Chapter 14 [EDITED]

20.8K 252 40
                                    


Date edited: 28/05/18

Chapter 14

LIANA JEAN MADRIAGA

'TERRENCE, na - narinig mo ba?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin at mukhang gago na ngumiti sa harap ko.

 "Ha?" tanong niya at saka niya tinanggal ng earphone na nakapasak sa tainga nya. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto kong wala siyang nadinig. 

"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ba ang sabi ko may tawag lang ako sa na sasagutin?" I asked him.

"Ang tagal mo kasi kaya sinundan na kita. Mabuti tapos na ang tawag mo." simpleng sagot n'ya sa akin at agad nya akong yinakap, minsan di ko rin maintindihan ang lalaking to.

 "Bakit mo ba ako biglaang niyayakap?" I asked him.

"Dahil na-miss kita. Miss na miss na kita, Liana." sagot nya sa akin.

'Kanina mo pa sinasabi sa akin na miss mo ako. May problema ka bang dinadala, Terrence, ha?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya sa akin at saka niya hinawakan ang aking kamay.

'Maari ba tayong bumalik sa dati, Liana?" He asked me.

 Nagkunot ang noo ko. Marahil ay napapansin n'yang nagbago na ako sa kaniya. Sinasaktan ko na si Terrence pero ayokong malaman niya na ginagawa ko 'yon. Ayokong mahirapan siya. 'Hindi naman tayo nagbago para may balikan." Sagot ko sa kaniya.

Natatakot ako saktan ka matapos ang lahat ng ginawa mo para sa akin. "Hindi ako tanga Liana, nararamdaman ko at nakikita ko na marami ng nagbago pero kahit na gano'n ay mahal na mahal kita. Hindi ako mapapagod na mahalin ka. Paulit- ulit..." sagot nya sa akin. Napapikit ako sa mga sinabi nya sa akin. Ang swerte ko at andyan ka Terrence. 

Ang swerte ko talaga sayo pero mukhang minalas ka sa akin.

"Mahal na mahal kita Liana, tandaan mo yan." sabi nya sa akin at hinalikan nya ang pisngi ko. Napangiti na lang ako at muling napatingin sa phone ko. May message galing kay Kuya. Bbinulsa ko muna ang cellphone ko at saka ko sya hinatak sa loob.

 "Manood na lamang tayo ng Titanic sa loob." sabi ko sa kanya.

Buong magdamag wala syang ginawa kundi ang yumakap sa akin. Para syang penguin na nakakapit sa akin. Pero kahit na gano'n ay di ko maiwasan ang kabahan. Natatakot kasi talaga ako na masaktan si Terrence pero 'di ko naman maaring balewalain ang puso ko at si Sebastian. 

Nanood kami ng pelikula ni Terrence at saka buong araw na naglambingan. Dito na rin siya sa aming bahay naghapunan. Bago umalis si Terrence ay binigyan niya ako ng halik.

Hanggang kailan ba kita sasaktan?

Hanggang kailan ko ba kakayanin?

***

"LIANA, pakidala naman 'to sa marketing department." Giit niya at inabutan niya ako ng dalawang envelopes. "Tapos itong folders kay Ma'am Danica..." Utos sa akin ng boss ko. Wala sa wisyo akong napatango sa kaniya. Paalis na sana ako ng bigla n'ya akong tinawag ulit.

'Liana?" She called me.

'Bakit po, Ma'am?" I asked her.

'Liana are you sure na magkapatid kayo ni Seb?" She asked me.

"Po? Opo. Magkapatid po kami. Bakit po ma'am?" She sighed.

"Well some of our colleagues reported to me. Iba ang napapansin nila sa pagiging close n'yo. People were naturally green minded at bastos ang utak. I just want to clarify to myself na wala lang ang closeness ninyo." Paliwanag niya sa akin. Hindi ko rin naman kasi makontrol si Sebastian sa t'wing pupunta siya dito. Minsan nga ay may nakakakita sa paghawak n'ya ng aking kamay.

My Twisted Love Affair [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon