Chapter 13

1.2K 40 0
                                    


"GOOD MORNING Señorita. Hinihintay ka po ni señorito sa kusina. Sabay daw ho kayong kumain."

Kaagad naman siyang bumangon at nagtungo sa bathroom para maghilamos at magmumog. Humarap siya sa salamin, she brush her hair at ngumiti sa salamin bago binuksan ang pintuan.

"Salamat ho manang," Nakangiti niyang tugon sa kasambahay at nagtungo na siya sa baba deretso kaagad sa kusina.

Mas lalong lumapad ang ngiti nito ng makita ang binata na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Hindi nga rin makapaniwala ang mga kasambahay na nakatingin sa kanya e. Sino ba naman kasi ang maniniwala na ang isang Brix Phantom ay alam palang gawin ang bagay na ganun.

"Hey my innocent princess. Kain na tayo," Tumango lang siya saka lumapit sa binata. Hinila ni brix ang upuan at doon siya umupo. So, gentleman na pala siya ngayon? Napangiti na lamang siya. "What do you want for drinks? Juice, wine or water?"

"Ikaw sana..."

Sht!

"H-huh?"

Hindi niya yun narinig? Buti nalang.

Tumikhim siya. "Juice please."

"Right away," Ano kayang nangyari kay brix at sobrang sweet ngayon ng binata. "Here."

"Thank you," Nakangiting sabi nito. "Kain ka na rin," Tumango lang ang binata at sabay silang kumain.

Actually, hindi sila tahimik na kumakain kundi nagkwekwentuhan sila tungkol sa mga nakakatawang karanasan nila noon.

"Talaga?" Natatawang tanong ni brix sa kanya.

Kaagad itong tumango."Oo. Di'ba inutusan kasi siya ni sirena na kumuha ng mop. Pagbalik niya, basang basa na ang damit niya. Tapos tinanong namin kung anong nangyari. Sinabi niyang nadulas daw siya, Naibuhos ang tubig sa kanya at napahalik pa sa sahig," Kwento niya. Noong highschool sila ng mangyari yun. Nakakatawa talaga ang itsura noon ni sky, parang batang sisiw. "He even told us na yun daw ang first kiss niya. Haha!" They both laugh pero siya ang unang tumigil at tiningnan ang binata na tumatawa. Napangiti na lang ito. Ang gwapo talaga ng lalaking to.

After breakfast dinala siya ni brix sa labas ng mansion.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong niya.

Ngumiti lang si brix at bigla siya nitong linagyan ng blindfold sa mata. Nataranta ito pero kaagad namang hinawakan ni brix ang kamay nito. Kumalma ang katawan niya pero ang puso naman nito ang hindi mapakali at natataranta. "Relax. Surprise ko ito sayo kaya naman pinaghandaan ko ng mabuti. Baka kasi maulit na naman ang nangyari noon," Hindi na siya nagkomento at sumunod lang sa binata na hinihila siya.

Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon