C6 P1

274 7 2
                                        

ZU chapter 6 - The First Operation
.
.
Part 1
.
.
.
"At bilang bagong Chairman at panimula ng pagbangon na ito, Pinipili ko si Amber John Eleazer"
.
.
.
.
"Bilang Commander ng Campus na ito" wika ni Percy na kinagulat ng lahat..
.
.
.
.
" Pero bakit ? " tanong ng isang estudyante
.
.
"Dahil sya lang ang satingin Kong may kakayahan at swak sa posisyon na ito" -Percy
.
.
.
.
"Naniniwala ako!!" Wika ni Ray
.
.
"Ako rin!!" Wika ni Xen
.
.
.
"Kami rin!!" Wika rin ng ibang kilalang estudyante
.
.
"Siya ang mamumuno sa bawat operation, at kasama rin sya sa board at higit sa lahat, kung sakaling mapatay ako sa labanan, sya ang hahalili sa akin o magiging kapalit sa akin" paliwanag ni Percy
.
.
.
"Kaya nawa respetuhin nyo ang aking pasya.......Maraming salamat" huling wika nito at bumaba na ito sa stage..
.
.
.
"Maraming salamat mr.Chairman... OK ipagpatuloy na natin ang meeting na ito" wika ni Crystal
.
.
.
A few minutes later..
.
.
.
Gaya nga ng inaasahan , natapos na ang botohan at pagpupulong...At ang mga bagong opisyal ay napili na..
.
.
.
Chairman: Percy Del Rosario
Commander: Amber John Eleazer
.
.
12 Board member
.
.
Xen Dela Rosa
Ray Caacbay
Jaw Aquino
Margo Jane Villarreal
Spencer Dela Cruz
Jordan Williams
Raiku Chan
Roger Yap
Zusana Cruz
Joseph Sacramento
King McArthur
Dark Rain Camero
.
.
And Other Position
.
.
.
Joseph's POV
.
.
Haysss..nakakapagod ang araw na ito ,marami masyadong nangyari at isa pa hindi talaga namin inaasahan ang mga nangyari....
.
.
.
"Tol, kamusta" wika ko kay AJ na kanina pa malalim ang iniisip
.
.
.
"OK lang, medyo di ko lang talaga inaasahan ang mga nangyari at isa pa ,iniisip ko parin ang naging desisyon ni Percy" wika nito
.
.
"Tama ka ,kahit ako iniisip ko rin yan" wika ko
.
.
" Paano ko pamumunuan ang buong campus, Wala pa akong karanasan at isa pa Hindi ito basta basta, buhay na ng tao ang pinag uusapan dito" wika nito
.
.
Nang mga oras na iyon Hindi ko alam ang bigat na dinadala ni AJ at hindi ko rin alam ang gagawin para pawiin iyon..
.
.
"Ah eh, sa tingin ko , mas mainam na ibigay nalang natin ang lahat ng makakaya natin " wika ko
.
.
"Paano kung hindi parin ito sapat?" tanong nito na kung saan mas naramdaman ko ang takot at pressure na kung anong meron sya..
.
.
.
"Ewan ko, Hindi ko rin alam" tugon ko na tumapos sa usapan namin...
.
.
.
Nakita ko si Heaven sa tapat namin, na sa itsura nito mukang nais nitong lapitan at makausap si AJ kaya umalis muna ako..
.
.
.
Heaven's POV
.
.
.
Nagulat ako sa mga pangyayari at alam kong si AJ ay may malalim na iniisip ngayon kaya minabuti kong lapitan ito at kausapin, saktong katatapos lang ata nilang mag-usap ni Joseph...kaya agad akong lumapit at umupo sa tabi nya.At hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay at nag wika..
.
.
"May taong nakapagsabi sa akin na mababawasan daw ng takot at lungkot ang isang tao kung hahawakan mo ang kamay nito"
.
.
Nagulat si AJ sa ginawa ko....
.
.
"Kaya hayaan mong hawakan ko ang kamay mo sa sandaling ito" wika ko
.
.
.
Third person's POV
.
.
May malaking grupo ng zombie ang nakahanay na para bang mga sundalo...
.
At sa harapan nila ang isang zombie na napakataas at napakalaki ng katawan ,na para bang ang pinuno nila....
.
.
Sumisigaw ito at habang sumisigaw ito, para bang ang mga zombie ay naiintindihan ito...
.
.
Ng biglang mukhang napansin ako ng pinuno nila, kaya napalingon ito sa direksyon ko..
.
.
Bigla itong sumigaw na para bang nagkocommand na sugurin ako...
.
.
"Wooooohhh" sigaw nito at nag umpisang lumingon sa akin ang mga zombie at Sabay sabay na sumugod sa akin...
.
.
.
Agad naman akong tumakbo..
.
.
At habang tumatakbo ako at lumilingon lingon sa likuran , Hindi ko napansin ang sumunod na nangyari....
.
.
.
Biglang nasa harapan ko na pala ang malaking zombie at bigla akong sinuntok nito at tumilapon ako...
.
.
.
At sa pagbagsak ko bigla kong namalayan na dinumog na ako ng mga zombie at akmang kakainin ng biglang lumiwanag ng napakaliwanag na sobrang nakakasilaw. At nakarinig ako ng tunog ng sasakyan at mga putok ng baril at pagsabog, kasunod nito ang isang napakalakas na sigaw ng zombie. At biglang bumagsak sa harapan ko ang napakalaking zombie na duguan at wasak ang kalahating mukha nito. At ang sumunod na pangyayari ang mas gumulat sa akin, isang babaeng may hawak na samurai sword ang lumapit sa malaking zombie at pinugutan ang ang zombie at pagkatapos nun di ko na nalaman ang mga sumunod pa na pangyayari ,dahil nawalan na ako ng malay....
.
.
.
At sa paggising ko napansin ko nalang na nakahiga na ako sa isang kama, dahan-dahan akong bumangon at naglakad palabas sa kwarto, at sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto bumungad sa akin ang isang sala...
.
.
.
"Oh.. Gising ka na pala" wika sa akin ng isang babae na mga nasa 20's ang edad
.
.
.
"Nasaan ako? Sino kayo?" Tanong ko
.
.
"Mamaya na namin ipapaliwanag kumain ka muna, para manumbalik ang lakas mo" wika nito sabay abot ng pagkain
.
.
.
Sa paglingon-lingon ko sa paligid, napansin ko na may iba pang tao maliban sa babae, may dalawang lalaki pa at isang babae ang nakaupo sa sofa na nanood ng movie sa t.v..
.
.
.
"Ah ako nga pala si Erica at sila naman ang mga kasama ko, si Kevin, Joshua, at Jen.." Tulad mo mga nakaligtas din kami sa unang araw.
.
.
" Ako naman si??? (Bakit di ko maalala kung sino ako)"
.
.
.
"May problema ba? " tanong ni Erica
.
.
"Ah eh Hindi ko maalala kung sino ako" wika ko
.
.
Ang naaalala ko lang tungkol sa aking sarili ng mga oras na iyon ay kung paano ako nagising sa isang lugar at nag umpisang tumakbo ng tumakbo...
.
.
"Ah baka kailangan mo lang ng pahinga at panahon para maalala mo ang mga bagay na tungkol sayo" wika ni Erica
.
.
"Siguro nga" wika ko pero bakit pati pangalan ko di ko matandaan ..
.
.
.
"Gising ka na pala" isang boses na aking narinig sa aking likuran at sa paglingon ko sa likuran nakita ko ang isang lalaki na kapapasok lang sa pinto..
.
.
"Ah sya nga pala si Ivan ang leader ng grupo" wika ni Erica
.
.
"Kamusta?" -Ivan
.
.
.
AJ's POV
.
.
.
Para bang isang paniginip nung mga oras na iyon, ang babaeng matagal ko ng hinahangaan ay nakahawak sa aking kamay habang nakaupo sa tabi ko...
.
.
Lumipas ang mga oras at napansin ko na nakasandal na ito sa balikat ko at satingin ko nakatulog na ito...
.
.
Napaka amo ng mukha nito habang natutulog ,ganito pala ang mukha nya kapag natutulog.
.
.
Nung mga oras na iyon hindi parin natanggal ang pagkakahawak nito sa kamay ko...
.
.
.
At ilang minuto lang ay nakatulog narin ako
.
.
.
.
Day 3
.
.
.
Kinaumagahan naghanda na kami ng mga kakailanganin namin sa operation at nagplano ng aming gagawin..
.
.
" okay, ngayong araw lalabas tayo para sa isang operation. Ito ay ang paghahanap ng ating mga pagkain para makasurvive sa digmaang ito" wika ni Percy habang nakatayo sa aming unahan sa harapan ng gate 1...
.
.
Habang kami naman ay naghahanda sa pagbukas ng gate habang hawak hawak ang kanya kanyang armas o sandata...
.
.
At dahan dahang binuksan ang gate......
.
.
At nung nabuksan ang gate natanaw agad namin ang napakadaming zombie...
.
.
"Waahhhhhh.." Sigaw namin habang pasugod sa mga zombie...
.
.
.
To be Continue..

.
.
.
Yow...sana nagustuhan nyo..Thank you and Bye , Reply din kayo para masaya..
.
Next : ZU chapter 6 part 2
.
.
.
.
Preview
.
.
" waahhhhh"
.
.
"Napakadami nila"
.
.
.
"Wag!!!..."
.
.
"Kung mawala ako, ikaw na ang bahala sa lahat" -Percy
.
.
"Nagpapatawa ka ba?"- AJ
.
.
.
"Seryoso ako" - Percy
.
.
.
.
.......

ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon