Chapter 20

1.2K 36 0
                                    

Continuation:)

PAGKATAPOS nilang umalis ni brix sa hospital ay nagtungo sila sa isang mall. May bibilhin daw ang binata. Habang naglalakad sila, parang sinusuri siya ng mga taong nalalampasan niya. Bakit? Anong meron? May mali ba sa kanya?



"Uyy tingnan niyo oh. May kasamang babae si Brix."

"Maganda naman siya. Sino ba yan?"

"Mukhang pera lang din siguro yan. Mayaman kasi ang mga Phantom e. Kaya for sure, pera lang talaga ang habol niyan sa binata."

"Mukha namang desente si girl e. Mas bet ko sya kesa yung mga naging kasama na babae noon ni brix."

"Mas gusto ko parin si Lauraine para kay brix no. Mas bagay sila!"

"Medyo singkit si girl. May lahi ba yang chinese?"

"Ayy, kung ganun fake yan, made in China e. Ha-ha-ha."

"Ang swerte naman niya. Magkaholding hands pa sila ni brix!"

"Nakakagulat no. Nakita natin ang isang multi-billionaire sa mall. Diba walang kahilig hilig yan sa mga ganitong lugar?"

"Omygosh, nakaka teenager feels naman ako. Nakakakilig sila!"


"Don't mind them, baby." Pinisil pa ni brix ang kamay niya saka nginitian. Mas lalong hindi makapaniwala ang mga nakatingin sa kanila. Yung iba, nakikilig yung iba naman, sarap lang dukutin ang mata dahil sa matatalim na tingin. She remembered, parang noong highschool at college lang. Palaging may nang aaway na mga babae sa kanila noon ni sirena sa campus dahil kasama nila ang dalawang hearthrob kuno noon na sina sky at storm. Mga pa fame lang e. Duhh!

Tumango lang siya sa binata. Hanggang sa makarating sila sa isang clothes shop, mamimili ba ng bagong damit ang binata?

"Pumili ka ng damit mo para sa pupuntahan natin mamaya. Not too much sexy, dapat below the knee, natatakpan ang cleavage or whatsoever part in your front, not too much skinny, not tempting cloth, not-"

Inirapan niya ang binata. "Ikaw nalang kaya ang pumili?"

Tumawa si brix ng mahina."Silly. Sige na, pumili ka na. Remember what I said okay?"

She just rolled her eyes at tinalikuran ang binata. Marami na siyang damit, pero gusto niyang mag shopping ngayon so...bibilhin niya lahat ng gusto niya. Haha! Kala siguro ng brix na yun. Pst!

Habang pumipili siya ng damit, pasulyap sulyap siya kay brix na ngayon ay kausap na ang isang sales lady. Naningkit kaagad ang mata nito ng nakitang sobrang kilig na kilig ang malanding saleslady. Palibhasa, may kunting ganda lang e lumandi na kaagad.

Lumapit siya sa dalawa at kinalawit ang kamay sa braso ni brix. Inirapan siya ng babae, she gave her a death glare.

"Hey bitch, stop flirting with my fiance. Know your standard first. I'm warning you bitch, stay away before you taste your own blood," Pagbabanta niya. She's calming herself not to punch this flirt woman in front of her.

"Your fiance? Wow! Big word! Ang kapal naman ng mukha mo."

Palihim na kumuyom ang kamay niya. Don't try me bitch, or you'll really taste the blood of yours.

"Hindi naman ako immature para patulan ang isang saleslady. Pero dahil mabilis mawala ang pasensya ko..." Naniningkit ang mata nitong tumingin sa babae."...mawawalan ka ng trabaho!"

Sht! Immaturity pala yun. Hays. But seriously, she can do that. Ewan niya pero mas bumilis ang pagkawala ng pasensya niya mula ng makilala niya si brix.

Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon