Chapter 27 [EDITED]

12.6K 163 29
                                    

LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA

MALALIM akong huminga habang pinapanood si Papa na isakay sa maliit na truck ang mga gamit ko.Lilipat na ako ng bahay habang 'di pa gaano malaki ang tiyan ko. Wala akong balak sabihin kay Daddy na buntis ako dahil ayoko rin na dumami ang nakaka-alam. Kung maari lang gusto ko nang putulin ang koneksyon ko sa pamilya'ng 'to sapagkat naalala ko lang si Sebastian. Kung maari lang 'di muna ako magkakaroon ng kahit anong koneksyon sa kanila. Huminga ako ng malalim, "Anak, sigurado ka ba na ayaw mong magpahatid?" tanong ni Mama sa akin.

Tumango ako bilang sagot, "Ayokong malaman n'yo kung saan ako nakatira." Giit ko sa kanya. Lumapit si Papa sa akin, 'di ko alam kung paano ko sila napapayag na lilipat ako at 'di ko sasabihin kung saan. Hindi ko alam kung bakit hinayaan nila ako, siguro alam nila na magiging paraan ko 'to upang lumimot.

"Mag-a-attend ka ba ng kasal ng kapatid mo? Malapit na 'yon, it's two weeks from now." Sabi ni Mama sa akin. Hindi ako sumagot at kinuha ko ang maliit na bag. "Kuya, alis na po tayo." Giit ko sa driver ng maliit na truck. Naroon na ang ibang gamit ko, maging ang kama, nauna na rin sa titirahan ko ang ilang appliances na binili ko upang makapag simula ulit.

"Anak..." Napatingin ako kay Mama. Pinilit n'yang ngumiti, "Nandito lang kami ng Papa mo, kahit na pinipilit ka naming mag- move on sa nangyari. Sana mapagtanto mo na para sa ikabubuti mo rin 'to. Soon, you'll gonna find someone who will love you more than Sebastian, a better person." Sabi n'ya sa akin pero 'di ako umimik.

"Mauuna na ako." Giit ko sa kanila.

Ang sabi ni Mama ay papadalhan n'ya ako ng allowances dahil ayaw n'yang magtrabaho ako habang buntis. May ilang ipon din naman ako habang nagta-trabaho dati kaya sa tingin ko ay kakayanin ko naman. Hindi ko pa alam ang gagawin ko sa anak namin ni Sebastian pero, I will try to make things work.

I think I will be able to manage alone.

Lagi namang gano'n, kapag ako na ang usapan okay lang makakalimot din naman kasi ako. Nagawa ko nga raw kalimutan ang nakaraang nagpahirap sa akin kaya akala nila kaya ko ring makalimutan ang ngayon na lubos na nagpasaya sa akin. Sebastian is not a bad memory, it's not something that I will choose to forget despite of the pain. Hindi ko na sila pinansin at sumakay na ako sa truck. Nakakita ako ng mari-rentahan na espasyo sa may Tres Marites, Cavite. Oo, malayo, pero mas maigi na 'yon.

Tatlong story na apartment ang nakuha ko, akin ang pangalawang floor, mayroong sariling kusina, labahan, sampayan, at banyo. Malaki- laki ito at dahil din sa probinsya, mura lamang ang renta ko, umaabot lamang ng walong libo sa isang buwan.

Kung papapiliin lang ako e gusto ko sana nang mas malayong lugar. Ibang bansa o' di kaya sa liblib na ciudad pero nakiusap si Mama dahil gusto niya na kapag manganganak na daw ako ay madali s'yang makakadalaw sa akin.

Naging mahaba ang byahe papunta doon, at pagdating ko ay nagmagandang loob ng driver na tulungan akong ibaba ang lahat ng gamit ko. In-assemble din n'ya ang kama at ilang gamit para sa akin. Nang matapos ang pag-aayos ay nag-order na lang ako ng pagkain sa malapit na KFC upang madaling makapag-pahinga.

Nang matapos akong kumain ay umupo ako sa kama at saka hinawakan ang aking tiyan. "Kakayanin natin 'to, anak. Kaya pasensya ka na kung ililihim muna kita sa ama mo ha? Ayoko lang na lumaki ka at sabihin nilang pagkakamali ka rin. Pero alam mo naman diba? Nabuo ka kasi mahal namin ang isa't-isa at walang mali doon. Wala mali doon." Sabi ko kasunod no'n ay ang pagtulo ng aking luha.

Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako dahil sa nararamdaman kong sakit. Tila ba kahit anong iyak, at affirm ko sa sarili ko e 'di pa rin nababawasan ang nararamdaman kong sakit. Pakiramdam ko kahit anong sasabihin ko sa sarili ko ay balewala pa rin.

My Twisted Love Affair [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon