Chapter 4 [EDITED]

29.2K 396 20
                                    


Edited: October 11, 2017

Chapter 4

LIANA JEAN MADRIAGA 

"MANONG, patulong naman pong ipasok ang kuya ko sa loob ng condo unit n'ya." Pakiusap ko sa gwardya. Lasing na lasing ang kuya ngayong gabi, masyado s'yang naglasing di ko na lang pinaalam kay Daddy kasi siguradng maiinis sila. Lagi namang naglalasing si Kuya dahil sa nangyari noong wedding. It's my fault alam ko namang kasalanan ko kung bakit s'ya nahihirapan ngayon. Tinulungan ako ng gwardya na ipasok si Kuya sa kwarto nito at ihiga s'ya sa kama.

"Okay na po ba, miss?" Tumango ako at kumuha ng 100 sa wallet ko.

 "Salamat, Manong guard." sabi ko sa kanya at saka inabot sa kanya. Inayos ko ang higa ng kuya sa kama "Ang dami mong ininom" bulong ko sa kanya.

"Nicole" bulong nya sa akin.

"I'm sorry ulit," bulong na naman nya.

"H'wag kang mag-alala gagawa ako ng paraan para magkabalikan kayo, aayusin ko ang sinira ko, kuya. You will be happy again, mabubuo ka. Kasi pag nabuo ka ulit, magiging buo na rin ako," sagot ko sa kanya kahit na 'di nya naririnig ang mga sinabi ko. Matapos ko syang mabihisan ng kumportable ay napabuntong hininga na lang ako. Napapikit na lang ako ng maalala ko lahat.. Kung paano nagsimula na magbago ang lahat sa pagitan namin ng kuya.

Yung pagdating ni Nicole na sobrang kinainisan ko at naging dahilan upang magbago ang pakikitungo ni Kuya sa akin.

***

PALABAS ako ng campus nang mga panahon na 'yon. I'm on my usual place kung saan madalas kong hinihintay si kuya. Si Kuya ang madalas na nagsusundo sa akin dahil sa ayaw ko bumalik sa service ko. Nakakainis kasi yung driver no'n mukha syang manyak kaya ayan, si Kuya ang naghahatid sundo sa akin. Excited ako na lumabas ng campus namin ng mga oras na iyon. I saw him there, he was wearing his gummy smile that everyone loves.

My brother had this bitch face look pero kapag gusto n'ya ang nakikita n'ya, he smiles like an idiot. That kind of handsome idiot naman.

 "Kuya!" sigaw ko.

Lumingon sya sa akin, "Princess!" salubong nya sa akin. Agad akong tumakbo sa direksyon n'ya upang salubungin s'ya ng yakap."Dahan dahan lang Princess baka madapa ka" sabi nya sa akin. 

Napangiti ako sa kanya, "Kuya may assignment ako sa Biology! Tulungan mo ako doon ah!" sabi ko sa kanya.

"Sure pero bago 'yan ay may dadaaanan tayo" sabi nya sa akin.

"ano yun kuya? Kakain ba tayo ng macaroons?" I asked him. Umiling sya sa akin bilang sagot,"No, Princess pero pwede tayong dumaan, may susunduin tayo." Sabi nya sa akin. 

Nagkunot ang noo ko. Sino naman kaya ang susunduin namin? I hope it's not one of his friends dahil bully ang mga friends n'ya. They always makes fun of me and looks at my boobs.

 "Sino Kuya ang ating dadaanan? Yung barkada mo ba na may putok?" I asked him, ayoko yun na sumasakay kay Kuya kasi ang baho n'ya. I only want my kuya and none of his friends.

"Hindi, makikilala mo rin s'ya  and I'm excited for you to meet her. You will like her!" sabi nya sa akin. Mas lalong nagkuntot ang noo ko. 

Her?

Ibig sabihin babae iyon, sino naman kaya ang babaeng 'yon. He can't have a girlfriend dahil he promise that everyone girl he would date. Ako muna ang makakakilala at dapat may approval ko muna bago n'ya i-court.

My Twisted Love Affair [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon