Chapter 34

987 36 4
                                    


"NI HAO princess Thearha, it's nice to see you again here in China," Nakangiting sabi ng pinakamataas na tao sa China. Ang hari!


Ngumiti siya pabalik. "It's nice to see you too again King Lenard." Hindi siya yumuko, hindi niya ginagawa ang bagay na yun. Tumingin siya sa reynang asawa. "Ni hao, queen Iana."


"Ni hao tai, princess," Nakangiting anya ng reyna. "Sorry if we rush here. We just wanted to see you so bad princess."


"It's okay queen Iana, I understand." Alam niya ang sadya ng mag asawang kamahalan sa kanya. Alam niyang, tungkol na naman sa kanila ni light. F*ck! Kararating pa lamang niya rito sa China pero ito na kaagad ang sumalubong sa kanya. Tsk! Paniguradong hindi na naman sinunod ng mama niya ang sinabi ng ama nito. Tsk.


"By the way princess, we need to see your mother and have some private talk," Anya ng hari.


Tumango lang siya. "She's on the palace terrace," Tiningnan niya ang guard na nasa gilid. "Han, lead them the way to my mother."


"Yes princess. Just follow me, king and queen." Tumango lang ang dalawang kamahalan at sumunod na sa inutusan.


Napagpasyahan niyang lumabas muna ng palasyo. Tumingin sa malawak na kapaligiran na binabalot ng malalaking semento sa paligid. Napangiti nalang siya ng maalala ang nakababatang kapatid na si thamarah. Namimiss na naman niya ang sumakabilang buhay na prinsesa.


Lumabas siya ng malaking gate, nagtungo sa bayan. Habang nandoon siya, hindi niya maiwasang hindi mailang sa mga taong yumuyukod para sa kanya. Ngumiti lang siya.


Natigilan siya ng may pamilyar na kotse na tumigil sa harapan niya. Tatakbo na sana siya pero huli na ng may humawak sa braso niya na nagpatibok ng malakas sa puso niya. F*ck, hindi parin nagbabago ang nararamdaman niya sa binatang ito.


"Baby, usap tayo." Nanatili siyang walang imik. Parang gusto niyang umiyak. Bakit ba siya sinundan ni brix dito sa China? Tinotoo ba talaga niya ang sinabi nito sa Korea? "Please. Baby."


Pinikit niya ang mata. Pagmulat niya, doon lang niya natagpuan ang sarili na binabaklas na pala niya ang kamay ng binata na nakahawak sa braso niya. Humarap siya dito, na sana hindi nalang niya ginawa dahil sa paglingon niya, parang sasabog sa ere ang puso niya dahil sa lakas ng tibok nito. Nakalaya na kasi ito sa hawla kaya naman malaya na ngayon na tumibok para sa binatang kaharap.



Umiwas siya ng tingin. "Ano pang sasabihin mo brix?" She tried to be brave, para salubungin ang mata ng binata.


"Di'ba sinabi ko sayong pupuntahan kita rito?"


Tumango siya. "Oh Right! So anong dahilan mo kaya dapat kitang bigyan ng pagkakataon para magpaliwanag tungkol sa kasal mo sa babaeng yun?"


"Listen. About Laura-"


Kaagad niya iyung pinutol. " Wait, no need to talk to me if that bitch will be the our main topic." Lumayo siya ng kaunti sa binata.


"What? Why? I thought you want me to explain about her?" Naguguluhan na tanong sa kanya ni brix.



Huminga siya ng malalim."Why do you want to talk to me? Para ipamukha sa akin na pinaglaruan mo lang ako? Na ginamit mo lang ako? God brix, bakit hindi mo nalang tinapos ang lahat ng ito ng nasa Korea pa tayo?" Nagtitigas bagang na tanong niya.



"No. Hindi kita pinaglaruan, damn it." Seryosong sabi nito. "At di'ba nga ayaw mo akong pagpaliwanagin sa Korea kasi ayaw mo ng mabanggit ang tungkol doon? Damn! I'm here now to explain. The truth. No lies, just the f*cking truth."


Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon