Chapter 2

1.8K 42 0
                                    


"MANINIRAHAN ka na sa Phantom Mansion mula ngayon."


Parang isang bomba na sumabog ang mga katagang iyon ng kanyang ama sa ulo niya. Mas malakas pa sa bombang plinanta niya sa huling pinasabog na building. Ang dahilan ng lahat ng ito! Pagkatapos nitong ipakilala si brix phantom sa kanya ay ipapamigay na niya ito kaagad sa taong yun? The heck!

"What? Dad ano bang---" Magpo protesta pa sana ito ng putulin iyun ng ama.

"Thearha anak, magiging Mrs. Phantom ka na pagkatapos ng isang buwan at diba nga may isang buwan kayo para kilalanin ang isa't isa ni Brix? Kaya ka maninirahan sa Mansion nila ay dahil kailangan niyong maging malapit sa isa't isa para naman hindi kayo maging mailap kapag mag asawa na kayo," She actually felt her cheeks blush when she heard the thing 'mag asawa'.

But hey! Hindi siya pwedeng madala sa kagwapuhan ng nilalang na iyon. Kailangan niyang malaman kung bakit ganun na lang siyang kabilis ipamigay ng kanyang ama sa taong yun!

Tumikhim ito. "Bakit ko nga ba kailangang pakasalan ang brix Phantom na yun dad?"

Is that because he is a Phantom? Who cares if he's a Phantom?

Naging seryoso ang mukha ng ama pagkuwan may inabot sa kanya na red folder. Nanlaki ang mata nito ng buklatin at mabasa niya ang linalaman ng folder.

"Ang kabaliwang ginawa mo 3 weeks ago. They owned that shipping building you actually bombed my daughter. Kung nag-isip ka sana ng matino edi hindi ka sana nila namukhaan. God thearha, you graduated as a sumacumlaude when you're college like Brix Phantom pero hindi mo naisip na itago ng mabuti ang mukha mo? They have so many high technologies who can easily trace the mask you use in that day. Yes, it's already that high-tech mask but still wala kang maitatago dahil puro magagaling ang mga tauhan ng shipping building na yun na pagmamay ari ng Phantom family. Bryne was really, really mad at you pero nagkasundo kaming ipakasal nalang kita sa nag-iisa niyang anak na si brix Phantom para hindi ka niya patayin. Kinakatakutan din sila thearha at hamak na mas malakas at mas makapangyarihan sila kaysa sa atin. Now don't blame me dahil ikaw rin lang naman ang dahilan kung bakit ka magpapakasal ngayon."

Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon