Kabanata 16:
Transferee"Ano?!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ni Stacie sa kasama niyang babae dahilan para marindi ang ito sa kaniya.
"Anong klaseng reaksyon 'yan bessy, wala namang masama kung doon ako mag-aaral." suhestiyon ni Jackie Lynne o mas tawagin nalang nating Jakilyn para maikli.
Siya ay kasalukuyang nag-iimpake ng kanyang mga gamit habang kinakausap ang kaibigan niyang si Stacie na ngayon ay titig na titig sa ginagawa ni Jakilyn.
"Wait, what? Why do you want to transfer in that school? Oh man, don't tell me you want to be close by Tita Carlisle?" sermon pa ni Stacie kay Jakilyn.
Tumango naman agad si Jakilyn bilang tugon sa tanong ni Stacie at dahil dito'y napasapo sa kanyang noo ang ingleserang babae.
"Aish, ano pa nga ba? Hindi ka naman papapigil sa'kin eh." nasambit na lamang nito saka hinayaan si Jakilyn na mag-ayos ng gamit niya.
Batid kasi ni Stacie na kahit anong sabihin niya o pagpapapigil ang gawin nito sa kaibigan ay hindi pa rin niya mapipigilan ito sa binabalak niyang gawin sapagkat kilala niya itong pasaway.
"Ano ka ba, para naman itong sira. Hindi naman ako manggugulo ro'n. I'll promise that I will be a good student there so please don't worry about me, okay?" paninigurado pa ni Jakilyn kay Stacie.
"Ah, bahala ka. Makikilala mo lang naman kasi roon ang isa sa mga kaagaw mo kay Carlito mo." mariing kuwento pa ni Stacie.
"Ha? May ibang babae pa pala si Carlito sa buhay niya, bukod pa kay Tita Carlisle?" gulat pa nitong tanong. Panandalian itong napatigil sa pagtutupi ng kanyang damit na ilalagay niya sa kanyang maleta.
"Wow nakiki-Tita ka na rin eh kahapon mo lang naman sila nakilala." komento ni Stacie na siyang nginisian lang ni Jakilyn.
"And yes, may babae ro'n na laging binabalik-balikan ni Carlito. Ayon sa nasagap kong balita sa mansyon ay kababata niya yata 'yung babae and I guess sila na 'ata ngayon?" dagdag kuwento pa nito.
"Hey Cie, I don't like your joke." Malumanay munit seryosong saad ni Jakilyn.
"No, I'm not joking here like duh!" Taas-kilay nitong tugon, kasabay nito ang pagtaas ng kamay sabay kaway sa ere ni Stacie.
"Alright, that's enough na. Kung sino man iyan edi maganda, atlis makikilala ko siya at makikilala niya rin ako mas maganda sana kung maging kaklase ko siya rin doon." Nakangiting usal pa ni Jakilyn. Isang nakakatakot na ngisi ang ipinalabas nito sa kanyang mga labi.
"Nakakatakot ka dyan bessy ah? I don't like those creepy eyes, aish!" komento ni Cie sa itsura ng kaibigan niya bahagya pa itong umiling saka niyakap ang kanyang sarili.
"I really do like Carlito, Cie. And I know that you know that, what I like is all I want to have and I will do anything just to have the things that I want to make it mine, all mine." Sinserong aniya muli.
"Yeah right, kaya ka nga napapaaway dahil sa ugali mong 'yan eh." panenermon pa ni Stacie rito.
"Ano ba 'yan para ka ng Mommy dahil sa mga salitaan mo." iritableng wika ni Jakilyn na inikot pa ang dalawa niyang mata.
"Well, ang ganda ko namang Mommy." kompisanyang saad naman ni Stacie sa sarili, hindi na sumagot pa si Jakilyn sa sinabing iyon ng kaibigan bagkus nagpaalam na siyang aalis.
"Okay, I have to go na. Bye, Cie." Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo sa kama saka nagbeso sa kaibigan nitong si Stacie.
Inihatid ni Stacie ang kaibigan sa kotse nito saka muling nagpunta sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
The Suitor Of Rose Ann
Historical FictionA teen fiction story of a girl who named, Rose Ann. --- Si Rose Ann ay isang babae na never pa nagkaroon ng ideya tungkol sa salitang, pag-ibig. Paano kaya siya magkakaroon ng kaalaman ukol sa salitang ito? How can his suitor/s make her believe tha...