C7P3

329 7 1
                                        

7:3
.
.
Kamatayan!
.
.
Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan.
.
.
.
.
Baldo's POV
.
Sep. 17, 2027
Day 5
8:24 PM
.
.
.
.
.
.
Kitang kita ko kung paano paulanan ng bomba ang syudad, parang impyerno ang aming nasaksihan. Sigawan, iyakan at pagsabog ang aming narinig.
.
.
Ilang sigundo lang ay nagliwanag ang aming paligid dahil sa nasusunog na syudad.
Ng biglang napansin ko ang isang missile na patungo sa direksyon namin.
.
.
" Baba sa sasakyan!" Sigaw ko... subalit huli na.
.
.
Boooom...
.
.
.
.
Heaven's POV
.
.
.
Sept. 18, 2027, 5:13 AM
Day 6
,
.

Maaga akong gumising para magjogging ayon sa program ng training. Gaya ng inaasahan ko madilim palang marami ng nagjojogging. Nakisabay ako sa mga Classmate ko at iba ko pang kaibigan.
.
.
" Uy tignan nyo yun oh, si Commander!" Turo ni Cindy kay AJ.
.
.
" Kanina ko pa yan sya nakikita. " wika ni Victoria
.
.
" Kanina?" Tanong ni cathy
.
.
" Ah kanina kasi mga 3:30 AM narinig ko na may nagjojogging na sa labas kaya sinilip ko sa bintana. At nakita ko si Commander na nagjojogging." Paliwanag ni Victoria
.
.
" Ano 3:30AM?!!!" Gulat na gulat naming tanong.
.
.
" Oo" maikling sagot ni victoria
.
.
" Grabe ang lupet nya" wika ng mga kasama ko.
.
.
.
" Dahil jan, mas lalong nahuhulog ung loob ko sa kanya " Wika ni Cathy.
.
.
.
" Anong nahuhulog?.. nauna syang naging akin!!" Wika ni Princess.
.
.
" Oy tumigil na nga kayo jan sa kalokohan nyo! Alam nyo naman na kay Heaven na nakatadhana si Commander." Wika ni Cindy sabay ngiti sa akin ng nakakaloko.
.
.
" Grabe ka naman sa amin Cindy! Akala ko ba crush mo rin si Commander?" Wika ni Princess
.
.
" kayo talaga! Ang iingay nyo!! " sigaw ni Cindy kina Princess
.
.
.
Nakakatawa silang panoorin.
.
" Maiba tayo Heaven, kamusta na kayo ni Commander? Balita ko kasabay mo sya kagabi kumain at nagkape." Tanong ni Victoria sa akin.
.
.
"Oo nga heaven ,kamusta kayo?" Dagdag pa ni Cindy.
.
.
" Ah eh wala naman eh" maikling tugon ko.
.
.
" Anong wala diba magkatabi pa kayo. Kagabi sa Canteen." Wika ni Victoria
.
.
At bigla kong naalala ang position namin sa lamesa kagabi, nasa kaliwa nga ako ni AJ habang katabi ko naman si margo na nasa kaliwa ko. Kasunod si Joseph at sa kanan ni AJ si Jordan.
.
.
.
" Eh kasi diba ,kumain lang kami at wala ng ibang nangyari! " wika ko na ikinatahimik nila. Ay sa wakas tumahimik din sila.
.
.
" Good morning sa inyo! " wika ng isang lalaki sa likod.
.
.
At paglingon ko sa likod nakita ko agad si Joseph, Jordan at si AJ. Naku kaya pala sila tumahimik bigla, kasi nasa likod sila AJ.
.
.
" Hi pwede makisabay?" Wika ni Joseph habang si AJ tahimik lang.
.
.
.
" Am hehehe sige" nahihiyang tugon ni Cindy habang ang iba ay hindi parin makaimik.
.
.
Sana hindi nila narinig yung usapan namin kanina. Naku kung sakaling narinig nila may mukha pa ba akong ipapakita.
.
.
" Oh kayo nanjan pala kayo joseph! " sigaw ng isang lalaki habang patakbong lumalapit sa amin.
.
.
" Oh kayo pala Ray, kamusta ?" Wika ni Joseph sa lalaki.
.
.
" Ok naman ,mukhang napakarami nyo ah" wika ni Xen.
.
.
" Ah oo kasama namin si Heaven at ang mga kaibigan nya." Tugon ni Joseph.
.
.
.
" mukhang mas masaya kapag marami kayong tumatakbo, kaya makikisabay narin kami. " Wika ni Ray ng nakangiti.
.
.
Bale sampu na kaming lahat na sabay sabay magjogging. At masayang nagkukwentuhan habang tumatakbo.
.
.
.
Pagkatapos namin magjogging ay agad kaming nagtungo sa field, para sa susunod na activity.
.
.
Humanay kami na para bang mga sundalo at tumayo ng matagal sa initan. Isang oras palang kaming nakatayo ay marami ng umaangal.
.
.
" Kung sa pagtayo palang sa initan ay sumusuko ka na. Paano ka pa makakasurvive sa labanan?" Sigaw ni AJ habang nakatayo rin sa initin.
.
.
.
" Kalokohan lang 'tong ginagawa natin" sigaw ng isang lalaki na umalis na sa pila.
.
.
" Oo nga kalokohan lang 'to!" Sigaw rin ng tatlo pang lalaki at sabay sabay na umalis sa pila.
.
.
.
Agad itong nilapitan ni Ray.
.
.
"Kayong apat, give me "one week"(7 push up) "wika ni Ray.
.
.
" Sino ka? para sundin ko!" Wika ng isang lalaki.
.
.
" Kung ganun, ngayon palang ay wakasan na natin ang training mo" wika ni Ray sabay bunot ng espada nito sa bewang. Na agad namang kinatakot ng apat na lalaki.
.
.
" Ray!! Pabayaan mo silang umalis ! " wika ni AJ kay Ray na ikinatuwa ng apat. At muli naglakad ang apat palayo.
.
.
" Hindi natin kailangan ng duwag sa training na ito! " Sigaw ni AJ na ikinatawa ng marami at ikinaasar ng apat.
.
.
" Sinong duwag?" Pag~aangas na wika ng isang lalaki.
.
.
" Sino pa ba? Kundi ung takot maarawan." Wika ni AJ.
.
.
" Sinong takot maarawan? " Tanong ni Ray
.
.
" ung mga duwag." Wika ni AJ habang nakatingin sa apat.
.
.
" Duwag pala ah, tignan natin kung sino talaga ang duwag" wika ng isang lalaki at sabay sabay silang sumugod kay AJ. Sinenyasan ni AJ si Jordan na wag ng tumulong.
.
.
Unang suntok kay AJ ay hindi tumama ganun din ang mga sumunod dahil mabilis nya lang itong naiilagan. Kita sa mukha ng apat ang inis at galit. Habang kami naman ay tawang tawa sa kanila. Hanggang sa tumigil nalang ang apat dahil sa pagod. Hingal na hingal ang mga ito.
.
.
" Ano kaya nyo pa ?" Tanong ni AJ at hindi kumibo ang apat kaya nagsalita muli si AJ
.
.
" kung ganun, ako naman ang aatake " pangtutuya ni AJ. Agad nagsalita ang isang lalaki.
.
.
" Patawad, sana tanggapin nyo pa ako sa traning. " pagod na pagod na wika ng isang lalaki.
.
.
"Ako rin!" Wika ng isang lalaki
.
.
"Kami rin!" Wika pa ng dalawang lalaki.
.
.
Napangiti si AJ at lumapit sa isang lalaki at inabot ang kamay nito para tulungang tumayo. Kagaya ng tatlo pa.
.
.
" Syempre naman. Kaya nga tayo nandito ." Nakangiting wika ni AJ.
.
.
At muli ngumiti ang apat na lalaki at labis na nagpasalamat at nagsorry.
.
.
Bumalik ulit sila sa pila nila at pursigidong itinuloy ang pagtayo sa initan.
.
.
" Ok alas otso na, isang oras nalang ng pagtayo. Kaya konting tiis pa. " Wika ni Joseph
.
.
Kakayanin namin 'to.
.
.
.
AJ's POV
.
.
.
Kita ko na sa mukha nila ang pagod at gutom. Ngunit napalitan 'to ng saya ng sabihin kong...
.
.
" 9AM na !! Tapos na ang una nating Session para sa araw na ito. Kaya maari na kayong magtungo sa Canteen para kumain."
.
.
"Yeheyyyy"
.
.
" Woooooohhhhh" sigawan ng lahat dahil sa saya.
.
.
Masayang nagtungo ang lahat sa Canteen. Sa hindi nakakaalam. Mas pinalawak namin ang kapasidad ng Canteen sa pamamagitan ng paglalagay ng mga cottages sa paligid nito. Sabayan pa ng napakagandang klima ng araw na iyon. Masayang kumain ang lahat ng sabay~sabay, kahit medyo late na para sa almusal.
.
.
" Nakakatuwang tignan ang lahat na tulong tulong at nagkakaisa. " Wika ko kay Joseph
.
.
" Oo nga " tugon nito habang inaabot sa akin ang isang tasang kape.
.
.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila habang nakatayo sa silong ng isang puno kasama si Joseph.
.
.
Tunay ngang magiging maayos din ang lahat. Bulong ko sa sarili ko
.
.
Baldo's POV
.
.
.
Pagkamulat ko isang maliwanag na kalangitan ang aking nasilayan. Umaga na ng magkaroon ako ng malay at hanggang ngayon naalala ko parin ang nangyari kagabi.
.
*Flashback
.
" Baba sa sasakyan! "
.
.
Boooom.....
.
.
*End of flashback
.
.
Dahan~dahan akong bumangon kahit na masakit ang aking likuran dahil sa pagkakatilapon ko dahil sa impact ng pagsabog. Agad akong lumingon lingon sa paligid. Kita ko ang pinsalang iniwan ng pagsabog.
.
.
At kahit hirap tumayo at maglakad ay minabuti kong hanapin ang iba. Nagbabakasakaling ang ilan sa kanila ay maaring buhay pa.
.
.
Una kong nakita ang isang sasakyan na sunog na sunog na kasama ng mga sakay nito.
.
.
Habang tumatagal ang paghahanap ko ay unti unting nawawalan ako ng pag~asa. Lalo na sa mga bangkay na nakikita ko.
.
.
At sa tagal ng paghahanap ko sa wakas, nakita ko si Chester at si Simon ,kaya agad ko silang ginising nagbabaka sakaling buhay pa sila.
.
.
" Gising!! Gising!!!"
.
.
Salamat at nagising sila. 
.
Maliban kina Chester ay Labing pito pang mga kasama namin ang nakaligtas sa pagsabog . Bale nasa bente nalang kaming lahat na natitira.
.
.
At isang nawawala. Hindi namin nakita ang bangkay ni Faith kung sakaling patay na sya. Di kagaya ng iba na madali naming natagpuan at nailibing. Kaya ang naisip nalang namin ay baka tinangay ng mga hayop sa gubat ang bangkay nya. Ganun pa man ay hindi parin kami nawawalan ng pag asa. Na baka sakaling buhay pa sya.
.
.
.
.
Others POV
.
.
" Tagumpay po ang operation sa Baguio city, General,  " wika ng isang sundalo pagkatapos nito sumaludo sa General.
.
.
" Ganun ba! " wika ng Heneral sabay baril nito sa ulo ng sundalo.
.
.
" masyado kang maingay! "Wika nito sabay baril ulit nito sa sundalo.
.
.
"Ikaw ano pa ang ginagawa mo jan? Linisin mo na 'to at baka mabadtrip ako at maisunod kita sa kanya" wika ng Heneral
.
.
Agad namang kumilos ang isang sundalo para linisin ang bangkay.
.
.
" Hannah , icancel mo lahat ng meetings ko at Ihanda mo ang eroplano at pupunta tayo sa Section 11. " Wika ng Heneral.
.
.
To be Continue..
.
.
Up next Quarter 4 of Chapter 7..
.

.
.
.

.
.

.
.

.
.

.
.

.
.

.
.

.
.

.

ZOMBIE UNIVERSITY (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon