Reply Box Policy po, don't expect na malike po ung comment nyo kung hindi po kayo sumunod.
.
.
Respect.
.
.
Title : Zombie University
Chapter 7 Quarter 2
Author: Rome Zhero
Genre: Action, Science Fic., Romance, Comedy, Drama, etc.
.
.
.
"Fire"
.
.
At inihulog ng mga stealth fighter(eroplano) ang kanilang mga bombang dala. Malakas na pagsabog ang idinulot nito sa isang malaking syudad, dahilan para madurog at mawasak ang mga gusaling nakatayo dito, at maging abo ang mga zombie o taong naroon.
.
MARGO'S POV
.
Sept. 17, 2027,
Day 5
.
.
Matunog na sa buong campus
ang magaganap bukas. Lahat ay naghahanda na. Ang iba naman ay nagpaplano na kung anong armas ang nais nilang matutunang gamitin.
Ang iba ay nasa Gym para magpakondisyon, ang iba ay maagang gumising para magjogging.
.
.
Maaga rin akong gumising kanina para makapagjogging, sakto naman na nakasabay ko si AJ. Sabay rin kaming nag~almusal at naghiwalay rin pagkatapos.
.
.
.
1:07 PM
.
.
Opening program sa gaganaping training bukas.
Halos lahat ng estudyante ay nasa field na para makinig at makilahok sa opening program. Maaga palang ay nagregister na ang lahat. At halos lahat ng estudyante ay lumahok, maliban sa mga injured at hanggang ngayon ay nasaclinic pa.
.
.
" Hello, mukhang nandito na ang lahat, Hindi ko na patatagalin pa. Akin ng binubuksan ang University training Program!!!" Sigaw ng Emcee na si Crystal. Kasabay ang sigawan ng lahat....
.
.
" Tinatawagan ko na si Joseph para ipaliwanag ang mechanic ng training " wika ni Crystal.
.
" Hello I'm Joseph. Ang magiging mechanics ng training ay ito. Hahatiin sa tatlong Stages o level ang training." ~ Joseph
.
.
"First ay ang Beginners Stage, kung saan iwowork out natin ang ating stamina, ability, speed, strength at intelligence. Matatapos ang training sa loob ng isang buwan." Wika ni Joseph.
.
.
"Isang buwan, masyadong matagal" angal ng isang estudyante.
.
"oo nga !" Angal ng iba
.
.
" Ang totoo mabilis nayon kumpara sa mga sundalong taon kung magtraining. " wika ni Joseph na ikinatahimik ng lahat.
.
.
" Pag~aaralan din sa stage na iyon ang survival. At syempre ang pagpapalakas ng katawan ng bawat isa.
.
.
"Second ay ang Combat Stages, kung saan tuturuan ang bawat isa ng iba't ibang klase ng martial arts at self defense. At iba pa na kakailanganin. Aabutin din ng isang buwan ang training sa stage na ito"
.
.
" Third ay ang Specialist stage.
Kung saan pag~aaralan natin ang paggamit ng ibat ibang armas. At syempre dito nyo narin aalamin kung anong armas ang nababagay sa inyo.Aabutin din ng isang buwan ang training dito." Paliwanag ni Joseph.
.
.
.
" Kung may katanungan kayo, maari kayong magtanong " wika ni Joseph
.
.
" Lahat po ba , obligadong sumailalim sa training" tanong ng isang babae.
.
.
" Hindi naman, pero sinasuggest namin sa lahat na sumailalim para narin sa ikalalago nila." Sagot ni Joseph
.
.
" Paano ung mga kabilang na sa Squad?, sasailalim pa rin ba sila sa training?" Wika ng isang lalaki.
.
.
" Dipende sa kanila, sila ay mga volunteer kaya napasama agad sila sa squad, subalit nakasalalay parin sa board at sa mga pinuno kung makakasama sila sa operation. Kaya mas mainam na magtraining din sila para narin sa kaligtasan nila at isa pa maging ako o si commander ay kailangan ding magtraining. Kaya sana lumahok ang lahat." Wika ni Joseph.
.
.
" Kung may tanong pa kayo ,maari kayong magtanong sa mga pinunong nakaassign sa department nyo."wika ni crystal
.
.
" At sa kanila nyo rin makukuha ang program ng training para bukas" wika ni Crystal
.
.
" Ok 'yun na lang muna sa ngayon. Maari na kayong maghanda para bukas, nawa maging matagumpay ang training program na ito. Salamat hanggang sa muli." Wika ni Jordan.
.
.
At agad kaming naghiwa~hiwalay. Excited ang lahat kahit ang iba ay kinakabahan.
.
.
Pagkatapos ng program ay nagtungo ako sa room ko at hinanap ang isa ko pang bow, para ibigay kay Heaven. Akala ko nawala na kasi hindi ko agad ito nakita. Agad akong lumabas ng makita ko ito at hinanap si Heaven.
.
.
Natagpuan ko s'ya sa gym na nagwowork out. Agad nya akong nakita kaya tumigil ito at lumapit sa akin.
.
.
" Magandang hapon Margo!" Wika nito. Napangiti ako at nagwika.
.
.
" Pwede ka bang makausap ngayon?"
.
.
" Ah oo naman" nakangiti nitong sagot. Agad kaming naglakad palabas.
.
.
" Handa ka na ba para bukas?" Tanong ko dito
.
.
" Ah eh medyo kinakabahan ako" mahina nitong sagot
.
.
" Ah ganun talaga, kahit ako hanggang ngayon kinakabahan ako, simula ng mangyari ang mga kaguluhang ito" wika ko dito.
.
.
Naglakad kami patungo sa Archery training ground para mag~ensayo at para maibigay ko narin sa kanya ang isa ko pang bow.
.
.
" Ah ito pala para sayo " wika ko habang inaabot ang bow. At halata na nahihiya ito.
.
.
"Para sa'yo talaga 'to, at regalo ko narin sa'yo" wika ko.
.
.
" Ah eh baka wala ka nang gamitin" nahihiya nitong wika habang dahan~dahang inaabot ang bow na hawak ko.
.
.
" Ah hehehe ok lang , actually dalawa yan ,kaya naisipan kong ibigay sayo ang isa" wika ko at tuluyan na nga nitong kinuha ang bow na binibigay ko.
.
.
At kita ko sa mata nito ang saya at galak.
.
" Maraming salamat talaga sa'yo, pangako iingatan ko ito" wika nito
.
.
" You're always welcome" tugon ko kasabay ang isang ngiti.
.
.
At ng mga oras din na iyon ay nagpractice kami ng archery.
Doon ko nakita na magaling pala si Heaven sa archery para sa isang amatuer. Inabot kami hanggang ala~singko ng hapon.
.
.
Sept. 17, 2027
5:09 PM Day 5
.
.
" Maraming salamat muli!" Wika ni Heaven habang nakangiti ito.
.
.
" Ah wala yon!" Tugon ko.
.
.
Sabay na kami naglakad patungong Canteen. Habang naglalakad ay nagkwentuhan kami ni Heaven.
.
.
Pagkadating namin ni Heaven sa Canteen, napansin agad namin ang grupo ni AJ na nagkakape sa isang table.
.
.
" Margo! " Tawag sa akin ni Joseph habang kinakawayan ako.
.
.
" Dito na kayo umupo! " dagdag pa ni Jordan habang si AJ naman ay nakaearphone at nagbabasa ng isang libro.
.
.
" Sige ^___^ " sigaw ko kasama ng ngiting pasasalamat.
.
Agad kaming lumapit sa table kasunod ang pag~upo sa mga upuang bakante. Habang si Joseph naman ay tinawag ang isang lalaki na medyo pamilyar ang mukha.
.
.
" Yow... Tol! Pahingi pa ng dalawang kape at brownees. Salamat" wika ni Joseph sa lalaki na agad ngumiti at nagtungo sa counter.
.
.
" kung hindi ako nagkakamali, isa sya sa gangster na nanggulo nung isang gabi?" Wika ko
.
.
" Tama ka, isa nga sya. " Wika ni Joseph na agad ko namang kinagalak.
.
.
" Ah si Heaven pala, isang psychology student " pakilala ko kay Heaven.
.
.
" Hi , i'm Jordan isang engineering student" pagpapakilala ni Jordan
.
.
" I'm Joseph , engineering student din ^__^ " Pagpapakilala ni joseph.
.
.
" Ah kilala na kita Joseph, ikaw yung laging kasama ni AJ at ikaw naman Jordan ay isa sa mga board " wika ni Heaven
.
.
" ^__^ " Ngiti ng dalawa.
.
.
" Pagpasensyahan mo na si AJ, ganyan talaga yan pag nakalonely mode. Hindi mo makausap. " Wika ni Joseph.
.
.
" Sinong nakalonely mode? " seryosong tanung ni AJ .
.
.
" Ah eh wala, di ba?" Kinakabahang Sagot ni Joseph
.
.
" Oo wala! " kinakabahang wika ni Jordan
.
.
" Hindi ! May narinig ako eh!!" pagpupumilit ni AJ kasabay ang pagtayo habang akmang huhugutin ang espada.
.
" wala nga eh!!" Takot na takot na wika ni Joseph na napaatras na.
.
.
" Ay 'yan na naman sila! " bulong ko ng bigla kaming natahimik ng marinig namin ang malakas na tawa ni Heaven. Kita ko dito na hindi nya mapigilang tumawa.
.
.
.
"Hahahhaha Patawad, Eh kasi nakakatawa " wika ni Heaven kahit kita namin na hirap 'tong magsalita dahil sa kakatawa. Kasunod nito ang pagtawa narin ng lahat hindi lang ng grupo namin kundi pati ng iba pang tao sa Canteen na kanina pa pala nakatingin sa amin.
.
.
.
^_______^ Hahahahahahahah....
.
.
Nung oras na 'yon , Mas lalo akong nagkaroon ng pag~asa na mabuhay. Dahil naniniwala ako na meron pang dahilan para mabuhay.
.
.
.
Baldo POV
.
.
Gabi na kami ng makarating sa Baguio. Kita ang saya sa bawat isa ng makita namin ang liwanag sa kalayuan, siguro yun na ang sinasabi nilang safezone na pinagawa ng pamahalaan. Habang papalapit ibang saya ang aming nadadama ng biglang isang grupo ng mga stealth fighter(eroplano) ang dumating at kitang kita ng mga mata namin kung paano ang syudad na dapat pupuntahan namin para makapag~umpisa ay pinulbos kasama ng mga pag~asa namin.
.
.
.
"Boooooom" isang malakas na pagsabog ang aming narinig kasunod ang paglamon ng apoy sa syudad, ganun din ang sunod sunod na putok ng baril na hindi mo alam kung saan nanggaling.
.
.
" Patayin nyo ang mga headlight ng mga sasakyan nyo. " command ko sa radio na agad naman nilang siununod. At pinapatay ko rin ang makina ng mga sasakyan upang hindi kami matunton.
.
.
"Anong nangyari ?" Tanong ni Faith.
.
.
" Ewan ko? "Maikli kong tugon habang nagtataka at nagtatanong kung bakit? Bakit nangyayari ang mga bagay na ito?.
.
.
" Sino ba talaga ang kalaban?"
.
,
.
.
To be Continue...
.
.
ZU CH. 7 Quarter 3
Will be tommorow...
.
.
.
BINABASA MO ANG
ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)
Science FictionYear 2027 isang virus ang lumitaw sa mundo. Ginagawa nitong halimaw (Zombie) ang isang taong ma-infect nito. Halos 99% na ng population ng mundo ang nainfect ng virus nito, ang ilan naman ay nananatiling uninfected. Isang Community ng mga estudyan...
