Zombie University
CHAPTER 2 : THE PLAN
First Quarter
(Sound of fast heart beating)
Hingal na hingal ang dalawang sundalo habang naglalakad sa isang madilim na silid sa isang abandunadong gusali.
Bakas sa mga mukha nila ang takot habang hawak hawak ang kanilang baril at flashlight.
"Kapitan!
Anong plano nyo?
Dalawa nalang tayo, patay na silang lahat."
takot na takot na tanong ng isang sundalo sa kanyang kapitan.
"Ewan ko?"
Walang pag-asang sagot ng kapitan.
Shhh...
(tunog ng hangin)
Katahimikan kasabay ang tunog ng mga patak ng Tubig na mas lalong nagpakaba sa dalawa.
Soldier 1:
(sumenyas na i-cover habang dahan dahan nitong binuksan ang pinto ng isang silid)
Soldier 2:
(copy that)
Dahan-dahan nilang inilawan ang paligid gamit ang kanilang flashlight.
At sa hindi inaasahan nailawan ng isang sundalo ang isang bahagi ng silid kung saan nagkukumpulan ang napakaraming zombie.
Agad nitong pinatay ang kanyang flashlight at kinalabit ang kasama at itinuro ang direksyon kung saan ang mga zombie.
At nang ilawan ulit ito ng kanyang kasama.
Pareho silang nagulat, dahil ang isa sa mga zombie ay nakatayo na malapit sa kanila habang nakatitig sa kanila.
"Takbo!"
Sigaw ng kapitan sa kanyang kasama.
Kasabay nito ang pagiging abresibo din ng mga zombie.
Agad silang tumakbo palabas sa silid.
Tumakbo sila nang tumakbo habang hinahabol ng mga zombie hanggang sa napadpad sila sa isang sulok kung saan wala na silang matatakbuhan.
Kaya wala silang nagawa kundi paputukan nalang ang mga ito.
"Waahhhh"
sigaw ng dalawa habang pinapaputukan nila ang mga zombie na takam na takam na makain sila.
"Dapa!"
Sigaw ng kapitan sa kasama pagkatapos nito ihagis ang isang granada.
BINABASA MO ANG
ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)
Science FictionYear 2027 isang virus ang lumitaw sa mundo. Ginagawa nitong halimaw (Zombie) ang isang taong ma-infect nito. Halos 99% na ng population ng mundo ang nainfect ng virus nito, ang ilan naman ay nananatiling uninfected. Isang Community ng mga estudyan...
