26

379 68 0
                                    

Kabanata 26:
Ang Masayang Simula



"Maligayang kaarawan, Rose Ann!" malakas na bati ng mga taong naroon.

Mangiyak-ngiyak na si Rose nang makita nitong puno ng mga tao ang kanilang bahay sapagkat ito ang unang kaarawan na maraming dumalong tao para sa kaniya.

"Maraming salamat sa inyong lahat na naririto ngayon." Nakangiting tugon ni Rose sa mga bisita niya, saglit pa siyang bumuntong-hininga.

Hindi niya namalayan ang pagtulo ng mainit na tubig mula sa kaniyang mga mata, lumuluha na pala ito.

Sandaling nanahimik ang mga tao roon, ilang saglit pa'y matamis nilang nginitian ang babaeng may kaarawan ngayon. Tinulungan ni Carlito si Rose Ann na punasan ang mga luhang natira sa pisngi nito at dahil dito'y napangiti ang dalaga at muling humarap sa mga tao.

"Oh sige na, kumain na kayong lahat." Nakangiting paanyaya ni Rose sa mga panauhin niya na siyang dahilan upang manumbalik ang ingay sa paligid nila.

"Maraming salamat ulit, Angge." baling niya sa matalik niyang kaibigan na ngayon ay kumakain ng inihanda nila.

"Nako, wala 'to!" Natatawang tugon naman ni Angel saka niyakap si An An.

At doo'y natapos ang isa sa mga 'di malilimutang araw ng dalagang si Rose Ann.






-----
"Ano Rose, nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ng isang lalaki sa babaeng kasama nito.

"Oo naman, ang bango kaya." komento ng dalaga bago inamoy ang bulaklak na ibinigay sa kanya ng kababata.

"Ah, mabuti naman at nagustuhan mo." Nahihiya munit nakangiting tugon ng binata.

"Salamat ah? Kasi ang aga-aga pa pero nagpunta ka na agad rito tapos binigyan mo pa ako ng regalong bulaklak. Salamat talaga." Malambing pang saad ng babae.

"Ano ka ba, wala lang ito. Nais ko rin kasing makita 'yang mga ngiti mo dahil ang mga ngiting iyan ang siyang nagpapatunaw sa puso ko na siyang dahilan para makumpleto na rin ang araw ko." banat ni Carlo na nagpangiti kay Rose.

"Keso, nambobola ka pa!" Pareho silang natawa dahil sa ekspresyong ito ng dalaga.

"Aba, aba? Ang saya naman ninyong dalawa. Ang aga-aga pa eh nilalanggam na tayo. Pinapaalala ko lang ha? Aral muna bago asawa." paalala ng isang may edad ng lalaki na biglang sumulpot sa harapan ng dalawa.

AMBA -Aral Muna Bago Asawa (bet!)

"Opo, Tito Ernest. Mano po pala." Sabay napatayo sina Carlo at An An upang salubungin ang matanda.

Magalang na pagbati ang ginawa ng binata sa tatay ng dalaga na kababangon lang. Nanggaling pa ito kaniyang silid-tulugan. Pagkatapos magmuta ng kaunti si Ernesto ay sinabayan siya ng dalawa na umupo sa mga silyang nasa salas ng bahay nila.

"Tama. Mabuti ng nagkakahintindihan tayo Carlito." Seryosong wika pa ni Mang Ernesto bago ito ngumiti.

"Sige po, Tito." sang-ayon naman ng binata sa kaniya.

"Tito, maaari po bang yayain ko si Rose na magbakasyon sa amin? Ipapakilala ko lang po siya kila Daddy at Mama." paalam ni Carlito dahilan para mawala ang mga ngiti sa mukha ni Ernesto. Umasta pa itong napaisip.

SANDALING KATAHIMIKAN
kaya nakaramdam ng kaba si Rose, baka kasi hindi ito payagan subalit nagkamali siya ng akala.

"Oh sige. Basta ba iuuwi mo siya ng buo rito. Ayos lang naman sa'kin basta ikaw 'yung kasama niya iho." pagpayag ng ama nito saka ngumiti sa dalawa.

The Suitor Of Rose AnnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon