Chapter 26 [EDITED]

11.9K 160 4
                                    

LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA

"LIANA, ilang araw ka nang 'di kumakain." narinig ko na giit ni Mama mula sa pintuan, mahigit isang buwan na mula ng makabalik galing sa Japan at masakit sobrang sakit no'n para sa akin. Pakiramdam ko para sa kanila ay madali lang ang makalimot, pero 'di ko magawang kalimutan si Sebastian dahil isa siya sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit 'di nila maintindihan na tunay ang pagmamahal namin. Na pwede naman kahit 'di kami magkadugo, na kaya ko naman tanggapin na may anak siya kay Nicole pero lahat daw 'yon ay mali. Makasarili daw kasi ang galaw na 'yon, at tumatakas kami sa katotohanan na bawal ang lahat. Binalikan ni Sebastian si Nicole at minamadali na ang kasal nila. Ang sabi ni Papa si Nicole ay manganganak sa Australia at doon na lang sila mananatili upang maiwasan pa ang magtagpo ang landas namin ni Sebastian.

Upang makalimutan ko na siya. Pakiramdam ko wala na akong karapatang sumaya, yung saya na naramdaman ko nung nasa Japan kami napalitan agad ng sakit. Wala na ata kaming karapatan na maging masaya.

Pumasok si Mama sa kwarto dala-dala ang tray ng pagkain. "Anak, kumain ka na pakiusap." Giit n'ya sa akin. "Nag-aalala na kami sa'yo maging ang kuya mo. Minsan tumatawag siya para itanong ka. Anak, you need to start moving forward and forget about what happened. Intindihin mo sana na magkapatid kayo at hindi tama ang mayro'n kayo." Giit ni Mama sa akin. Hindi ako humarap sa kanya dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"So pag ako ang involve kakalimutan ko na lang at iintindihan ko na lang? Mama, Sebastian was not a bad memory. I love him, I love him so much." I breathed out.

"Iwanan mo na lang ang pagkain dyan, kakain ako kapag gutom na ako." Sagot ko sa kanya. Narinig ko ang paglapag niya ng tray at ang malakas n'yang buntong hininga. Hindi ko na muli naramdaman ang agos ng oras matapos no'n, blangko akong nakatingin sa cellphone ko at nag-iintay ng text at tawag mula kay Sebastian. Puro padala din ako ng text sa kanya pero wala akong nakukuhang reply. Mukhang nagpalit na ito ng number dahil nang isang tawag ko e puro cannot be reach na 'to. Ngunit 'di pa rin ako sumusuko. Napabuntong hininga ako, "Hindi ko alam ang gagawin ko, Seb. Hindi ko alam..." Bulong ko at saka ako napaiyak.

"Ma'am Liana..." Nadinig ko ang bulong ng aming katulong sa pintuan kaya tumayo ako upang buksan 'yon. Nakita ko siya na may dala- dalang plastic mula sa Mercury Drug, "Ito na po ang pinabili n'yo ma'am. Nandito na rin po ang sukli sa plastic." Giit niya sa akin.

"Maraming salamat. Tatawagin kita ulit pag may kailangan pa ako." Sabi ko sa kanya at saka ko isinara ang pintuan. Napapikit ako at inilabas ang laman no'n. Isang malalim na buntong hininga ang inilabas ko at saka ako pumasok sa CR.

Paano na ako ngayon?

****

MALALIM akong huminga habang nakatingin sa aking katawan sa salamin. My body is changing, it changed a lot within this past few months. No one knows, nobody knows, iniisip ko kung anong gagawin ko sa oras na malaman nila ang lahat na nagbunga ang relasyon namin ni Sebastian. Na 'di lang si Nicole ang nawalan, na ako rin ay nawalan. Na binalikan siya upang panagutan at ako ay iniwanan dahil pagkakamali lang ako. Na ang relasyon namin ay isang pagkakamali lamang na dapat lang itong kalimutan. Our relationship is not meant to be forever. Tatlong magkakasunod na katok ang nadinig ko. "Liana, it's me Dad." Nadinig kong giit ni Papa.

"Pwede ba hayaan n'yo na lang ako?!" sigaw ko mula sa pintuan. "Irespeto n'yo naman na kailangan kong mag-isa ngayon. Hindi pa ba kayo kuntento?!" tanong ko sa kanila. Ayokong sumigaw pero ang sakit- sakit kasi, at 'di nila maintindihan na sobrang sakit nang ginawa nila.

"Liana, you can't keep on acting like this. It won't change the fact that your brother needs to face his responsibility and what the both of you shared is wrong. Simula pa lang at mas madali mo 'syang makakalimutan." Sabi niya sa pintuan.

My Twisted Love Affair [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon