18

384 77 0
                                    


Kabanata 18:
Ang kanyang Pagsuko






Kasalukuyang nag-aabang si Kiko sa labas ng eskuwelahan ni Angge balak kasi nitong sunduin ang kapatid, maaga siyang nagtungo roon dahil maaga siyang natapos sa kanyang trabaho.

At habang siya ay naghihintay ro'n ay nakita nito ang saktong paglabas ni Rose sa paaralan nila kaya naman ang binatang si Kiko ay wala sa sariling napangiti.

"Hay, bakit ba ganito pa rin epekto ng babaeng 'to sa akin." bulong pa nito sa kanyang sarili.

Lalapitan na sana niya ang dalaga ang kaso nga lang ay may nauna sa kanya. Dalawang lalaki ang biglang lumabas sa isang kulay itim na kotse. Nakatakip ang mga mukha nito't pasimpleng umaligid sa puwesto ng dalaga. Nakita pa ng binata ang marahas na paghatak ng dalawang 'di lalaki sa babae saka dali-daling isinakay sa isang van.

Dahil sa pag-aalala'y mabilis ding sumakay si Kiko sa kanyang motorsiklo saka hinabol ang van na siyang pinagsakyan ng dalawang lalaki kay Rose.

Magkahalong kaba, takot at niyerbiyos ang kasalukuyang naghahari sa puso ni Rose sa loob ng sasakyan habang si Kiko naman na siyang sumunod sa kanila'y parang sasabog na dahil sa sobrang pag-aalala na ngayon ay nangibabaw na sa damdamin ng binata.

Sa isang liblib at tagong lugar huminto ang kotse, isang hindi pamilyar na lugar na madalang naman kung puntahan ng mga tao. Kasabay ng paghinto nito ang paghinto rin ni Kiko sa kanyang motor na malayo sa kinaroroonan ng kotse.

"Ano nakuha niyo na? Siguraduhin niyo lang na siya 'yan dahil ito na lang ang huli niyong pagkakataon." banta ng isang matipunong lalaki na para bang lider ng isang gang dahil sa kasuotan nito.

Nakasuot ito ng kulay itim na jacket at puting shirt, na siyang kapares pa ng isang itim na pants at sapatos. Naka-shades ang lalaki na animo'y tuktok sa araw kahit na hindi naman maaraw.

"Opo, Sir Patrick. Sigurado na kami sa pagkakataong ito at sigurado kaming ikatutuwa ni Boss ang regalong dala namin ngayon." nakangising sambit ng lalaki na isa sa dalawang lalaki na humawak kay Rose kanina.

Samantala, walang habas na hinila ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ni Rose Ann saka nila ito pinilit na ipasok sa loob ng isang abandunadong gusali, para itong isang lumang garahe kung titingnan mo siya sa labas at loob. Pinilit ni Rose na manlaban ngunit wala siyang magawa dahil pawang malalakas ang mga lalaking humawak sa kanya kaya napilitan siyang sumunod kahit ayaw niya.

Sa kabilang banda, lihim namang nakapasok sa loob ng gusaling iyon si Kiko. Nakapasok siya nang hindi namalayan ni isa sa mga nagbabantay doon. Minanmanan niyang mabuti ang mga taong naroon bago at habang papasok siya sa loob.

"Boss Bart!" pasigaw na tawag ng isang naka-shades na lalaki na siyang lumapit pa sa isang matangkad na maputing lalaki, na ngayo'y nakasuot ng simple munit mapormang damit na animo'y isa itong pinuno.

Boss Bart? Sinong Bart!?
Kunot-noong tanong ni Kiko sa isipan niya.

"Dala na nila ang matagal mo ng pinapahanap sa kanila." dagdag pa nito.

"Oh? Mabuti naman kung ganoon. Dahil 'di ko na kakayanin pa kung magkamali na naman sila sa pagkakataong ito, nakakasawa rin ang mga taong laging palpak." pigil inis na usal ng lalaking tinatawag nilang Boss Bart na sa palagay ni Kiko isang mastermind.

Sa pakiwari ng binata'y mga tauhan ni Boss Bart kuno ang lahat ng mga taong nasa loob ng lumang gusali na iyon at kasama na rito ang dalawang lalaking dumukot kay Rose.

The Suitor Of Rose AnnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon