17

384 76 0
                                    

Kabanata 17:
Bestfriend?


"Paano ko nakilala si Carlito?" tanong nito sa sarili saka ngumiti.

"Ipinakilala lang naman siya sa akin ng bestfriend ko." Nakangiting tugon niya sa tanong ni Angel.

"Ah, sino ba 'yang kaibigan mo?" alanganing tanong ni Angge kay Jakilyn.

"Si Stacie Del Monte, she's my cousin and also my one and only girl bestfriend." dagdag kuwento pa nito.

Napatango na lamang ang dalawang magkaibigan sa sinabing ito ni Jakilyn.

"Grabe ano? Iba pala mga lengguwahe ng taga-Maynila." Dahil sa tanong na ito ni Angge, natawa si Jakilyn.

"Ano ba kayo, pagpasensyahan niyo na ako galing kasi akong ibang bansa kaya ganito ako magsalita." paliwanag nito saka tumawa, ulit.

"Ay, pasensya naman hindi namin alam ni Rose eh." At sabay namang natawa sina Rose at Angge. Nagkatinginan muna sila bago tumawa.

Nang mapansin ni Jakilyn na hindi masyadong nakibo at nagsasalita itong si Rose ay ibinaling naman sa kanya ang kuwentuhan ng tatlong babae.

"Sandali lang, may nanahimik dito oh." biro pa nito na para bang kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Tumingin pa siya kay Rose at napatingin din ito pabalik sa kanya.

"Ah, eh. Patawad, may gagawin pa ko una na ako ha?" Wala sa sariling paalam nito sa dalawa saka tumayo at binitbit ang kanyang bag at dali-daling lumabas ng kuwarto.

Salubong ang kilay ni Jakilyn habang nakatingin kay Rose hanggang sa mapatingin siya sa kaibigan nitong si Angge. Nagkibit-balikat lang naman si Angel.

"Hindi pa naman uwian pero bakit umuwi na iyon? Cutting na siya n'yan." tila'y nag-aalalang tanong ni Jakilyn kay Angge.

"Hayaan mo na Jakilyn baka may problema, mamaya ko nalang siya kakausapin pagkatapos ng klase."

Kahit na gusto pang magtanong ni Jakilyn ay wala na siyang magawa sapagkat wala na rin naman ang taong gusto niyang pagtanungan, kaya naisipan na lang niyang bumalik sa kanyang silya at sakto naman na dumating na ang kanilang guro.

Mabuti nalang dahil pwedeng lumabas sa silid-aralan ang mga estudyante sa paaralan nila Rose Ann. Open Area kasi ang school nila at hindi naman mahigpit ang mga tagabantay dito kaya ayos lang gumala minsan basta hindi oras ng klase.

Sa kabilang banda, wala sa sariling naglakad-lakad si Rose sa koridor ng kanilang paaralan. Ang dahilan kung bakit ito biglang umalis ay dahil sa kakaibang nararamdaman niya ro'n sa bagong kamag-aral nila, hindi niya mawari kung bakit siya kinukutuban ng masama.

At habang nagmumuni-muni ito ay naisipan niya na rin na lumabas na lang ng tuluyan sa kanilang eskuwelahan total kilala naman siya ng mga guwardiya roon, kaya madali nalang siyang maglabas-pasok sa paaralan nila.

"Oh iha, bakit ka lalabas wala pang uwian ah?" takang tanong ng guwardiya sa kanya.

Ngumiti si Rose bilang pagbati sa lalaking kumausap sa kanya saka ito nagsalita. "Hello po Kuya Will, may gusto lang po akong puntahan."

"Saan naman?" dagdag tanong muli ng guwardiyang may pangalang Will.

"Ah basta po, sige una na ho ako." Tumango muna si Rose sa tagabantay bilang paalam saka umalis.

"Iha! Mag-iingat ka ah?!" pahabol pa nito sa dalagang kinausap niya na nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad palabas ng gate.

Noong lumabas na si Rose sa kanilang paaralan ay laking gulat nito sa biglaang paghatak sa kanya ng ilang mga 'di kilalang lalaki.

Hindi kaagad nakasigaw si Rose dahil nakaramdam siya ng takot. Isinakay siya ng mga ito sa isang itim na kotse na isang uri ng van.


The Suitor Of Rose AnnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon