Ahhh!
(sigaw ng isang babae)Prologue
Bago pa nilikha ng Diyos ang tao, inihanda muna n'ya ang mga kailangan nito.
Ganun pa man naging makasarili pa rin at hindi nakuntento ang mga tao, kaya sa paghangad nito ng iba pang mga bagay, nagdulot ito ng away at gulo na humantong sa walang tigil na digmaan.
Dumanak ang dugo at sinira nito pati na ang kalikasan. At nagbunga ito ng isang bagong mundo, mundo kung saan ang tao'y handang pumatay para sa sarili.
Mundo na gagawin ang lahat para sa pag-unlad.
Mundo na aking ginagalawan
Mundo na malapit nang ----
(kasa ng baril)
BANGGG! (gun shot)
"Handa ka bang pumasok sa mundo ko?"
ZOMBIE UNIVERSITY
CHAPTER 1
KamatayanMarami sa atin o lahat sa atin ay ayaw makasaksi o maranasan ang bagay na ito. Subalit ang katotohanan ay hindi mapipigilan.
Ang tao ay nakatakdang dumaan sa bagay na ito, bilang tanda ng pagwawakas ng buhay niya sa mundo, sapagkat ang lahat ng tao ay nagkasala.
At ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.
Ala-7 ng umaga ng ako'y magising, dali - dali akong bumangon at dumeretso sa rooftop ng aming Dorm na palagi kong ginagawa.
Habang inuunat ko ang aking kaatawan, kasabay ang pagtama ng sikat ng araw sa aking katawan, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko sa aking nasaksihan.
May hindi tama!! Ala - 7 na ng umaga ng lunes, subalit para bang araw ng linggo ang aking nasaksihan. Iilan pa lang ang tao na dapat sa mga oras na ito ay dagsaan na. At napakatahimik na para bang binibingi ka nito nang biglang---
"Tol dalian mo sa T.V !!!!"malakas na tawag sa akin ni Joseph na sumira sa katahimikan.
Agad naman akong tumalikod at nagmadaling bumaba patungo sa kwarto namin. At sa pagpasok ko sa pinto ng kwarto namin agad akong nagulat sa aking nasaksihan sa T.V.
BINABASA MO ANG
ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)
Science FictionYear 2027 isang virus ang lumitaw sa mundo. Ginagawa nitong halimaw (Zombie) ang isang taong ma-infect nito. Halos 99% na ng population ng mundo ang nainfect ng virus nito, ang ilan naman ay nananatiling uninfected. Isang Community ng mga estudyan...