C6P3

242 8 1
                                    


.
.
.
*Flashback
.
.
.
"Banggg" putok ng baril kasunod ang pagtagos ng bala sa ulo ni Percy ,dahilan para dahan dahan itong bumagsak ng wala ng hininga
.
.
.
*End of flashback
.
.
.
.
AJ's POV
.
.
.
May mga bagay talaga na hindi kayang pigilan kahit ano pang gawin mo....
.
.
Mga bagay na nakatakdang mangyari ,ika nga ng iba, subalit hindi ko parin maintindihan, bakit kailangang mangyari ng mga bagay na ito? At sa aking pagtatanong ,isa lang ang pumasok na sagot sa isip ko... Hindi dapat bakit ang tanong, kundi sino?, sino ang dahilan Kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito? At ang sagot sa tanong na ito ay " TAYO ", tayong mga tao. Kaya maling sisihin mo ang iba o ang Diyos sa mga problema o kahirapan dumadating sayo , isang kalokohan lang na sisihin mo ang Diyos sa bagay na unang- una ay tayo ang pumili at dahilan kung bakit nag-exist ito.
.
.
.
Habang nasa sasakyan at pabalik na kami sa campus, lutang parin ang isip ko at hindi parin ako makapaniwala na wala na si Percy. At habang nasa byahe, naramdaman kong biglang hinawakan ni Margo ang mga kamay ko at nagwika.
.
.
" Magiging maayos rin ang lahat"
.
.
"Salamat " wika ko sa kanya
.
.
Ilang minuto lang ay nakarating narin kami sa campus.
.
.
" Tol, nandito na tayo" wika sa akin ni Joseph
.
.
Agad akong bumaba at kinausap si Ray.
.
.
.
" Magkakaroon tayo ng pagpupulong ngayon, sabihan mo ang lahat na magtungo sa Gym" wika ko sa kanya.
.
.
"OK, pero ok kalang ba?" Tanung into
.
.
.
"Oo, OK lang ako" tugon ko
.
.
.
.
At the gymnasium
.
.
.
.
" Magandang hapon sa ating lahat, ngayong hapon pag-uusapan natin ang nangyari sa ating operation" paliwanag ni Ray..
.
.
" Naging matagumpay ang ating operation, nagawa nating makalikom ng sapat na pagkain para sa ating isang buwang pangangailangan, at Hindi lang yon nakalikom din tayo ng mga kagamitan at iba pa na pwede nating gamitin sa ating pakikibaka. Pero ganun pa man, nakakalungkot lang sabihin sa inyo na 32 sa ating mga kasamahan ang hindi na natin makakasama sa pagpapatuloy ng ating pakikibaka." Paliwanag ni Ray na kinalungkot ng lahat.
.
.
" Sila'y nagbuwis ng buhay para sa ikabubuti ng lahat, at kahit wala na sila, Ang alaala nila ay mananatiling kasama natin sa pagpapatuloy ng buhay na ito....
..PARA SA BUHAY!!!!!!"
.
.
.
" Magbigay pugay sa mga taong nagbuwis ng buhay" sigaw ni Joseph
.
.
At ipinakita sa malaking screen ang mga pangalan at mga larawan ng mga estudyanteng namatay sa operation.
.
.
.
.
Naging emotional ang lahat ng mga oras na iyon. May ibang hindi napigilan ang pagluha. Sa huli ang larawan ni Percy ang huling ipinakita na ikinagulat lalo ng lahat. Ang iba ay hindi makapaniwala sa nakita.
.
.
"Totoo ang nakikita nyo, ang chairman ay wala na rin " wika ni Xen
.
.
.
Samantala si AJ naman ay lumabas at kumuha ng panghukay at nagtungo sa libingan. Nag-umpisa itong maghukay ng maghukay para sa mga bangkay ng mga namatay.
.
.
.
.
Ilang minuto ang nakalipas
.
.
" Tama na 'yan, kailangan mong magpahinga" isang tinig na aking narinig. Agad ko itong nilingon at nakita ko si Margo na nakatayo.
.
.
.
" Kailangan ko 'tong gawin" tugon ko..
.
.
" Pakiusap itigil mo na yan" wika nito at ako naman ay patuloy parin sa paghuhukay..
.
.
.
" ganun nalang ba yon?" Tanong nito na pumukaw sa aking atensyon...
.
.
" Hindi pa tapos ang laban, pero bakit parang pinanghihinaan ka na. AJ kailangan ka namin, kailangan namin ng tulong mo. Maraming umaasa sa iyo, at isa na ako doon.... nadudurog ako kapag nakikita kitang ganyan...
Kaya please maging malakas ka para sa amin" mga salitang gumising sa akin...Tama si Margo ,kailangan Kong maging malakas.
.
.
Dahan - dahan kong binitawan ang panghukay at naglakad patungong kay Margo na sa mga sandaling iyon ay umiiyak at nakayuko.
.
.
.Bigla ko 'tong niyakap at nagwika.
.
.
"Maraming salamat" ilang saglit lang ay naglakad ulit ako patungong Gym.
.
.
.
.
A Few Minutes
.
.
At the gymnasium
.
.
" Alam ko na nakakalungkot ang mga nangyari ngayon, nabawasan na naman tayo ng mga kaibigan at kapamilya. Subalit sa pagkawala nila hindi ibig sabihin nun na tapos na ang laban. Ang totoo ay nag- uumpisa palang tayo. Ngayon nangangako ako sa lahat na makakasama nyo ako sa laban, hanggang sa dulo. Bilang inyong commander gusto kong sabihin sa inyo,na BABANGON TAYO............" Wika ko sabay taas ng kamay.
.
.
.
"PARA SA BUHAY!!!" Sigaw ko
.
.
"PARA SA BUHAY!!! " sigaw ng lahat
.
.
.
.
DAY 4
.
.
.
Kinaumagahan agad akong nagtungo sa puntod ni Percy at imbes bulaklak , isang tasa ng kape ang iniwan ko dito na madalas nitong inumin nung nabubuhay pa ito. Sa hindi nakakaalam parang nakakatandang kapatid na ang turing ko kay Percy. Siya ang kakwentuhan ko noon maliban kay Joseph.
.
.
.
Pagkaraan ng ilang minuto ay umalis narin ako patungo sa pagpupulong.
.
.
.
" OK, mukhang nandito na ang lahat , plano kong isailalim sa pagsasanay ang lahat ng narito sa campus. Pagkatapos ay bibigyan natin ang bawat isa ng trabaho o bahagi ayon sa kanilang kakayahan" wika ko
.
.
.
" May limang squad na ang nabuo , ito ay ang :

*First squad (Dragon)- the front liner
*Second squad (Lion)-the front liner
*Third squad (Tiger)-the front liner
*Fourth squad (Wolf)-the Support
*Fifth squad (Cheetah)- the Support
.
.
At balak kong bumuo pa ng sampung squad, galing sa mga nasanay natin. Bubuo rin tayo ng mga Gate keeper para magbantay sa apat nating gate. Sang ayon ba kayo ?" Wika ko
.
.
" OK , itaas ang kamay ng sang- ayon sa balak ni Commander. " wika ni Ray
.
.
At lahat sila ay nagsitaas ng kamay.
.
.
.
"Mukhang sang ayon kaming lahat" wika ni Ray
.
.
.
BALDO's POV
.
.
" Patawad kuya " wika ni Chester sa akin
.
.
" naiintindihan ko " tugon ko sabay hawak sa kanyang balikat..
.
.
Panibagong araw na naman, mula sa Bolinao na aming bayan, minabuti naming maglakbay patungong  Baguio sa kadahilanang may usap-usapan na doon daw nagtayo ang pamahalaan ng isang ligtas na lugar para sa mga nakaligtas  sa unang araw ng zombie invasion. Sa ngayon ay nasa bayan kami ng SUAL, naghahanda para sa pagpapatuloy ng aming paglalakbay. Dito narin namin nilibing ang mga kasama naming namatay kabilang ang aking kaisaisang kapatid. Sa ngayon ay nasa 48 nalang kami mula sa 65 na bilang namin noong una. Masyado kaming nahirapan sa pagtawid sa syudad ng Alaminos, napilitan kaming iwan ang mga sasakyan namin sa kadahilanang Hindi nito kayang lumusot sa mga nakahambalang na sasakyan. Ganun pa man nagawa naming makatawid, subalit ilan sa aming mga kasama ang nakagat at napatay.
.
.
.
" Nagasolinahan na po lahat ng sasakyan at nakakuha narin po tayo ng mga pagkain para sa ating byahe." Wika ni Nelson
.
.
" OK, pakisabi sa lahat na maghanda na ,at tayo'y aalis na" wika ko
.
.
.
At nag-umpisang nagsitunog ang mga makina ng aming mga sasakyan.... At ilang Segundo lang ay nag- umpisa na muli kaming magpatuloy sa aming paglalakbay...
.
.
.
.
.
.
AJ's POV
.
.
.
"Commander" tawag sa akin ni Crystal sabay abot ng isang sobre na may nakasulat na (TO: Amber John , FROM: Chairman Percy )
.
.
.
To be Continue...
.
.
Yow sana nagustuhan nyo, mukhang wala ng tao ,I think hanggang Chapter 6:4  nalang muna at ung iba ay sa Wattpad ko nalang ipopost.
.
.
.

ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon