Chapter 8 [EDITED]

30.4K 331 23
                                    

LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA

BUONG gabi ko tinitigan ang watch na binigay sa akin ni Kuya. Napakaganda kasi nito at parang pinili n'ya talaga para sa akin. Pakiramdam ko ako talaga ang iniisip n'ya habang namimili siya ng regalo. Maybe my brother didn't really forget me, he hates me but he knows every bit of me. Hindi ko alam kung nararamdaman ko ito dahil sa bigay nya. I just found myself smiling with the thought. Humiga ako sa kama, matutulog na ako pero suot suot ko ang bigay nyang watch sa akin. Lumipas ang ilang araw, dumating na ang araw kung saan mag-a-outing na kami.

Well excited na nga ako sa outing na magaganap e. Ang hindi lang nakakaexcite ay makikita ko si Nicole doon ngunit kailangan kong tiisin iyon para magkabati na kami ng kuya ko.

"Liana, na-pack mo na ba lahat ng gamit mo?" Terrence asked me. Mas excited pa 'yan sa akin at buong linggo na bukang bibig ang aming trip. Ngayon lang kasi kami mag-a-out of town na magkasama. Isang bag lang dala ko pero sya maleta ang dala n'ya at may mga dala-dala siya na 'di naman magagamit dahil hindi naman kami magka-camping. Titira kami sa bahay ni Lola Teresa at kumpleto ang gamit roon.

Tumingin ako sa kanya. He was wearing a polo and khaki shorts. Ang cute nga niya tingnan dahil para siyang bata kung ma-excite. Hindi kasi sila madalas mag - outing ng ama niya dahil sa trabaho nitong bilang doktor. Kaya kung na-aaya siya sumama ni Mama ay sumasama talaga. Pumapayag naman ang Dad niya dahil alam nilang ligtas si Terrence kasama namin.

Ako lang ata ang 'di ligtas sa kabaliwan niya. "Oo na-empake ko na ang lahat," sabi ko sa kanya. Sa Bagiuo kami pupunta for the vacation pero ang bahay na titirhan namin ay sa Trinidad pa may house kasi ang family ni Mommy doon. It was a farm, para itong mini hacienda kung saan maari kaming magsaya pamilya.

I remember having barbecues with aunts and uncles before.

"Liana, kuha tayo ng maraming strawberries ha?" Parang bata nyang tanong sa akin.

'Oo gusto mo bigyan pa kita ng isang puno no'n." Sagot ko sa kanya at saka ko pinasok ang mga gamit ko na pampaganda sa bag.

"Bilisan mo na at ng makaalis na tayo. Gustong- gusto ko ng makarating sa Bagiuo. Huling punta ko doon e 11 years old pa ako." sabi nya sa akin.

"Wag ka ngang masyadong sabik diyan dahil 8 hours lang ang byahe natin." Sagot ko naman sa kanya.

Ngumiti siya muli sa akin. "Alam mo babe, gusto ko na makarating na tayo kasi sabik na akong sumakay sa kabayo kasama ka tapos yayakap ka sa akin ng mahigpit. Sure ako babe, kikiligin ka na naman sa akin. Mas lalo kang makukumbinsi na pakasalan ako! " Assumero din kasi tong lalaking to

"Sige na, na-convince mo na ako baka pakasalan na kita matapos ng Baguio trip natin." Natatawa kong giit sa kanya. Bumaba na kami sa parking lot upang ipasok ang gamit namin at pumasok sa sasakyan. Nandoon na kasi si Daddy na naglalagay na ng mga baong pagkain na lulutuin namin sa barbecue. Nang ma-sigurado ni Mommy at Daddy na handa na ang lahat ay bumyahe na kami. Nakasakay sila kuya sa ibang sasakyan at napagdesisyonan na maki-convoy na lang sa amin.Mas gusto ko sana na wala si Nicole para siya ang driver namin at buong pamilya lang kami.

Gusto ko muli sumakay sa passenger seat at titigan siya... Teka, ano ba 'tong mga pinag-iisip ko?

Mag a-alas-kwatro na ng hapon ng makarating kami sa La Trinidad. Walang polusyon kaya masarap na hangin ang bumungad sa amin. Habang abala ang lahat sa pag-aayos ng gamit ay lumabas ako sa terrace at saka tumingin sa magandang paligid.

Napapikit ako dahil napaka-relaxing ng paligid. "Pumasok ka na sa loob babe, may pagkain ng nakahanda doon. Let's eat early dinner!" sabi ni Kuya kay Nicole napalingon ako sa kanila. Hindi ko alam na nandito pala sa terrace si Nicole. Sa sobrang pagri-relax ko ay 'di ko napansin na may demonyita na sa paligid ko.

My Twisted Love Affair [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon