Chapter 24

1.1K 31 0
                                    


AFTER two weeks, magaling na ang sugat niya. Sinunod naman niya lahat ng sinabi ng doctor kaya kaagad siyang gumaling. Nasa terrace siya ngayon habang dinadamdam ng balat niya ang lamig ng dulot ng hangin. Talagang masarap magbakasyon sa Baguio, gustong gusto niya ang malamig na ihip ng hangin.




Medyo malayo ang bahay bakasyunan nila brix sa main city ng baguio, halos nasa kagubatan na sila dahil puro pine trees ang nakapalibot sa bahay.




"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap e." Liningon niya si brix.




Hindi parin nagbabago ang nararamdaman niya para sa binata. Mas lalo ngang lumalim e, dahil hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya nito sa dalawang linggo na pananatili nila sa baguio.




"Bakit?" Lumapit sa kanya ang binata at tumingin din sa paligid.




"Gusto mong mamasyal?"



"Saan?" Binalik ng binata ang tingin sa kanya.



"Kung saan mo gusto," Nakangiti pa nitong sabi.




"Ahmm..." Umiwas siya ng tingin. "... Gusto kung puntahan yung strawberry farm dito sa baguio. Tapos bumili tayo para may makain dito sa bahay."





"Sige. Magbihis na tayo kung ganun," Hindi siya makapaniwalang tumingin sa binata. "Bakit, baby?"




"Pupunta talaga tayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.




He nodded. "Yeah, di'ba gusto mong pumunta roon?"




"Pero akala ko kasi..." Napatigil ito. "Seryoso ka talaga?"





"Oo nga," Natatawa niyang sabi. "Tara na sa loob. Ang lamig dito e." Inakbayan siya nito papasok sa loob. "Malamig sa Baguio baby."





Natawa lang ito. Alam niya kasi ang ibig sabihin nito, hindi siya dapat magdamit ng mga maninipis o di kaya naman sexy kumbaga. Napailing nalang ito. "Alam ko." Tinanggal niya ang braso ng binata sa balikat at nagtungo sa nag-iisang kwarto. "Mauuna na akong maligo."




"Pwede namang sabay tayo baby e—"



"Ayoko nga," Natatawang sabi nito bago pumasok sa kwarto at ini lock yun.




Pagkatapos niyang maligo, nagbihis kaagad s'ya. Maginaw nga sa Baguio kaya dapat balot na balot siya ng damit na makapal. Parang winter feels lang e.




Lumabas na siya. At sumunod naman ang binata, binuksan na muna niya ang TV para manood. Sakto namang mukha kaagad ni Laura ang lumabas sa malaking flat screen ng TV. Naningkit ang mata nito.



May telenovela pala ang kunong artista. Umikot nalang ang mata niya habang nanonood. Habang pinapanood ang bidang babae which is Laura, parang gusto niyang matawa sa acting ng bruha. Ang lamya, nakakahiya naman. Magaling pala ah? Asan? Tsk! Dahil ang boring panoorin, iniba niya ang channel. Mahal na mahal talaga niya ang Disney Channel, pero nalungkot kaagad siya dahil pati ang Disney Channel hindi siya mahal kagaya ni brix. Parang gusto niyang umiyak.




"Let's go, baby." Tumango lang siya at sinara na ang TV. "Anong pinanood mo?"





"Wala. Nakita ko lang yung mukha ng ex mo. Ang lamya um-acting, akala mo naman pang best actress. Pwe, pang trash actress kamo." Hindi niya alam pero nangigigil siya sa bruhang yun.




Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon