Chapter 16 [Edited]

18.8K 246 26
                                    

Edited: November 19, 2018

LIANA JEAN MADRIAGA

BUONG ARAW akong tulala sa office namin matapos no'n. The pain just crept into my heart. After our conversation, hindi na ako tinawagan ni Sebastian. Mapait akong napangiti ng dahil doon, "Umasa ka pa kasi..." mahina kong sermon sa sarili ko. I double stabbed my heart with the truth, and the hope that he will come back to me.

Baka na-realize niya na dapat nga naming itigil ang aming kalokohan.

"Sige na Liana, sumama ka na sa company outing natin, It'll be fun."  aya sa akin ni Ma'am Yna. Kanina pa nila ako na kino-convince na sumama sa kanila. It will an outing with some of their investors and coaches. Team building kungbaga.

Saka baka di lang ako makarelate, I mean wala akong ibang kilala kundi si Boss Yna, Si Ma'am Danica naman ay may pagkamataray tapos sigurado ako na wala rin si Ma'am Mila dahil 'di siya mahilig sumama sa mga ganito. "Gusto ko sanang magpahinga lang po over the weekends e." 

"Sumama ka na saka sure ako mag-i-enjoy ka kasi, this is a joint outing. Makakasama din natin ang mga employees ng Seamount Company and your dear brother." sabi nya sa akin.

"Seamount?" I asked her. That sounds familiar. 

"The company that your brother's fiance owned. Pabagsak na ang company nila pero tinulungan siya ng kapatid mo by choosing Seamount as one of their biggest suppliers in your restaurant branches." pagpapaliwanag nya sa akin.

"Bakit po sila kasama?" I asked her again.

 "It's because sila ang magii-sponsor ng hotel rooms na gagamitin natin. And at the same time, partner din sila ng company natin kahit na palugi na sila. Ang laking tulong sa kanila ng involvement ni Sebastian at umaangat na sila." Sabi nya sa akin. Tango na lang ang sinagot ko, if ever na sasama ako. Makikita ko si Nicole at si kuya doon.

"Sumama ka na please?" She asked me.

Tango ang nasagot ko sa kanya. I know that it would hurt me but... I want to see Sebastian. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Naghahanap ba ako ng dagdag na sakit ng puso? Habang nag-iisip ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako doon.

I miss you...

Si Kuya Sebastian ay nag text sa akin. Napangiti ako ng mabasa ko ang text niya sa akin. "Oh ngumingiti ka. Is that a yes for my invitation?" tanong muli sa akin ni Ma'am Yna. Hindi ako nagreply kay Sebastian, sa halip ay nanatili akong nakatingin sa phone ko. Muli itong tumunog at isang message na naman ang dumating. Galing muli sa kaniya.

Paano kung mahal na kita, anong gagawin mo? 

What if, I will do anything to fight for you, anong gagawin mo? That was his next message. Iniisip na ba niyang mahal na rin niya ako? "Ma'am..."

Napatingin sa akin si Ms. Yna. "Have you made your decision?" she asked me.

Ngumiti ako sa kaniya. "I'm going to see my brother there, right?" She nodded.

"Sige Ma'am, sasama po ako."

Hindi na ako sumagot pa sa message n'ya sa akin. Alam ko naman kasi na impossible ang gusto nyang mangyari, ang ibigin pa lang nya ako ng higit kay Nicole impossible na, at alam ko iyon. Nang matapos ang meeting naming dumiretso na ako para sa natira ko pang gawain na natira.

"Ms. Liana, may naghahanap po sa inyo sa Lounge Area," sabi ng Janitor sa akin. 

"Sino daw ang naghahanap sa akin?" I asked her back. "Ms. Liana, Terrence daw po ang pangalan n'ya," sabi nya ulit sa akin.

My Twisted Love Affair [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon