Chapter 9 [EDITED]

24.8K 295 25
                                    

SEBASTIAN LEVI MADRIAGA

"SEBASTIAN!" nagulat ako sa sigaw ni Daddy ng madinig ko 'to. Sabay kami na lumingon ni Nicole to check what it is. Nagkekwentuhan kasi kami dito sa may backyard kung saan may magandang view, we are planning our wedding and choosing the best venue that we have visited last month. We are also just talking about our lives, our plans and such.

"Yung kapatid mo lumabas ngayong gabi," he told me. "Can I borrow your car keys?" Dad asked me.

"She might have bought something. Liana is a big girl Dad, she can handle herself."

"That's why I'm more worried about her. It's almost 10PM, Sebastian. I would die if something happens to your sister."

"You're over reacting Dad. Saan ba kasi siya pumunta?"

"Nawala n'ya yung watch na binigay mo, ngayon bumalik s'ya sa Camp John Hay to find it. Doon sa mini forest kung saan sila namasyal ni Terrence kanina. She left abruptly kaya gusto ko siyang sundan." sabi sa akin ni Papa.

Tumingin ako kay Nicole at saka bumuntong hininga, "Why don't you call Terrence to find her?" I asked.

"Nagbibihis lang siya, Seb, ayoko na sanang gisingin dahil namumutla at nilalagnat pero agad na bumangon para hanapin si Liana. Kailangan ko ang sasakyan mo!" Dad told me. Agad akong tumayo at kinapa ang "You don't know what will happen to her when her nervous breakdown starts. She hates it when its raining." He said while panicking. Breakdown, naalala ko ang nangyari noon sa bahay. When she tried to drown herself because of rain. Napapikit ako, at naramdaman ang malalaking tulo ng ambon sa balat ko. Umuulan, mas lalo akong kinabahan ng magsimula ng umumlan. I silently cursed, Liana hates thunders and lightnight.

"I'm going with you. Let's find her." sabi ko sa kanila.

"Wait? What? you are going to leave me here?" Nicole asked me. "Babalik ako pag nakita ko na siya agad. I'll just go with Dad," I simply answered her. "If Terrence is sick, he can't go out to the woods, we will just make him wait in the car." Giit ko sa kanya. Nakita namin ang paglabas ni Terrence, tama nga si Daddy, he was pale. "Kami na lang maghahanap sa kanya. We're going to find her. Stay here with Nicole because you're sick."

"Hindi! Kailangan ko siya mahanap. Hindi mo siya kilala kaya kaya dapat ako ang maghahanap sa kanya." Sagot niya sa akin. "Just let him join, Seb. Tara na! Let's go find your sister."

Tumango ako at kinuha ang Jacket at susi ng sasakyan ko. Since Liana used the first car, we will use mine. Mas lumakas ang ulan, to the point na mayroon ng mahinang kulog. It was pretty strong and somewhat surprising. "Ano na kayang nangyari sa baby ko? " pagrereklamo ni Terrence habang 'di sya mapakali sa loob ng sasakyan. I continued driving until we reached the place. Wala na akong ibang inisip agad akong pumasok sa loob nang gubat na 'yon. It might look small but the trails were huge and vast. Kahit na sino ay mawawala roon.

"Sebastian!" I heard Dad called me pero 'di na ako lumingon. The rain grew harder at nagsimula ng kumulog.

"Liana!" sigaw ko. I heard dad's voice na parang pinapabalik ako but I ignored it. Madilim masyado. I lit up the flash light para makita ko ang daan na mas madilim dahil sa pag-ulan.

"Liana!" sigaw ko ulit.

Kakahanap ko may nasipa ako tumingin ako sa baba, at nakita ko ang relo na regalo ko sa kanya. Dito nga nya nawala. Ngayon nasaan na siya, binulsa ko agad ang relos ko. Basang basa na ako pero mas importante na mahanap ko s'ya dahil baka umiiyak na naman s'ya. "Liana! Where are you?!" sigaw ko muli. Malakas na tunog ng kidlat ang narinig ko. "Kuya!" I heard her scream. I followed the trail of her voice. Sunod- sunod ang pagtawag niya sa akin. I can feel her need, I can hear the fear in her voice.

My Twisted Love Affair [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon