Cheska pov3pm na .. Pero tulala pa din ako .. May 3 oras pa ako .. Para mag ayos ng sarili ko ..
Pagod na pagod na ang isip ko sa mga nangyari .. Ang daming revelation na naganap .. Parang isang bangungut ang lahat ng mga nalaman ko .. Pero bakit ganito ako .. Dapat ba ako magalit ng sobra .. Di ko na din maintindihan ang sarili ko .. Gulong gulo na ako .. Dagdagan pa ang nararamdaman ko kay kaye at thine ..Waaaaaa ... Buhay talaga ohhhh ..
Pasigaw kong sabi ..
------
Isang oras ang nakalipas .. Nananatili pa din ako sa ganitong ayos .. Nakahiga at tulala .. Tinatamad ako kumilos .. Felling ko nabugbug ang katawan ko ng libo libong tao .. May pasok na din bukas .. Di ko alam paano ko haharapin si kaye .. Dahil gusto ko malaman paano sila nagkakilala ni ate hanna .. Ang daming tanong sa isip ko na walang kasiguraduhang sagot .. Para akong pinagkaisahan .. Oo tama !!! Pinagkaisahan ng tadhana !!!!
Nagising ang diwa ko sa ring ng phone sa kwarto ng parents ko ..
Dali dali akong tumayo at sagutin ito ..
Hello ..
Iska .. Kamusta ka ?
Okay lang po ako papa ..
Matamlay kong sagotMabuti naman .. Matatagalan pa kami ni mama mo dito .. Uuwi ang kuya doms mo dyan mamaya .. Kaya mag luto ka .. Para may kasama ka sa bahay ..
Opo pa !
Parang ang tamlay mo yata iska ..
Masakit lang po ang ulo ko papa .. Dahil sa dami po ng mga ginagawa sa school ..
Magpahinga kana muna .. Pwede mo naman ituloy yan mamaya pag naging okay na ang pakiramdam mo anak ..
Opo pa .. Sge po ..
Bye iska .. Ang mga bilin namin .
Opo bye !.
Bye ..
Napilitan akong maligo .. Nakakahiya naman kay thine kung paghihintayin ko sya .. Dapat maging okay ako sa paningin nya .. Di nya mahalata na wala ako sa mood ..
---------
Ang lamig ng lagaslas ng tubig na
Umaagos sa katawan ko .. Pinipilit kong wag isipin ang mga nangyari sa amin ni kaye .. Pero yun at yun pa din ang sumasagi sa isip ko ..Flashback ..
Umuwi ako sa bahay na di alam kung anong gagawin .. Di ko lubos maisip na ako talaga ang mag fifirst move .. Tapos chiiiing .. Ganun ganun agad yun .. Bwiset na gamot na pinainum sa akin .. Nakaka baliw ahh .. Ano bang gamot ang pinainum sa akin ni jenks .. At ganun na lang ako naging ka wild .. Oo wild na ako noon pa .. Pero hindi naman sa ganun .. Ano bang utak meron ako .. Di ako nag iisip !!!
Anong kagagahan ang ginawa mo cheska .. Salita ko sa sarili ko .. Para na akong baliw sa ginagawa ko ..
Ano cheska anong kapal ng mukha ang ihaharap mo sa kanya ngayon ..
Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin .. Inaalala ang mga nangyari ..
Haaaay .. Bwiseeettt .. Baliw ka talaga cheska .. Ngayon pagdusahan mo yan ..
BINABASA MO ANG
Bad girl meet the good guy
Romancesa buhay natin madami tayong makasalamuhang tao at babago sa buhay natin.. pano kung isang spoild and blacksheep ang gustong mapabago ng isang kaye cal..mapabago kaya nya to !!! walang sawang awayan at asaran.. dalawng taong pingtagpo ng tadhana :)...