibinaba ni Angge ang telepono niya.

At no'ng nagkaroon ulit ng libreng oras si Angel ay tumawag ulit ito subalit sa ibang lalaki na, si Janry.

The Suitor Of Rose AnnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon