Zombie University
Chapter 5 part 4
.
.
.
.
"Hindi!! Hindi!! Hindi!! Hindi To pwede, Hindi, wag, wagg!!wagg!!please, please, please Hindi, Hindi bakit, bakit, please baka may gamot pa baka may paraan pa, baka pwede pa syang gumali!!" Wika ni Chester habang Hindi parin nito matanggap ang kalagayan ng kasintahan na hawak hawak nito...
.
.
"Chester ,lumayo ka na sa kanya, Huli na ang lahat tulad nya magiging katulad narin sya ng iba" wika ni Simon
.
.
"Hindi, hindi wag mong sabihin yan, hindi pa hule ang lahat, may pag asa pa" wika ni Chester na nakahawak parin sa kamay ng kasintahan..
.
.
"Chester , umalis ka na!! Ilang segundo lang magiging zombie narin sya" wika ni Simon
.
.
"Hindi, hindi ako aalis" pagmamatigas ni Chester..
.
.
Ilang segundo lang at biglang naging wild ang kasintahan ni Chester at akmang kakagatin si Chester,buti nalang mabilis itong binaril ni Baldo at tinamaan ito sa ulo..
.
.
Bangg...
.
.
At si Chester hindi parin binitawan ang kamay ng kasintahan habang umiiyak. At ang lugar ay binalot ng katahimikan..
.
.
"Bakit?,bakit mo sya binaril?, sana hinayaan mo na akong makagat nya" sigaw ni Chester habang tumatayo ito at sumugod kay Baldo , Sinubukan nya itong suntukin ,subalit nakailag ito..
.
.
"May mga bagay na dapat tanggapin, kahit mahirap, " wika ni Baldo.
.
.
"Alam Kong masakit, kaya mas mainam na matulog ka muna ngayon" bulong ni Baldo sabay hampas nito ng baril sa ulo ni Chester para makatulog ito..
.
.
.
Pagkatapos binuhat nya ito upang dalin sa sasakyan...
.
.
At kinuha nya ang pala at nag umpisang maghukay ....Habang naghuhukay ,nag umpisa narin itong lumuha...
.
.
Flashback
.
.
"Kuya, paglaki ko ,ako naman ang magbubuhat sayo" wika ng isang batang babae sa kanyang kuya na bumubuhat sa kanya..
.
.
.
"Hahaha Wag na , dahil paglaki mo , malaki narin ako nun, at mas mabigat parin kesa sayo" wika ni Baldo sa kanyang nakababatang kapatid
.
.
.
"Ngekk..gusto nga kita buhatin ehhh..." Wika ng batang babae na umiyak na
.
.
"Hahaha oo sige na paglaki mo buhatin mo ako, kaya tumahan kana at kumain ka ng maraming gulay" wika ni Baldo
.
.
" Opo!! ,kaya bilisan mo na kuya, para makakain na ako ng marami" wika ng batang babae...
.
.
"Hahaha" Baldo
.
.
End of Flashback
.
.
Pagkatapos nitong maghukay, binuhat nito ang kasintahan ni Chester at habang binubuhat nya ito ,hindi nito mapigilan ang pagtulo ng luha nito...
.
.
"Sa huling sandali, ako parin ang nagbuhat sayo, Mahal Kong kapatid," bulong ni Baldo habang buhatbuhat nito ang kapatid...
.
.
.
"Ang daya mo!! Ang daya mo!! Sabi mo ikaw naman ang magbubuhat sa akin paglaki mo, Ang daya mo!! Ang daya mo!!" Hindi na napigilan ni Baldo ang kanyang damdamin kaya kahit patay na ang kapatid nito, kinausap nya ito habang umiiyak....Dinig ito ng mga kasama nito ,kaya pati sila hindi narin napigilan ang lumuha...
.
.
Pagkatapos ay dahan dahang nilapag ni Baldo ang kapatid sa hukay at dahan dahang tinabunan.....At habang tinatabunan ang kapatid hindi parin ito tumitigil sa pag iyak..
.
.
"Paalam, mahal kong kapatid" -Baldo
.
.
.
Ray's POV
.
.
Tulad ng aking inaasahan, na hindi papalampasin ng tatlong ito ang pagkakataong makuha ang pinakamataas na posisyon.
.
.
.
Nakakatawa lang isipin na KinaCareer nilang tatlo ang pagiging leader..
.
.
Hanggang sa Hindi inaasahang pangyayari ang naganap..
.
.
"Saglit" wika ni Margo habang dahandahang tumatayo na kinagulat ng lahat...
.
.
.
Tinginan sa kanya ang lahat...
.
.
"Mukhang may hahabol pang isang kalahok sa ating botohan sa pagiging chairman ng Campus na ito" wika ni Crystal
.
.
Habang nakatingin ang lahat Kay Margo..
.
.
"Amm...Actually hindi ako tatakbo o wala akong nais sa ano mang posisyon.." Wika ni Margo na mas pinagtaka ng lahat
.
.
.
"Subalit may kilala akong tao, na sa tingin ko ay maaaring mamuno" wika ni Margo na mas kumuha ng atensyon ng lahat..
.
.
.
"Mukhang kilala ko na ang tinutukoy nya" bulong ko kay Xen
.
.
" Yah...Tama ka ,mukhang may ideya na rin ako" wika ni Xen
.
.
.
"Ang taong ito ay may malaking puso at may kakayahan ,at talino para tumulong, Siya rin ang taong nagbigay sa amin ng pag asa nung mga panahong nawawalan na kami ng pag asang lumaban....Hindi man sya kilala tulad ng iba, subalit nasisiguro kong, kaya nyang pamahalaan itong buong campus.......Kaya sana bigyan nyo sya ng pagkakataon.. "
Wika ni Margo na umagaw ng atensyon ng lahat
.
.
"Ang taong tinutukoy ko ay si....Amber John Eleazer" pagpapakilala ni Margo kay AJ na kinagulat ng lahat pati na ni AJ mismo..
.
.
"Mr. Eleazer ,maari ka bang tumayo " wika ni Crystal
.
.
.
Dahan-dahang tumayo si AJ ..
.
.
.
"Mr. Eleazer ,nais mo bang tumakbo, katulad ng narinig natin kanina ayna nomina ka bilang chairman ng campus na ito" wika ni Crystal
.
.
.
"Ah eh kasi ang totoo nito ay ayaw k---" Hindi natapos ang gusto sanang sabihin in AJ dahil sa nagsalita si Percy..
.
.
.
"Huwag kang duwag AJ, lumaban ka, maliban Kay Margo marami pang umaasa sayo" wika ni Percy
.
.
.
Napaisip si AJ kung ano nga ba ang dapat nyang gawin.At ng nakapagdecide na ito bigla nalang itong nagsalita..
.
.
"Sige ,pumapayag na ako, tatakbo ako bilang Chairman"
.
.
Sigawan ng mga estudyante na sumusuporta Kay AJ..
.
.
"OK ,mukhang kailangan na nating magproceed sa botohan." Wika ni Crystal
.
.
.
At nag umpisa na nga ang botohan..
.
.
.
A Few minutes Later
..
.
.
Medyo ilang minuto narin kaming naghihintay.
.may
"Sa tingin mo sino mananalo?" Tanong ni Xen sa akin
.
.
"Swak na swak sa posisyon si AJ ,magaling sya sa leadership,malakas,matalino at may katangian sya na wala sa iba ,subalit-" wika ko
.
.
.
"Ito na po ang resulta ng botohan" wika ni Crystal
.
.
"Subalit ano?" -Xen
.
.
"Ang taong mas pinili ng nakakarmi ay walang iba, kundi-" wika ni Crystal
.
.
"Subalit ang magwawagi parin...... ay ang pinaka maimpluwensya" maangas Kong sagot
.
.
.
"Si mr. Percy Del Rosario!!" Sigaw ni Crystal
.
.
.
At itinaas ni Percy ang kanyang kanang kamay kasabay ang sigawan ng nakakarami...
.
.
.
.
.
.
"Mr. Chairman ,maaari ka bang magtungo dito sa stage?" Wika ni Crystal
.
.
.
At si Percy ay nagumpisang magtungo sa stage at nagsalita..
.
.
.
"Maraming salamat, maraming salamat ....sa suporta...ayon sa aking pinangako ,muling babangon ang campus na ito!!"
.
.
At nagsigawan muli ang mga tao..
.
.
" Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at ibibigay ko ang aking puso sa responsibilidad na ito...Hayaan nyong ipanalo natin ang digmaan na ito!!! Para sa buhay!!.." Sigaw nito sabay taas ng kamay nito...
.
.
"Para sa buhay!!!" Sigaw ng lahat
.
.
.
.
"At bilang bagong Chairman at panimula ng pagbangon na ito, Pinipili ko si Amber John Eleazer"
.
.
.
.
"Bilang Commander ng Campus na ito" wika ni Percy na kinagulat ng lahat..
.
.
.
.
" Pero bakit ? " tanong ng isang estudyante
.
.
"Dahil sya lang ang satingin Kong may kakayahan at swak sa posisyon na ito" -Percy
.
.
.
To be Continue
.
.
.
Next....ZU chapter 6 - The First Operation
.
.
.
Pasensya na kung masyadong matagal....estudyante po kc ako kaya minsan po talaga busy...
.
.
Thank You and God bless..
![](https://img.wattpad.com/cover/149303334-288-k191765.jpg)
BINABASA MO ANG
ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)
Science FictionYear 2027 isang virus ang lumitaw sa mundo. Ginagawa nitong halimaw (Zombie) ang isang taong ma-infect nito. Halos 99% na ng population ng mundo ang nainfect ng virus nito, ang ilan naman ay nananatiling uninfected. Isang Community ng mga estudyan...