Chapter 18

1.3K 37 0
                                    


NAKA KUNOT ang noo ni Thearha pagkatapos niyang nakausap si Sky sa kabilang linya. Binalita lang naman ng kaibigan niya na patay na daw lahat ng nasa grupo ni damon pati narin ang leader nila. Sino naman ang papatay sa kanila? F*ck! Walang puso ang gumawa non. Damn it!


Pero diba yun naman ang gusto niya? Dapat pa nga magpasalamat pa siya doon e. Pero sino ba talaga ang gumawa nun? Tatakutin lang naman sana niya ang grupo yun at hindi papatayin for pete'sake. Fudge its making her head hurt.


Maglalakad na sana sya palabas ng guest room kaso may nakita siyang ipis. Kinuha niya ang slipper at inihandang patayin na sana ng bumukas ang pinto.


It was brix. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa hawak niya na slipper.


"May ipis kanina. Papatayin ko sana kaso"


"Nasaan?" Natawa siya sa reaksyon ng binata. Nanginginig ito na tila ba takot na takot.



"Wala na. Nakatakas," Anya. Sayang! Edi sana nakapatay na siya ngayon ng ipis for the first time.



"Damn, bakit may ipis dito sa mansion?"


She rolled her eyes. "Ganyan talaga. Ayaw mo man pero hindi naman maiiwasan ang mga ipis e. Kahit gaano pa kalinis ang lugar."


"I hate cochraches," Ngiwi nito. She knew kaya nga natatawa ito e. "By the way, wala kang pupuntahan, baby?" Kinikilig siya sa hindi malaman na dahilan. Ang weird naman nun.

Napaisip ito. Kailangan niyang imbistigahan ang nangyari sa grupo ni damon. "Meron. Bakit?"

"Meron din akong pupuntahan e. Saan ka ba pupunta? Ihahatid na kita roon."

Kumunot ang noo nito. Saan na naman pupunta ang binata? "Ahm... Sa mall ako pupunta. Wag mo nalang akong ihatid, kaya ko naman," Kailangan niyang magsinungaling.

"Sa mall? May bibilhin ka ba?"

"Ahm..." Napaisip ito. Baka magduda ang binata kapag umuwi siya at walang dalang pinamili. Arghh! Nandito pa kaya si sirena sa Pilipinas? Baka nasa Singapore ang kaibigan niyang yun. "...Oo. Magsho-shopping ako ng..." Ano naman ang bibilhin niya? "... Ahm bago kung damit," Napakamot siya ng batok. Ang dami na kaya niyang damit.

"Okay. Isama mo ang dalawang guards sa labas—"

"Wag na," Pigil niya dito. Kumunot ang noo ng binata. "Kaya ko na ang sarili ko."

"No. Hindi pa gumagaling yang sugat mo sa balikat. You can't drive and carry shopping bags," Puno ng pag-aalala ang boses ng binata. Huminga lang siya ng malalim. Medyo ginalaw niya ang balikat at pinakiramdaman. Masakit pero kaya pa naman niyang mag drive e. "Told you baby. Mahihirapan ka at baka dumugo yang sugat mo."

Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon