Chapter 39

935 34 0
                                    


REUNION nilang magkakaibigan ngayon, isang taon na mula ng mabuo ang pagkakaibigan nila, nang mga kaibigan ni brix at kaibigan niya at isang taon na rin silang magkasintahan ni brix. Nasa isa silang parke kung saan hanggang gabi sila rito para makapanood ng fireworks display na magaganap ngayong taon. They're all excited. Lalo na siya, hindi pa kasi siya nakakapanood ng fireworks display dito sa pilipinas e kaya nga sobrang excited na siya lalo na't hindi lang niya kasama ang mga kaibigan kundi kasama rin niya ang lalakeng minamahal.


"My love paabot naman ng orange."

"Here my love, catch." Kaagad namang sinalo ni Zee ang orange na binato ni Irish.

"Thanks my love."

"Always for my love."


"Kayong dalawa, kanina pa kayo ah. Magsitigil nga kayo, pwede? Sinasaktan niyo ang ego ko dahil ako lang ang tila walang gustong magseryoso dito sa grupo e." Lumabi pang sabi ni rocky. "Hayst, hirap talaga kapag gwapo." Napailing siya sa sinabi nito. Gwapo nga, mahangin naman. Sobra pa nga e.


Napakamot batok nalang ang dalawang magkasintahan dahil sa sinabi ni rocky pagkuwan si Kevin ang sumagot.


"Casanova ka kasi kaya wag ka ng umasa. Kahit magseryoso ka pa, wala ng babaeng magkakagusto sayo."


Mas lalong humaba ang nguso ni rocky. Natawa siya, ang cute. "Bad ka Kevin! Bad ka! Kapag ako nagka girlfriend, sasapakin talaga kita."


"Asa!" Tapos tumawa pa ang loko at halatang iniinis si rocky na ang haba na ng nguso ngayon.


"Inggit ka lang. Mas gwapo kasi ako kaysa sayo altavar!"


Mas lalong lumakas ang tawa ni Kevin. "Gising na Fuentes. Hapon na o, " Anyang iniinis talaga si rocky.


"Tigil! Para kayong mga bata." Awat sa kanila ni thunder. Sabay pa ang dalawang binata na tumingin ng masama kay thunder na nakakunot ang noo dahil sa ginawa nila. "Ayaw niyong masabihan? Baka gusto niyong sapakan?"


"Wag na Sharklinton. Baka magasgasan pa ang charm mo at tuluyan ka ng takbuhan ng mga babae. Sayang naman, may maliit na konsensya pa naman akong natitira kahit papaano," Sabi ni rocky at bago kumuha ng grapes.


"Sorry dude, next time ka nalang mag-aya ng sapakan. Kapag badtrip ako dahil hindi ako binalikan ng mga pasahero ng airport airplanes ko, okay?" Sabi naman ni Kevin at tinapik tapik pa ang balikat ni thunder na malalim ang kunot ng noo.


"The hell? Mga baliw talaga kayong dalawa," Sabi nito kina rocky at Kevin na tumawa lang dahil sa sinabi niya. "Baliw talaga e." Tuloy pa niya.

"Sirena, kailan ka ulit magta-travel?" Tanong ni sky sa dalaga.


"Break nga muna ako diba sky? Ayaw mo lang ata akong patirahin sa condo mo e." Inirapan ni sirena si sky na nakakamot batok lang.

"Hindi naman sa ganun. Basta wag mo na ulit papakialaman ang mga private things ko, okay? Baka bigla ka nalang matintahan diyan e."

Kumunot ang noo ni sirena. "Ako? Matitintahan? Nang ano?"


Natawa ang boys. Hindi naman nila alam na mga babae kung bakit tumatawa ang mga lalake kaya siniko niya si brix na nakayakap sa kanyang likuran ngayon. "Why my baby?"

"Bakit kayo tumatawa?" Curious na tanong niya.

"Innocent spotted," Anyang nakangiting sabi ni sky.

Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon