C7P1

274 7 2
                                        

Zombie University
Chapter 7
.
.
.
Part 1
.
.
.
AJ's POV
.
.
.
Habang naglalakad patungong Admin building muli kong naalala ang kaganapan kanina kaya isang maliit na ngiti ang namutawi sa aking mga labi.
.
.
*Flashback
.
.
.
" may alam pa ako na sa tingin ko hindi mo alam ,pero sa tingin ko hindi ko nalang sasabihin" bulong ko kay Joseph
.
.
" Ano yun?" Tanong nito
.
.
" Wag na, sa akin nalang 'yon " wika ko sabay talikod at akmang aalis na sa mga oras na iyon
.
.
" Sige na please, sabihin mo na pakiusap!! Parang wala tayong pinagsamahan ah" pakiusap ni Joseph, kaya napaharap muli ako sa kanya.
.
.
" sigurado ka na gusto mong malaman" wika ko sa kanya at ng mga oras na ito parang gusto ko ng matawa
.
.
" Oo pakiusap" wika nito na animoy nakangiting aso
.
.
"OK" maikling sagot ko sabay bulong..
.
.
" Mukhang naisahan na naman kita Lover boy" bulong ko dito at para bang natulala ito sa sinabi ko
.
.
At muli ay tumalikod ako at naglakad papalayo nagpipigil ng tawa dahil sa mga reaksyon nito sa mga sinabi ko
.
.
.
*End of flashback
.
.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa 4th floor ng admin kung saan ang meeting place namin.
.
.
"Nanjan ka na pala Commander" wika ni Ray ng makita niya ako.
.
.
" Kamusta? tsaka nga pala tawagin nyo nalang akong AJ, naiibahan kasi ako pagtinatawag akong commander. Masyadong pormal atsaka parepareho naman tayong estudyante dito." Wika ko sa kanila.
.
.
"Kung iyan po ang gusto n'yo" wika ni Crystal
.
.
" Okay anung pag uusapan natin ?" Tanong ko
.
.
" Nagconduct ng research ang ilan sa mga biologist student, medicine student at iba pa tungkol sa pinagmulan at kung anong meron sa mga zombie para malaman kung ano nga ba ang katangian at kaya nilang gawin "  wika ni Crystal
.
.
"They planning na magsagawa ng experiment sa mga bangkay ng mga zombie, so they ask ng support galing sa atin" wika ni Ray
.
.
" So we conduct a meeting para pag-usapan ang bagay na ito, earlier we decided na pagbigyan ang nais nila, but the final decision is yours, AJ" wika ni Xen
.
.
" I think makakatulong ang research na 'yan para sa survival natin, kaya pumapayag ako" wika ko
.
.
.
.
Naghiwahiwalay na kami pagkatapos ng pagpupulong. Habang papalabas ako sa admin building, nakita ko si Heaven sa labas at para bang may hinihintay.
.
.
" Oh Heaven !! mukhang may hinihintay ka? " wika ko sa kanya...
.
.
" Ah oo , nakita mo ba si Margo?" Wika nito sa akin
.
.
" Ah oo kanina sa meeting, pero mas nauna silang umalis kanina " wika ko
.
.
" Ah ganun ba" wika nito sabay ngiti ng bahagya
.
.
" Ano bang kailangan mo sa kanya? " tanong ko dito at baka makatulong ako..
.
.
" Ah eh may itatanong kasi sana ako " wika nito at halata na nahihiya ito.
.
.
"Ano yon, baka alam ko?" Wika ko
.
.
"Ah kasi gusto ko sana sumali sa training, itatanong ko sana kung pwede ba ako" wika nito.
.
.
" Ah yun ba ,oo naman pwedeng pwede, sasabihin ko kay Margo na isama ka sa list ng trainee. At sa sabado na pala ang start ng training " wika ko dito
.
.
" ah ganun ba ,maraming salamat" masaya nitong wika..
.
.
" wala yun, galingan mo, fight!! " wika ko dito.
.
.
Naghiwalay narin kami pagkatapos naming mag- usap.
Kita ko sa mga mata nito ang kasiyahan.
.
.
.
Sept. 16, 2027 , 7:24PM
THURSDAY
Day 4
.
.
Masaya ang lahat habang kumakain ng sama- sama. Kasama ko sa table si Joseph, Margo, Ray, Xen at Crystal ng mga oras na iyon
.
.
M, A, R
C, J , X
( ganito ang arrangement nung kumakain kami ng Dinner )
.
.
Habang kumakain, marami kaming napagkwentuhan isa na dito ang lovelife ng bawat isa..
.
.
" Kanina ko pa 'to gustong itanong, dahil naman marami narin tayong napag-usapan. Bakit Hindi nating pag-usapan ang love life ng bawat isa?" Wika ni Xen kasabay ng ngiting nakakaloko. Habang lahat naman kami ay napatahimik..
.
.
" Sige umpisahan natin sa'yo, Margo" wika ni Xen na kinamutla ni Margo
.
.
" May love life ka na ba? Tanong ni Xen na mas lalong kinamutla ni Margo.
.
.
" Ah eh Wala pa " sagot ni Margo
.
.
" Ah wala pa, pero lalaking nagugustuhan meron na ba? " tanong ni Crystal at kami naman ay halos maibuga namin ang kinakain namin dahil sa tanong
.
.
Medyo natagalan sa pagsagot si Margo.
.
.
" Meron na " maikling sagot nito na kinamula nito at kinagulat ng lahat.
.
.
" Sino? " tanong ni Crystal
.
.
" si... Si...secret ..." Wika ni Margo
.
.
" Ay ano bayan, sa atin atin lang naman!" Wika ni Crystal.
.
.
" Eh kasi-- " -Margo
.
.
" OK ,si Joseph naman" wika ko para maputol na kay Margo ang mga tanong..
.
.
.
"Sige" sang ayon ng iba..
.
.
.
" Ok Joseph, sino ang nagugustuhan mong babae sa ngayon?" Tanong ko
.
.
" Ah eh anung klaseng tanong naman yan?!!" Wika nito
.
.
" Ah bakit, kapareho lang naman ng tanong namin kay Margo ah!" Wika ko at batid ko sa mukha nito ang pawis..
.
.
.
"Ano Joseph ?" Tanong ko with matching ngiting nakakaloko.
.
.
" Pwedeng dare nalang?" Tanong nito
.
.
" Hindi naman 'to truth or dare eh ,kaya walang dare" wika ko
.
.
"  Pero ang hirap eh" wika nito
.
.
" Sige pumapayag na ako," wika ko na kinasaya nito.
.
.
" Yes!!!" Sigaw nito
.
.
" OK ito ang gagawin mo, ituro mo gamit ang kutsara ang taong hinahangaan mo " wika ko sabay ngiti dito
.
.
" Ano? Eh parang magkatulad lang naman yun ng tanong mo ah" wika ni Joseph.
.
.
" Ganito nalang ,magkekwento ako o gagawin mo? " tanong ko dito at wala na 'tong nagawa kundi sumunod nalang sa dare.
.
.
" Sige na nga" wika nito sabay tayo at pulot ng kutsara at umalis sa kanyang upuan at sa Hindi namin inaasahan, itinuro nito si Crystal habang si Crystal ay nakatalikod, habang si Crystal naman ay walang kaalam alam. At ng palingon na si Crystal sa likod nya si Joseph naman ay agad itinuro ang kutsara sa itaas.
.
.
Habang kami naman ay gulat na gulat. At natahimik.
.
.
" Anong ibig sabihin nyan? " tanong ni Crystal sa kanya , Halata sa mata ni Joseph na sumesenyas ito na huwag sabihin.
.
.
"Ah eh si Lord, hinahangaan ko" wika nito..
.
.
" Ah ganun ba " wika ni Crystal
.
.
At nung tumalikod na uli si Crystal kay Joseph, agad namang sumenyas sa amin si Joseph na huwag sabihin.
.
.
At umupo muli si Joseph at medyo kinakabahan ito, bigla ko tong nginitian ng nakakaloko.
.
.
" Ah Crystal" wika ko at halata kay Joseph na kinakabahan ito..
.
" Ano yon?" Wika nito
.
.
" Ah eh, sino naman ang hinahangaan mo sa campus?"tanong ko na kinaluwag ng hininga ni Joseph
.
.
" Ah eh sino ba?" Wika nito habang nag iisip..
.
.
" Ah alam ko na, siguro sa ngayon ang hinahangaan ko ay si Joseph " sagot nito na kinagulat  naming lahat.
.
.
.
Halos hindi maipinta ang mukha ni Joseph ng mga oras na iyon.
.
.
" Bakit na man? " tanong ni Ray
.
.
" Ah eh ewan ko , siguro may nakita lang akong espesyal sa kanya." Wika nito at hindi nito alintana ang impact sa amin ng kanyang salaysay.
.
.
"O Baka naman, binantaan ka ni Joseph, o di naman kaya may trangkaso ka ngayon." Biro ko dito.
.
.
" Ah hehehe hindi naman" wika nito habang si Joseph naman ay wala parin sa malay tao nya. Isa pa dito ang mukha nito ay hindi maipinta.
.
.
Medyo ng mga oras na iyon ay naramdaman na namin ang pagod, kaya natigil na ang kwentuhan at naghiwahiwalay na kami. Habang si Joseph naman ay wala parin sa sarili kaya hinila ko nalang ito at sabay na kami nagtungo sa aming dorm.
.
.
.
.
* at the CEAT Dormitory for male
.
.
.
Habang nakatambay kami sa terrace. Umalis muna ako saglit para kumuha ng kape.
.
.
*Few minutes later..
.
.
"Oh kape ng mahimasmasan ka" wika ko kay Joseph na nakaupo sa harapan ng lamesa. Sabay abot ng kape.
.
.
.
" salamat " walang buhay nitong wika.
.
.
" Di ka parin nakamove on kanina. Iba ka talaga " wika ko dito habang s'ya naman ay wala paring reaksyon. Nang biglang nagsalita ito.
.
.
" Tol, nananaginip ba ako?" Wika nito. Kaya bigla akong napaisip.
.
.
" Wait....oo nga noh, baka nananaginip lang tayo"  sagot ko rito.
.
.
" Arayy...!!!" Sigaw at inda nito sa ulo, matapos ko 'tong kutusan.
.
.
" Ano sa tingin mo, nananaginip ka ba ?" Tanong ko dito.
.
.
" Aray!! Bakit mo naman ako kinutusan? " wika nito habang himas himas ang bukol sa ulo nito.
.
.
"Akala ko ba tinatanong mo kung nananaginip ka, kaya kinitusan kita ng bahagya para malaman natin. Ngayon alam na natin" wika ko rito... Akmang babawi sana ito, pero natigilan ito.
.
.
" Opss... Wag mong subukan, baka maalala ko rin ung sapak na ginawa mo sa akin nung nakaraan." Wika ko sa kanya, kaya hindi na sya nqglakas loob na gumanti..
.
.
" hehehe " ngiti nito ng nakakaloko
.
.
" Kamusta, ano feeling na ang crush mo ay crush ka rin?" Tanong ko rito.
.
.
"Well...alam mo na, " pagmamayabang nito.
.
.
" alam ang ano?" Tanong ko dito...
.
.
" na hindi pumapalya ang karisma ni Joseph " wika nito na may kasama pang action.
.
.
" Nakikita mo 'tong piso?" Tanong ko dito.
.
.
.
" oo, bakit?" Tanong nito
.
.
" Bili ka kausap, bigla kasi akong naantok dahil sa lakas ng..." Naiinis kong Wika.
.
.
" lakas ng ano?" Tanong nito..
.
.
At sinagot ko sya ng isang ihip gamit ang aking bibig na ang ibig sabihin ay hangin. At iniwan ko sya na mag -isa.
.
At sa tingin ko hindi n'ya ako naintindihan kaya napailing-iling nalang ako habang papasok sa kwarto.
.
.
.
.
.
.
Sept. 17, 2027 , 5:03 AM
Friday
Day 5
.
.
Kinabukasan maaga akong gumising para magjogging.
.
.
Sa hindi inaasahan ng mga oras na iyon ay nakasalubong ko si Margo kaya nagpasya kaming sabay nalang magjogging.
.
.
At habang nagjojogging hindi ko mapigilan na tumingin sa kanya. Kaya gumawa ako ng paraan para mabaling ako sa iba.
.
.
" Margo, si Heaven pala gustong sumali sa training. Ano sa palagay mo ang pwede n'yang maging posisyon? " wika ko kay Margo.
.
.
" Ah oo nakapag- usap na kami kagabi, sabi n'ya nga gusto n'yang sumali sa training. According sa mga records na meron s'ya, isa s'yang red cross volunteer at higit doon isa s'yang sharp shooter. " wika Margo.
.
.
" Sharp shooter?" Tanong ko
.
.
" Oo, hindi man halata. According sa kanya, sumasama s'ya sa Tatay n'ya kapag nangangaso 'to at isa pa bata palang nahilig na s'ya sa mga baril. So sa tingin ko pwede s'yang maging medic sa front line squads. " tugon ni Margo na kinagulat ko ng bahagya. Paanong ang mahinhing babae na kilala ko ay mahihilig sa baril? Marami pa nga talaga akong hindi alam.
.
.
1 Hour  Later...
.
.
Nagdesisyon kami ni Margo na sabay narin magtungo sa canteen, kung saan ipinamamahagi ang libreng almusal galing sa nakalap naming mga pagkain. Habang kumakain, napag-usapan namin ang mangyayaring opening program mamaya para sa gaganaping training. Inaasahan namin ang pagdalo ng lahat. At sa hindi inaasahan napag-usapan narin namin ang tungkol sa planong pasukin ang military base ng Palawan.
.
.
" Kaya dapat matrain natin sila ng maayos. " wika ni Margo.
.
.
" Tama ka." wika ko
.
.
.
Lancelot's POV
.
.
.
" Ohh! Bagay sayo " wika ko kay Tristan habang inaabot ang isang itim na jacket.
.
.
" Salamat, mukhang bagay nga sa akin " wika nito habang isinusukat ang jacket.
.
.
Samantala ang iba naming kasama ay naglibot -libot muna sa mall.
.
.
" Tol! " tawag sa akin ni Tristan sabay hagis ng isang shade(salamin). Agad naman akong ngumiti tanda ng pasasalamat.
.
.
"Oh! Nanjan lang pala kayo " wika ni Arthur ang aming pinuno.
.
.
" Tara na at malayo pa ang ating lalakbayin " wika muli nito, sabay sipa sa pader dahilan para mawasak ito. Doon na kami lumabas at mabilis naming pinatumba ang anumang halimaw na humarang  sa dinadaanan namin.
.
.
To be Continue
.
.
.
Yow....nawa nagustuhan...
Samahan sila AJ, Joseph at Margo....sa kanilang giyera laban sa mga zombie. Be part of the story....
.
.
Apply now and be one of the primary or secondary character ng story...  Be one of the front liner...
.
.
© RomeZhero/AkoSiAjiee
2016

ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon