Chapter 2 [EDITED]

38.8K 459 12
                                    



Edited: October 6, 2017

Enjoy reading!


CHAPTER 2

LIANA JEAN MADRIAGA

IT'S BEEN almost two weeks ng dumating si Kuya sa aming tahanan. Kaya ayon lahat ng katarayan pinapakita n'ya sa akin maging ang pagiging pakialamero sa lovelife ko, pinasok na n'ya sa pinakamasungit na paraan. He greatly express his dislike regarding Terrence minsan nga nakakainis na e. Siguro ganito din siya naiinis sa akin noon sa t'wing tinatarayan ko si Nicole at sinasabi kong bitchesa siya.

Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas otso n ng umaga.I grabbed my notebooks and placed it inside my bag. Kailangan ko pa kasing mag-review sa school dahil sa aming exams. Ewan ko ba naman kasi, kitang malapit na ang closing e ngayon lang nagpa-exam 'tong professor ko. For formality lang ata ang kaniyang exams e pero either way, I need to review.

"Liana, pakigising na ang kuya mo dahil almusal na." sabi ni Mama sa akin.

"Opo!" napangiti ako, ayiee gigisingin ko sya tapos masasaktuhan kong kakalabas lang nya sa CR then makikita ko ang Ribs n'ya. Nakakakilig naman isipin. I shook the thought out of my head at saka inayos ang sarili ko.

Umakyat ako sa taas at kumatok saglit sa kwarto n'ya ngunit walang sumagot. Marahil ay tulog na tulog talaga siya.

Pinihit ko ang door knob at saka binuksan ito. "Kuya, kakain na ng almusal sabi ni Mama," giit ko ngunit wala talagang sumagot. Pumasok ba ako ng tuluyan sa kwarto n'ya. Bumungad sa akin ang Manly scent ng kwarto nya. Malalaman mo na isang Sebastian Levy Madriaga ang gumagamit nito.

"Kuya Seb..." tawag ko ulit. Pumasok ako sa loob at nakita ko syang natutulog pa. Nakapikit s'ya habang mahinang humihilik, natawa pa nga ako kasi ang cute nung sound na nagagawa n'ya.

Lumapit ako sa kanya.

Dahan dahan...

Iniingatan kong 'di s'ya magising. Pero ano ba ang pinunta ko dito? Diba ang gisingin sya? Dahan dahan akong naglean sa kanya "Kuya.." tawag ko sa kanya. Hinawakan ko ang mukha nya, ganito na pala ito sa malapitan. Hindi ko na s'ya magawang gising ng tulad ng dati. Gisingin na parang bata dahil iba na ang lahat.

Iba na ang pagitan naming dalawa.

At hindi ko na mababalik iyon, at masakit dahil kasalanan ko kung bakit nawala iyon.

"Kuya! Kuya!" tapik ko sa kaniya.

"Uhmm.. Nicole!" ungol n'ya at hinawakan n'ya ang aking kamay, he absentmindedly kissed my hand.

"Kuya, gising ka na daw sabi ni Mama kasi almusal na," tapik ko ulit sa kanya.His lips was against my hand, dinadamdam ko ang moment na ganoon

Minulat nya ang mata n'ya at agad na binitawan ang kamay ko. He pushed it away as if it's a mistake to touch it. Napapikit ako ng may maalala ako ng dahil sa ginawa n'ya

"Anong ginagawa mo dito?" He asked me coldly. Ngumiti ako sa kaniya, "Good Morning!Gising ka na daw sabi ni Mama. Kakain na tayo ng breakfast!" sagot ko sa kanya at saka ako nagmadaling lumabas. Paglabas ko ay napapikit ako. Yung tibok kasi ng puso ko ay sobrang lakas, hindi ko na madinig ang sarili ko sa sobrang lakas.

Bumaba na ako, mga makalipas ng 30 minuto pa sya bumaba, masyado kasi syang vain. Aakalaing mo bakla siya sa pagkabanidoso nito.

"Good Morning, Seb!" bati ni Mama sa kanya. He smiled and greeted her ganoon din ang ginawa n'ya kay Dad.

My Twisted Love Affair [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon