.
.
7:4
.
.
.
AJ's POV
.
.
10:02 AM
Day 6
.
.
" Ok! Umpisahan na natin ang Second Session." Wika ko.
.
.
" Dito makikita ang inyong team work. " Wika ko.
.
.
.
" Magkakaroon ng 26 na team, bawat isa ay may 29 na miyembro. Nakadepende sa nabunot nyong letra kung saang team kayo nakapabilang." Wika ko.
.
.
" Ang unang task nyo ay hanapin ang mga kateam nyo gamit ang mga letrang nakuha nyo kanina. Maari na kayong mag~umpisa!" Sigaw ko
.
.
At agad naman silang kumilos upang hanapin ang mga kagrupo o kateam nila. Iba't ibang paraan ang nasaksihan ko.
.
.
A Few minutes Later
.
.
" Ang Team "K" ang nauna kaya sila ang makakakuha ng 5 points, "
.
"4 points naman para sa team "O" sa pagiging pangalawa. At 3 points sa Team "C" dahil pangatlo sila"
.
" Team "W" makakakuha kayo ng 2points sa pagiging pang~apat. Team " A" 1 Point naman sa inyo sa pagiging panlima. Ang natitirang team ay makakakuha ng 0 point" paliwanag ko.
.
.
" Next Task ay "Human Tower". gamit ang team nyo, lumikha kayo ng mataas at matatag na tower. Ang pinaka mataas at pinaka matatag na tower ay ang
mananalo." Paliwanag ko.
.
.
" Umpisahan na! " sigaw ko
.
.
At mabilis silang kumilos. Binigyan ko lang sila ng 20 minutes para buohin ang kanilang tower.
.
.
20 Minutes na ang nakalipas. Ang bawat team ay may kanyakanya ng "Human Tower".
.
.
" Team " U ", 5 points dahil nakagawa kayo ng pinaka mataas na Tower." Wika ko.
.
.
" 4 points Team "Z" sa pagiging pangalawa sa pinaka mataas."
.
.
"Team "E" , 3 points, Team "D" 2 points at Team "W" 1 Point" wika ko
.
.
" Ok , patagalan naman. Kung sinong tower ang mananatili hanggang huli ang siyang mananalo." Paliwanag ko
.
.
Llimang minuto palang ay marami ng bumigay, kabilang dito ang tatlo sa pinakamataas na tower.
.
.
Isang oras na ang lumipas pero matatag parin ang labing tatlong tore.
.
.
Hanggang sa bumigay narin ang tatlo rito pagkalipas ng isa't kalahating oras.
.
.
At unti~unting bumigay narin ang lahat pagkalipas ng ikatlong oras.
.
.
"Team "B" 10 points dahil kayo ang pinakamatatag."wika ko..
.
" At ang ikalawa hanggang sa ikasampu na pinaka matatag na Team ay makakakuha rin ng puntos ayon sa kanilang position."
.
.
Team
R~ 9points
J~ 8points
X~ 7points
M~6points
P~5points
C~4points
Q~3points
A~ 2points
G~ 1point
.
.
" Ang pinaka mahala sa isang gusali ay ang katatagan o tibay nito. Dahil aanhin mo ang taas nito kung hindi naman ito tatagal. Ganun din sa labanan, aanhin mo ang galing kung hindi ka rin magtatagal" Paliwanag ko.
.
.
" Kaya nga sa training natin kanina, sinubukan natin kung hanggang saan ang tibay natin sa pagtakbo at sa pagtayo sa initan. Stamina, Speed, at Endurance ang huhubugin natin sa pagjojogging at pagtayo sa initan. Hanggang doon na lamang muna." Wika ko
.
.
"Tapos na ang Second Session! Maari na kayong kumain " wika ni Margo na agad namang ikinatuwa ng lahat.
.
.
Habang naglalakad patungong Canteen ay nilapitan ako ni Jordan at binulungan.
.
.
" Ano? Nasaan s'ya ngayon " tanong ko
.
.
"Nasa Gate 1, Halata sa mukha nya ang gutom" sagot ni Jordan.
.
.
" Ok , magtungo ka sa Canteen at kuhaan mo s'ya ng makakain. Tawagin mo narin si para matignan s'ya." Wika ko kay Jordan.
.
.
" Sige " tugon nito.
.
.
Agad naman akong naglakad patungong Gate 1 para makita ang sinasabi nilang lalaki. Ayon kay Jordan, marahil taga looban ito kung saan matatagpuan ang malaking komunidad. Marahil isa sya sa mga nakasurvive sa unang araw.
.
.
" Nandyan na pala kayo Commander " wika ni Alfonso, isa sa mga gate keeper ng Gate 1
.
.
" Nasaan s'ya? " tanong ko
.
.
" Nasa loob po s'ya, mukhang pagod na pagod 'to. " Wika ni Alfonso
.
.
" Maraming salamat " maikli kong tugon. Agad akong pumasok sa Guard Office para makita ang lalaki. At nung makita ko na ito agad akong naawa. Isang matandang lalaki ang aking nasilayan, bakas sa mukha nito ang gutom at hirap na dinaanan nito.
.
.
" Kamusta Lo?! , Ok lang po ba kayo?, wala po ba kayong nararamdaman na sakit?" Tanong ko dito. Ngumiti ito ng bahagya at nagwika.
.
.
" Ay huwag nyo na akong alalahanin, tulungan nyo nalang ang mga apo" wika nito kahit nahihirapan.
.
.
" Lo' nasaan po ang mga apo n'yo, buhay pa po ba sila?" Tanong ko uli.
.
.
Hindi na ito nagsalita bagkus inabot nito ang hawak nitong papel, kasunod ng pagkawala ng malay nito.
.
.
" Lo' lo, ayos lang po ba kayo"
.
.
Minabuti naming dalin nalang si lolo sa clinic para matignan. Pagkatapos nito agad akong nagpatawag ng pagpupulong para sa gagawing operasyon.
.
.
" Pinatawag ko kayo dahil may importante akong sasabihin. May biglaan tayong operation. May ililigtas tayo sa lalong madaling panahon. " Wika ko sabay bigla kong ibinaba sa lamesa ang isang papel.
.
.
" Kailangan ko ng impormasyon at outline para sa address na nakasulat dyan. All Squad maghanda na kayo, dahil lalarga agad tayo." Utos ko sa lahat.
.
.
" Jordan i~announce mo sa lahat ng trainee na kailangan nilang magpakondisyon para sa Activity Bukas. " utos ko kay Jordan.
.
.
* A few minutes Later..
.
.
" Commander, ito na po ang impormasyon tungkol sa address, at outline map kung paano makakapunta doon" wika ni Rostum.
.
.
" Ok , All Squad lalarga na tayo, ang mission ay iligtas ang mga apo ni Lolo. Maliban doon, kung sakaling may matagpuan kayong survivor agad n'yo itong isecure. I~clear ang bawat dadaanan at maingat na Icheck ang bawat bahay na ating dadaan. Higit sa lahat Rule no. 1.... Wag kayong magpapakagat. Maliwanag ba?"
.
.
"OO!!!" Sigaw ng lahat..
.
.
.
Agad kaming sumakay sa mga sasakyan namin.
.
.
Minabuti kong hatiin sa tatlong grupo ang limang squad.
.
.
Ang 1st squad ang unang grupo. Ang 2nd at 5th squad naman ang pangalawa. Pangatlo naman ang 3rd at 4th squad.
.
.
May tatlong daan papasok sa looban kung saan matatagpuan ang bahay ni Lolo.
.
.
" Move! Move! Move! Move ! "
.
.
" Sa kaliwa! " sigaw ni Margo na agad naming nilingon. At nung nakita namin na napakaraming zombie ang palapit sa amin agad namin itong pinaulanan ng bala gamit ang mga baril na dala namin.
.
.
Isa~ isa naming pinasok ang mga bahay na madaanan namin.
.
.
Ilang survivors ang aming natagpuan sa mga bahay nila. Ang iba naman ay mga bangkay na.
.
.
.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nagkitakita na kami ng ibang grupo sa bandang gitna ng looban.
.
.
" Kamusta? " tanong ko sa mga pinuno ng grupo.
.
.
" Ok lang kami commander, may mga survivors kaming natagpuan at ayon sa kanila ang iba raw nilang mga kasama ay umalis na. " Wika ni Zusana
.
.
" Umalis? Saan papunta?" Tanong ko.
.
.
" Hindi pa namin natanong, pero ang pagkakarinig ko ay may nabanggit silang Norte." Sagot ni Zusana
.
.
" Norte? " wika ko.
.
.
" Commander malapit na dito ang bahay ni lolo ayon sa outline na ginawa ni Rostum" wika ni Roger
.
.
" Ok tara na, maghintay nalang ang iba dito at siguraduhin nyo na clear ang paligid bago kami makabalik" wika ko.
.
.
" ok copy that" wika ni Nash.
.
.
.
At nagpatuloy na nga kami sa paglalakad, bawat bahay ay tsine~check namin kung may tao.
.
.
" Aj mukang ito na ung bahay" wika ni Margo.
.
.
" ok, i~clear ang paligid, kami lang ni Margo ang papasok." Wika ko at pagkapasok namin tatlong bata ang aming nakita na nakakulong sa kwarto.
.
.
" Huwag na kayong umiyak, ligtas na kayo " wika ni Margo.
.
.
.
Matagumpay naming naligtas ang mga apo ni lolo kasama ang 14 pang mga sibilyan na natrap sa kanilang mga bahay.
.
.
" Buksan ang Gate! " sigaw ng isang gate keeper.
.
.
At dahan dahang bumukas ang gate kasunod ang pagpasok ng mga sasakyan.
.
.
" Mission Accomplished "
.
.
To be Continue
.
.
CHAPTER 8
WHO'S THE BEST TEAM.
.
Be part of a team.
.
.
Register and pick your team.
.
.
Team A to Z
.
.

BINABASA MO ANG
ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)
Khoa học viễn tưởngYear 2027 isang virus ang lumitaw sa mundo. Ginagawa nitong halimaw (Zombie) ang isang taong ma-infect nito. Halos 99% na ng population ng mundo ang nainfect ng virus nito, ang ilan naman ay nananatiling uninfected. Isang Community ng mga estudyan...