Chapter 18 [EDITED]

17.9K 251 16
                                    

Edited: April 03, 2020


LIANA JEAN MADRIAGA

LUMIPAS pa ang ilang araw ng pananatili namin dito. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng oras dahil sa mga nangyari. Napakabigat ng mga pangyayari para sa akin. At sa t'wing naiisip ko 'to 'di ko alam kung nagpapakamababa ba ako o tanga lang. I forced myself to him, kahit alam kong mali ay pinilit ko. 

But do I regret it? No.

But somehow nahihiya ako, gusto kong idahilan lang na nalasing ako pero hindi pwede. I was well and thinking clearly when I said those words, I was well and breathing heavily when we are kissing that night.

"Liana! Tara mag wall climbing tayo!" aya sa akin ni Ms. Yna, I was awaken by my thoughts and I saw them. All geared up habang ako, ito, nakatulala at balak na lang ata tumulala buong araw.

"Sige... mag-gi-gear up na ako!"

"Tulala ka ata ngayon. Is something bothering you?" Ms. Yna asked me. "She's been like that for three days. Ngayon mo lang ba nahalata?" Ms. Danica told her. I assured them that I'm okay and I proceeded on gearing up para makapag wall climbing din kasama sila.

"Liana, your left foot, step it up!" sigaw nila sa akin.

'I cant! Nakakatakot kaya!" sigaw ko sa kanya. Wala pa ako sa gitna, pero pakiramdam ko ang taas taas na ng naakyat ko "Wala ka pa sa gitna, it won't kill you step your left foot!" sigaw na naman nila sa akin.

Tumingin ako sa baba and I saw kuya looking at me, he seems worried. Okay I don't know why I decided to do rock climbing para lang mapatunayan na hindi ako sabog pero nagsisisi na ako.  I kept on screaming dahil sa takot ko. Sa sobrang inis ni Ms. Danice sa akin ay sinita niya ako."Fine! Let go!" sabi ni Ma'am Danica sa akin.

"Let go? Hindi ba ako malaglag?" I asked her.

"Safe 'yan! H'wag kang OA!" sigaw nya muli sa akin. Hindi ako nakabitaw agad sa halip mas kumapit ako. "Come on! Bumitaw ka na!" utos nila sa akin at ganoon nga ang ginawa ko, bumitaw ako at naramdaman ko na bumaba ang katawan ko. Humihingal ako at puso ko sobrang lakas ng tibok. buo pa ba ako? Mamatay na ba ako matapos kong magmukhang baliw sa harap ni Kuya Seb kahapon?

 Napapikit na lang ako nang may sumalo sa akin. "Are you okay?" He asked me. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko ang kuya na salo salo ako nakayakap ako ng mahigpit sa kanya Napaiyak na lang ako di dahil sa muntikan na akong mahulog kundi dahil sa nararamdaman ko. Yumakap ako sa kaniya, 'di dahil sa takot ako kung 'di dahil sa nararamdaman ko.

Hindi ko mawaglit ang pagmamahal ko sa kapatid ko. "It's okay. Hindi ka naman nasaktan." He assured.

No, I'm hurt. My heart is hurt.

'Liana, are you hurt?" Mam Yna asked pero nanatili akong nakatago kay Kuya at umiiyak 'Kuya.." bulong ko sa kanya. 

"Dadalhin ko s'ya sa clinic, puntahan nyo na lang sya doon." Sabi ng Kuya sa kanila at dinala nya ako sa Clinic. 

Agad n'ya kong inihiga doon."Di ka ba nasaktan?"He asked me. 

Umiling ako, "Nasaktan ako kuya" sagot ko sa kanya at saka ako tumingin sa mga mata nya 'Saan ang masakit sa'yo. I'll call the nurse. Sa susunod kasi--" Natigil siya sa pagsasalit ng tinuro ko ang aking puso.

"Nandito kuya, ang sakit dito!" sabi ko sa kanya at saka muling tumulo ang luha ko.

"Liana, ito ang tama.. naiintindihan mo naman ako diba?" He asked me. That night when we kissed, I remembered how he pulled away. How he thought that what we did is a mistake.

My Twisted Love Affair [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon