Zombie University..
Chapter 5 part 3
.
.
.
.
Day 2
.
.
Ikalawang araw ng Bagong Panahon at Mundo.
.
.
Panahon kung saan ang tao'y nag uumpisa muling bumangon , nag uumpisang makibagay sa bagong mundong nabuo ,mundo kung saan ang tao'y kailangang pumatay para mabuhay, mundo kung saan nagaganap ang isang digmaan, isang digmaan ng tao laban sa mga halimaw na kung tawagin ay Zombie..... .
.
.
.
Halimaw na tao rin ang may gumawa.....
.
.
.
Joseph's POV
.
.
.
Maaga kaming gumising ni AJ, para planuhin ang misyon na I clear ang paligid ng pader at harapan ng Gate.....
.
.
Ayon sa napagkasunduan, uunahin namin ang labas ng gate 4 upang maclear namin ang area ng paglilibingan ng mga bangkay, nakakalungkot lang isipin na sa dami nila ,napagdesisyunan ng lahat na imamass grave nalang sila...
.
Subalit bago yon, minabuti naming alamin ang mga pangalan ng mga taong yon sa abot ng aming makakaya...
.
.
.
7:09 AM , Sept. 15 - TUE.
.
.
Nagawa naming barikadahan ang kalsada ng area na iyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga maglilibing at maghuhukay sa area na iyon..
.
.
.
.
Pagtapos namin barikadahan ang parteng yon, minabuti naming I clear ang iba pang area sa labas.....
Habang ang iba naman ay nakabantay sa lugar ng paglilibingan at ang iba naman ay nasa loob ng campus ,upang ayusin at linisin ang campus...
.
.
.
.
Samantala ang mga gangster ay nagkalat kalat upang humanap ng mga kagamitan sa pagluluto, mukhang nais talaga nila makabawe Kay John Paul at mukhang nais talaga nilang makuha ang kapatawaran..
.
.
.
"Joseph, naalala ko lang yung kalokohan na ginawa mo kagabi, may pa angas angas ka pang nalalaman ah" wika ni AJ habang inaatake nito ang mga zombie...
.
.
"Ah yon ba , hahahaha " sagot ko
.
.
.
"Loko ka talaga, pero salamat na pinigilan mo ako, kung hindi baka nasa clinic na ang mga kolokoy na iyon" sagot ni AJ
.
.
"Oo nga" sagot ko..
.
.
Third Person's POV
.
.
Tumakbo lang ako ng tumakbo , Hindi ko parin talaga alam kung bakit buhay pa ako matapos kong barilin ang sarili ko....
.
.
.
Habang tumatakbo ,bigla akong tumigil ng mapansin ko ang isang sitwasyon....
.
.
May malaking grupo ng zombie ang nakahanay na para bang mga sundalo...
.
At sa harapan nila ang isang zombie na napakataas at napakalaki ng katawan ,na para bang ang pinuno nila....
.
.
Sumisigaw ito at habang sumisigaw ito, para bang ang mga zombie ay naiintindihan ito...
.
.
Ng biglang mukhang napansin ako ng pinuno nila, kaya napalingon ito sa direksyon ko..
.
.
Bigla itong sumigaw na para bang nagkocommand na sugurin ako...
.
.
"Wooooohhh" sigaw nito at nag umpisang lumingon sa akin ang mga zombie at Sabay sabay na sumugod sa akin...
.
.
.
Agad naman akong tumakbo..
.
.
At habang tumatakbo ako at lumilingon lingon sa likuran , Hindi ko napansin ang sumunod na nangyari...
.
.
AJ's POV
.
.
"Waahhh" sigaw ko habang inaatake ko ang mga zombie...
.
.
"Shhhh" tunog ng mga palaso na pinapakawalan ni Margo...
.
.
Hindi ko napigilan ang mapalingon sa kanya, lalong lalo na kapag naaalala ko ang ginawa kong pagyakap sa kanya ka gabi. Ang masaklap pa doon, nakatulog ako sa may balikat nya , Pag iniimagine ko yun, haysss..baka nung time nayon halos inaalalayan nya nalang siguro ako para di ako matumba, at ang inaalala ko baka malakas akong humilik that time...hay!! Buhay!!!nga naman...Ano kaya gagawin ko?
.
.
.
Napalingon ulit ako sa kanya at mukhang that time lumingon din sya sa akin at ngumiti...Asar !! Nakakahiya!! Awkward moment..
.
.
Medyo maggagabi na ng tawagin kami ni Percy para magpahinga na at para narin kumain ng Hapunan ng maaga.
.
.
Dahil mamayang mga 8 ,ay gaganapin ang isang meeting at ang sinasabi nilang election....
.
.
.
Habang naglalakad pabalik, nakita ko si Margo na nag iisa ,kaya kinuha ko na ang pagkakataon na yon, upang makausap sya...
.
.
.
"Margo!! Amm.. Pwede ba kitang makausap" tawag ko sa kanya..
.
.
"Ah sige" tugon nito at habang naglalakad, sinabi ko na sa kanya ang pakay ko
.
.
"Ah eh kasi , ung kagabi pala, amm pasensya ,kung nagawa kong yakapin ka, amm walang ibig sabihin yon.." Wika ko sa kanya..
.
.
"Naiintindihan ko, hehe ako pa nga ang dapat magsorry nung last time " wika into
.
.
"What do you mean? Last time?" Tanong ko
.
.
"Ah yung nayakap din kita , and then ung binuhat mo pa ako ,kahit na mabigat ako" wika nito
.
.
.
"Ah yun, wala yun , alam ko namang natakot ka lang nung time na yon, kaya mo ako nayakap,hehehe bale patas na pala tayo.... " wika ko
.
.
"Ah Hindi pa pala tayo patas" wika ko ,kaya napaisip to
.
.
"Bakit ,ano yun" tanong into
.
.
"Ah hindi mo pa pala ako nabuhat" Biro ko..
.
.
"Haha oo nga " wika nito sabay upo sa harapan ko...
.
.
"Ah hinde, joke ko lang un...hayaan mo na yun, atsaka handa naman akong buhatin ka kahit kailan ,kung kinakailangan mo" wika ko dito, kaya tumayo ito at biglang....
.
.
.
Niyakap nya ako...
.
.
" Salamat, salamat dahil nariyan...." Wika nito
.
.
"Wala yon, basta ikaw" tugon ko dito at nagpatuloy kami sa paglakad...
.
.
.
At hindi ko alam kung bakit, Pero nagmadali itong maglakad..
.
.
.
.
Margo's POV
.
.
Pagkatapos ko syang yakapin sa pangalawang pagkakataon, bigla akong naliwanagan, bakit ko pala yun ginawa, kaya nag umpisa akong mahiya at naglakad ng mabilis para maitago ko ang hiya ko sa kanya, di ko na kaya pang humarap sa kanya muna ngayon..
.
.
"Ah sige maiwan muna kita ,naiihi na kasi ako" palusot ko habang binibilisan ko ang lakad ko..
.
.
.
"Ah OK" wika ni AJ
.
.
.
"(Ano ba namang pumasok sa isip mo Margo, bakit niyakap mo ulit sya)" bulong ko sa aking sarili habang iniisip ko ang ginawa ko kanina...
.
.
Third Person's POV
.
.
6:30 PM
.
.
Nag-umpisa silang kumain ng hapunan... Habang kumakain sila , napansin ng karamihan na ang ilan sa nasiserve ng pagkain ay ang mga gangster na nanggulo kagabi...
.
.
.
*Flashback
.
.
"Patawarin mo kami!!!" Sigaw ng mga gangster Kay John Paul na kalalabas lang ng clinic...
.
.
" Kung gusto mo, maari mo kaming hampasin din nito" wika ni Dexter habang inaabot ang isang baseball bat...
.
.
Napangiti nalang si John Paul at nagwika...
.
.
"Pinapatawad ko na kayo, kaya lang maari ba kayong maging waiter mamaya ,kulang kasi kami ng tao" wika ni John Paul
.
.
.
"Maraming salamat, napaka bait nyo po, kailan kami mag uumpisa maging waiter" wika ni Dexter
.
.
.
"Ah mamaya pa" wika ni John Paul..
.
.
"Kung ganun po ,tutulong nalang muna kami sa pagluluto" wika ni Dexter...
.
.
.
Napangiti nalang si John Paul..
.
.
"Sige, kung yun ang nais nyo" -John Paul..
.
.
End of flashback..
.
.
"Mukhang sa tingin ko kailangan ko ng magpatawad" wika ni AJ habang kumakain
.
.
.
"Siguro nga" wika ni Jordan..
.
.
.
A Few minutes
.
.
Natapos narin silang kumain at ilang minuto silang nagpahinga bago nagtungo sa CEAT Hall..
.
.
.
"Okay, mukhang narito na siguro lahat ,so sa hindi po nakakakilala sa akin , ako nga pala si Crystal ang Secretary ng University Student Council. So ngayong gabi ay gusto ko po kayong batiin lahat, dahil naging matagumpay ang ginawa nating paglilinis at pag aayos ng buong campus at syempre gusto ko rin ,namin pasalamatan ang clearing squad na malaki ang naitulong sa araw na ito....So ayon sa ating tala ay mahigit sa isang libong bangkay ang ating nailibing kanina......at kulang kulang apat na daan doon ay mga estudyante.....Sa tingin ko ,ito na ang time para simulan natin ang election.... Gagawin natin ito ,upang maging official na ang mga mamumuno sa buong Campus.....So ayon sa napag usapan , ang mga posisyon na maaring takbuhan ng sino mang estudyante ay ang mga sumusunod:" wika ni Crystal..
.
" Chairman (Head of Board) and the 12 board member (Body)... Other position will be announce after the election of major position"
.
.
"So , mag uumpisa na tayo..Maari bang tumayo ang nais tumakbo bilang Chairman ng buong Campus" wika ni Crystal...
.
.
.
Nanahimik ang lahat naghihintay sa mga susunod na kaganapan...
.
.
Ng biglang tumayo ang isang lalaki..
.
.
.
" My name is Jaw C. Aquino , I'm 4th year student taking BS Accountancy... Na tumatakbo bilang Chairman ng Campus na ito...Hayaan nyong Ipakita ko ang magagawa ko.." Wika nito....Sabay sigawan ng mga supporters nito....
.
.
Ilang segundo lang ay tumayo narin ang isa pang tatakbo...
.
.
"Hi sa lahat, I'm Spencer Dela Cruz, 4th yr. Student ,taking BS Criminology.... I'm a blackbelter in Karate and a martial artist...maaari ko kayong turuan kung nais nyo..." Wika ni Spencer at nagsigawan din ang mga supporters nito ng biglang may nagsalita habang tumatayo...
.
.
" Maaari ka paring magturo kahit hindi ikaw ang nanalo, tama ba ako? At ikaw maari mo paring gawin ang magagawa mo kahit hindi ikaw ang manalo.." Wika ni Percy habang dahan dahang tumatayo...
.
.
" Siguro alam nyo na ang ibig sabihin ko, na kahit ako ang piliin ng karamihan, kinakailangan ko parin ang mga abilidad at kakayahan nyo..........Sa hindi pa nakakakilala sa akin, ako nga pala si Percy Del Rosario ang inyong USC President na muli humihingi ng suporta nyo...Hayaan nyo akong ibangon ang campus na ito.." Wika ni Percy na kinagulat ng lahat habang ang mga sumusuporta dito ay nagsigawan.......
.
.
.
Napansin ni Crystal na mukhang wala ng tatakbo sa pagiging chairman kaya nag umpisa itong magsalita...
.
.
"Mukhang wala na sigurong susunod na tatayo ,kaya ngayon umpisahan na narin ang botohan" wika ni Crystal ng biglang tumayo ang isang Babae.....
.
.
"Saglit " sigaw nito( Margo Jane Villareal) habang tumatayo na kinagulat ng lahat
.
.
.
To be Continue ...
.
.
.Next ZU chapter 5 part 4
.
.
Bye And God bless...
.
.
.
BINABASA MO ANG
ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)
Science-FictionYear 2027 isang virus ang lumitaw sa mundo. Ginagawa nitong halimaw (Zombie) ang isang taong ma-infect nito. Halos 99% na ng population ng mundo ang nainfect ng virus nito, ang ilan naman ay nananatiling uninfected. Isang Community ng mga estudyan...
