C6P4

258 8 1
                                    

.Zombie University
6:4
.
.
.
Joseph POV
.
.
.
" kamusta?!!" Bati sa akin ni Crystal habang papalapit at may dalang kape.
.
.
" Ah OK naman, ikaw kamusta?" Tanong ko
.
.
" ito medyo hindi pa rin maka move on. Amm..kape pala" wika nito sabay abot ng kape.
.
.
" salamat, ah saan ka pala hindi makamove on?" Wika ko
.
.
" sa mga pangyayari, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa sitwasyon natin ngayon at sa mundo na meron tayo ngayon. Anumang oras pwedeng may mangyaring masama, pwede tayong atakihin ng napakaraming zombie o di naman kaya isa sa atin ang maging zombie at kagatin ang lahat. At maging zombie rin tulad ng iba. Nakakatawa na gaano man kalawak ang kayang abutin ng isip ng tao, hindi parin nito kayang malaman kung ano nga ba ang mangyayari sa hinaharap." Sagot nito sabay ngiti sa akin.
.
.
" Tama ka," wika ko
.
.
" ikaw ba, gusto mo pa bang mabuhay ng napakatagal? " tanung nito.
.
.
" Ewan ko?" Tugon ko
.
.
" Ako gusto ko pa, kaya lang parang imposiblxe na sa panahon ngayon" wika into
.
.
Napatingin ako sa kanya, at kitang kita sa mata nito ang pag-aalala.
.
.
" mangyayari yan, wala namang imposible, atsaka magtutulungan naman tayo..diba?" Wika ko
.
.
.
"Ah Oo naman " tugon nito at kahit paano nakita ko ang ngiti nito na animoy nabuhayan ito...
.
.
"Sige, dito muna ako may kailangan pa kasi akong gawin" wika nito at nag umpisang maglakad palayo sa akin, samantalang nakita ko naman si AJ na palapit sa akin at bumulong.
.
.
" Nakikita kong gusto mo sya"
.
.
.
"Sa bagay ,parang gusto ka rin naman n'ya eh " dagdag pa nito
.
" Talaga gusto n'ya rin ako ? " tanong ko
.
.
" oo, nakikita ko sa kilos n'ya " bulong nito na kinagalak ko talaga ng sobra.
.
.
" may alam pa ako na sa tingin ko hindi mo alam ,pero sa tingin ko hindi ko nalang sasabihin" bulong ni AJ at akmang aalis na.
.
.
" Ano yun?" Tanong ko
.
.
" Wag na, sa akin nalang 'yon " wika nito at tumalikod na.
.
.
" Sige na please, sabihin mo na pakiusap!! Parang wala tayong pinagsamahan ah" pakiusap ko dito at muli ay humarap ito sa akin at nagwika.
.
.
" sigurado ka na gusto mong malaman" tanong n'ya
.
.
" Oo pakiusap" wika ko sabay ngiti na para bang nakajackpot.
.
.
"OK" maikling sagot nito sabay bulong sa tenga ko...
.
.
.
At sa narinig ko. Para bang nabunutan ako ng tinik at muling tinusok tusok ng 1M times.
.
.
Hayyy...sana di ko nalang narinig....
.
.
At si AJ ay muling tumalikod at naglakad palayo habang ako naman ay iniwan nyang tulala..
.
.
.
Narrator mode.
.
.
Samantala sa hindi pa kilalang lugar ang presidente ng Pilipinas ay kunakausap ng mga hindi pa kilalang personalidad.
.
.
.
" Nasaan ako? Sino kayo?" Tanong ng presidente na hindi pa rin alam kung anong nangyayari at kung nasaan s'ya.
.
.
.
" Nasa ligtas ka na kalagayan na kailangan mong ipagpasalamat, pero bago ko sabihin kung bakit ka nandito. Kailangan mo munang makita ito."wika ng isang babae kasunod ang paglabas ng isang video clip sa isang TV screen.
.
.
.
Gulat na gulat at hindi makapaniwala ang presidente sa kanyang nasaksihan. Ilang video patungkol sa pagkalat ng virus na naging sanhi ng zombie invasion ang kanyang napanood.
.
.
"Kagaya nga ng nakikita mo, ang buong mundo ay nasa malaking crisis at wala na ang dating mundo na alam mo. At kailangan namin ang mga nalalaman mo para malaman ang pinagmulan ng mga bagay na ito." Wika ng isang babae.
.
.
"Marahil alam mo na ang ibig sabihin namin" wika ng isang lalaki
.
.
"Hindi ko alam ang sinasabi n'yo " wika ng presidente
.
.
" Alam ko na sasabihin mo yan, kaya nga nagbaon kami ng alas,  upang baka sakaling mahikayat ka namin na makipagtulungan." Wika ng isang babae habang nakangiti ito na animoy alam nito ang mga susunod na pangyayari.
.
.
.
LEO's POV
.
.
.
Habang nagpapahangin sa tuktok ng isang mataas na gusali nakarinig ako ng ingay galing sa kalayuan. At sigurado akong tunog 'yon ng mga helicopter na ilang segundo lang ay dadaan malapit sa lugar na aking kinatatayuan.
.
.
.
Dali-dali akong kumaway kaway nagbabaka sakaling matanaw at mapansin ng mga tao na nakasakay sa mga helicopter. At ilang saglit lang ay may boses akong narinig galing sa isang helicopter na nagsasabing manatili daw ako sa aking pwesto at lalapag daw sila para sagipin ako. At gaya ng sinabi nila, nanatili ako sa aking pwesto at hinintay sila.
At habang palapag sila makikita sa aking labi ang saya at pag- asa. At ilang minuto lang ay nakalapag narin ang isang helicopter sa helideck ng building na aking kinatatayuan.
At lumabas ang mga armadong sundalo para magtungo malapit sa aking kinatatayuan.
.
.
"Sir okay lang po ba kayo?" Tanong ng isang officer sa akin
.
." Ah opo ok naman po ako" tugon ko
.
" Sir..kung maaari lang po ay itaas n'yo ang mga kamay n'yo at ilagay n'yo po sa likod ng ulo n'yo at dahan-dahang po kayong tumalikod para sa inspection" utos ng isang officer sa akin habang ang mga baril nila ay nakatutok sa direksyon ko. Nang mga oras na iyon napakaraming tanong ang naglalaro sa isip ko.
.
Bakit?
.
Bakit kailangan ko pang gawin ang mga bagay na ito?
.
Hindi ba nila ako tutulungan agad?
.
.
Hindi ba nila batid ang kalagayan ko?
.
.
Ganun pa man, sinunod ko pa rin ang mga pinag uutos nila para matapos na, at maisagawa na nila ang inspection.
.
Habang tumatalikod ako ng dahan-dahan napansin ko na parang sinenyasan ng isang officer ang isang sundalo. At sa isang iglap nakarinig ako ng mga putok ng mga baril. Ewan ko lang kung bakit, pero mabilis na nagreact ang buo kong katawan para ilagan ang mga balang patungo sa akin.
.
.
At agad kong nilapitan ng napakabilis ang pinakamalapit na sundalo at agad ko 'tong sinikmurahan at tinadyakan kasunod ang pag-agaw sa baril nito na agad kong ginamit para paputukan ang iba pang sundalo. Mabilis ang sumunod na nangyari na ikinamatay ng lahat ng sundalo maliban sa isang officer.
.
.
At ng kami nalang ng officer ang natitira, hinayaan ko lang muna s'yang paputukan ako at dalawa sa mga bala ang tumama sa braso ko na agad kong tinanggal. At sa hindi inaasahan dahan-dahang gumaling ang sugat ng braso ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya at hinawakan  s'ya sa leeg at habang s'ya naman ay pilit na tinatanggal ang kamay ko sa leeg n'ya. Subalit hindi n'ya ito matanggal hanggang sa unti-unti na itong malagutan. Makikita sa mata ko ang galit at pagkadismaya sa mga oras na iyon.
.
.
Ang lahat ng bangkay nila ay nilagay ko muli sa helicopter. Pagkatapos ay pwersahan kong sinipa ang helicopter upang mahulog ito mula sa tuktok ng building. At ilang Segundo lang bumagsak din ito sa lupa at lumikha ng isang pagsabog.
.
.
At mula ng araw na iyon kasabay ng napakadaming tanong, natanggap ko na kung anong abilidad ang meron ako ngayon at mukhang alam ko na rin kung saan ko ito gagamitin.
.
.
.
At gaya ng inaasahan ko muling bumalik ang tatlo pa sa helicopter na kaninang napadaan. Napansin siguro nila
ang pagsabog at ang pagkawala sa linya ng mga kasamahan nila. Habang papalapit sila sa posisyon ko minabuti kong hagisan sila ng mga tubo na gawa sa bakal na napansin kong nakatengga sa itaas ng building na kinalalagyan ko. Gamit ang kakaibang lakas na meron ako at ang mga tubo na magsisilbing sibat, pinaulanan ko sila ng mga tubo. At isa-isa silang bumagsak bago pa sila makalapit sa akin, gawa narin siguro ng mga tama ng kanilang helicopter dahil sa mga tubong inihagis ko sa direksyon nila. At kitang kita ko kung paanong bumagsak at bumangga sa mga gusali ang mga helicopter kasunod ang pagsabog nito.
.
.
At mula sa itaas ng gusali matatanaw sa aking mukha ang bahagyang pagngiti, ngiti na nagsasabi na " nagkamali kayo ng kinalaban".
.
.
At mula sa gusali na aking kinatatayuan ay mabilis akong tumakbo at tumalon ng napakalakas patungo sa isa pang gusali at sa pagbagsak ng mga paa ko sa sahig ay s'ya ring pagcrack ng bahagya ng sahig. Inulit ko lang ang mga bagay na ito hanggang sa makarating ako sa nais kong destinasyon.
.
..
.
"HAAAAAAAAAHHHHHHHH" sigaw ko
.
.
.
.
*narrator mode..
.
.
At mula sa malayo may isang grupo ang nakarinig sa sigaw na ito.
.
.
" Narinig mo 'yon?" tanong ng isang lalaki na bahagyang nakangiti sa kanyang kasama
.
.
" Oo, narinig ko" tugon nito na nakangiti rin habang ang mga kasamahan nila ay napalingon sa kanila at nakangiti rin ang mga ito na para bang nagsasabing maging sila ay narinig din yun.
.
.
At mula sa di kalayuan may isang kakaiba at napakalaking zombie ang pasugod sa direksyon nila. At nung malapit na ito ay dahan-dahang lumingon ang isang lalaki dito at napangiti ng biglang naglaho ito at mula sa itaas ay bumagsak ito at sinipa sa itaas ng ulo ang zombie bago pa ito tuluyang makalapit sa grupo. Nadurog ang bungo nito gawa narin ng napakalakas na pagsipa at pagbagsak ng napakalas ng mukha nito sa lkalsada na nagdulot ng pagcrack ng kalsada.  Kasunod nito agad itong naglakad papalapit sa mga kasama nito habang pinapagpagan ang suot nitong itim na jacket.
.
.
"Asar!!!" Wika nito at napangiti ang mga kasama nito.
.
.
" Palitan mo nalang mamaya" wika ng kasama nito.
.
.
" Tama s'ya, palitan mo nalang doon " wika pa ng isang niyang kasama.
.
.
"Sige na nga, sabi n'yo eh" wika nito sa mga kasama..
.
.
.
At napangiti nalang ang iba..
.
.
.
To be Continue.
.
.
.
Up next : ZU 7
.
.
.
Be one of the member of a squad.
.
.
.
.

.
.

.
.

.
.
.
.
.

.
.
.

.
.
.

.
.
.
.

.

.
.
.

.
.

.
.

.
.

.
.
.
.

.
.

ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon