Chapter 4

1.7K 34 1
                                    


HINDI niya sinunod ang sinabi ng binata kagabi. Natulog parin siya sa guest room. Paggising niya, nagtungo kaagad siya sa kusina para uminom ng tubig. Nadatnan naman niya roon ang mayordora ng mansion.

"Magandang umaga Señorita Thearha. Kakain ka na ba?" Umiling ito sa sinabi ng mayordora.


"Hindi pa ho manang. Iinom lang ako ng tubig," Kaagad naman siyang inabutan ng tubig ng mayordora. Ngumiti ito. "Salamat manang."


"Wala yun Señorita." At nagpatuloy na sa gawain ang mayordora. Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay linagay na niya ito sa lababo at nagdesisyon na lumabas muna sa loob ng Mansion. Pangalawang araw na niya ngayon sa Mansion ng mga Phantom.



Naglakad lakad sya sa kalsada papuntang gate ng Mansion. Naaaliw naman siya sa mga nadadaanan niya dahil sa mga bulaklak na namumulaklak sa paligid. Talagang mayaman ang pamilyang ito, pati mga bulaklak sa mansion nila mamahalin lahat at espesyal. And of course pati ang mga punong kahoy na bukod sa magaganda ang kurba ay iba't iba pa ang kulay ng dahon. Paano naman nila nagagawa yun samantalang nasa Pilipinas lang naman sila? Well, Phantom family really that rich that even theimposible things ay kaya nilang gawing posible. Awesome.



May nakasalubong siyang hardinero at inabutan siya ng bulalak. Nagpasalamat ito at tinuloy ang paglalakad. Dahil sa kagandahan ng paligid, hindi niya napansing may dadaan palang sasakyan, nasa gitna pa naman siya at muntik ng mabangga. Narinig niya ang malakas na mura ng nagmamaneho at tinigil ang sasakyan.



"Sorry," Kasalanan naman niya talaga kaya dapat lang siyang humingi ng tawad. Lumabas naman ang nagmamaneho. Fudge! Ang gwapo! Blue eyed man. Cool!



"It's okay," Pagkuwan parang pinag aaralan siya ng lalake at ngumiti. "He has a good choice," Hindi niya maintindihan ang lalake kaya tumaas ang isa nitong kilay. The man with blue eyes chuckled. "You're Brix Phantom's soon-to-be-wife right?"


Tumango ito kahit na hindi sigurado. "Yeah"


"Hi. I'm Thunder Sharklinton," Inabot nito ang kamay, she shake her hand with him. "One of Brix friends."


She smiled. "Thearha Venecia."



Tumango ang lalake. Hindi ito nagtanong kung kayat nasisiguro niyang maaaring kilala na siya ng binatang may asul na mata. "So may pupuntahan ka ba beautiful?"



Umiling ito."Wala. Maaga pa naman e kaya naglakad lakad muna ako." Ayaw niya talagang nagkukulong sa mansion nila. Nakakabagot kaya.



"Right! Maaga nga pa pala. Sh*t. Gising na ba si Brix?"



"Hindi ko alam." Kibit balikat niyang sabi. Ano bang pakialam niya roon? Tsk. "Hindi ko pa naman siya nakita kanina sa labas," Tumango ang lalake at tumingin ito sa cellphone niya, pagkuwan tumingin ito sa mansion. Tumaas ang kilay nito ng dali daling nagpaalam na mauna na daw sa mansion. Tumango lang ito at pinagpatuloy ang paglalakad.


Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon