Chapter 37

1K 36 6
                                    


MASAYA si Thearha dahil ng maka-uwi siya ng pilipinas ay kaagad na sinabi ng kanyang ina na maayos na ang kalagayan ng papa niya at hindi lang yun, masaya rin siya para sa kaibigan na si Irish dahil nagkabalikan na ulit sila ni Zee. Mag ex pala sila dati pero sila na ulit ngayon.

Nasa mansion sila ngayon ni Zee, magpapa-party daw dahil nga sa nagkabalikan na sila ulit.

"Beautiful, pwedeng makiupo?" Tanong sa kanya ni thunder. Tumango lang siya at ngumiti. "Thanks. Uuwi na pala bukas si brix."

"Yeah." Tumango pa siya. "Ahm, thunder pwedeng magtanong?"

"Sure beautiful, ano ba yun?" Nakangiting tanong ng binata.


"Naging seryoso ba naman si brix noong naging sila ni Laura?" Curious na tanong niya.


"Hindi pa naging seryoso si brix sa buong buhay niya beautiful, and they doesn't had a serious relationship that day. Brix told me that it was all lie. Ask those moron beautiful and I'm sure that they will be also say what just I said earlier." Tinuro pa ni thunder ang mga kaibigan niyang nagsisimula na ngayong uminom ng alak.


"Bakit naman hindi siya naging seryoso? Di'ba nasabi namang totoo ang relasyon nilang dalawa?" Yun ang sinabi ng chismosang Google. And by the way, hindi niya maintindihan kung bakit nagtatanong pa siya ng mga ganitong bagay samantalang nakapagpaliwanag naman na sa kanya si brix.


"Like I said beautiful, hindi pa naging seryoso si brix noon. Ginawa lang daw niya ang gustong gawin noon ni Laura dahil sa ama at ina nito. He cares for Laura's parents, mabait daw kasi sila sa kanya kaya naman hindi niya gustong maupay sila sa kanya. But, he doesn't want to lie kaya naman nakipag-hiwalay siya kay Laura kahit na masakit ang loob ng parents ng babae. Ayaw niya kasing may kumukontrol sa buhay niya kaya naman iniwan na niya si Laura." Tumingin si thunder sa kanya. "Yun ang alam ko beautiful."


Tumango lang siya sa sinabi ni thunder at kinuha ang isang bote ng beer sa lamesa. "Cheers." Tinaas niya ang bote at nakipag cheers kay thunder na may hawak na baso at may laman yon na alak. Hindi s'ya maglalasing ngayon, ayaw niyang maglasing.


"Beer lang sayo princesa? Meron akong rum dito." Tinaas pa ni sirena ang isang bote ng rum.


Umiling siya. "No, beer is fine."

"Are you sure, princesa?"

Tumango siya. "Yeah." Tinaas niya ang hawak na bote. "Cheers!"

"Hey princess," Tumingin siya kay sky na may hawak na dalawang baso. "Here." Inabot niya ang isang baso. "That is a beer princess, don't worry."

Tumango lang siya bago kinuha ang baso. Binaba niya ang hawak na bote ng beer at yung baso nalang ang ininom. "Thanks sky."

"Always my princess."

"Kung hindi ko lang alam na magkaibigan kayong dalawa, baka matagal ko ng inisip na magkasintahan kayo e," Sabi ni Kevin bago tumungo ng alak.

"Sweet lang talaga silang dalawa." Nakangiting sabi naman ni Irish. "Diba nga, Queen at King kayo noong college? Ang sweet niyo noon." Parang nakikilig pang tuloy nito.

Napamura naman si Rocky. "Kapag nalaman ito ni brix, paniguradong magwawala yun." Tapos tumawa ito pagkatapos.

"Kaya nga, masyadong possessive ang loko. Akala mo naman kung pagmamay-ari na niya si honeybee e," Sabat naman ni Zee saka siya kinindatan na kaagad namang siniko ni Irish. "Relax my love, ikaw lang ang mahal ko. Kaya wag kang magselos sa kaibigan mo."

Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon