Chapter 23

1.1K 34 0
                                    


KAUSAP ngayon ni brix si Zee tungkol sa bumaril kay thearha. And yes, damn it! He's so furious and ready to kill those motherfuckers one by one!

"Mga mafia's sila dude, Harold Salmon ang pangalan ng leader nila. Siya ang bumaril kay thearha. As I investigate their group, Meron akong nalaman tungkol sa leader nila. Kaklase siya ni thearha noon sa college, first year sila nagkaklase. Napagtripan ni honeybee—este Thearha ang mga ari arian niya kaya naman siguro naghiganti siya. Thearha's brother already arrested them, not just because of what they did but because they are also buying and using drugs, marijuana and guns." Biglang napailing si Zee "Kakaiba ang kuya niya, hindi niya kayo inaaresto samantalang mas grabe naman kayo kaysa sa mga yun. Anyways dude, wag ka ng mag alala dahil nasa kulungan na ang mga yun. Hindi ko na sasabihin ang buong impormasyon tungkol sa kanila dahil may gagawin pa akong mas importante."

"Hindi sapat ang makulong lang sila. Papatayin ko ang bumaril kay thearha!" Galit na galit siya. Walang may karapatang na saktan ang baby niya. Kung nagawa niyang patayin ang mga gangster na yun noon, pwes mas kaya niyang patayin ang mga mafia na yun dahil mas mabigat ang ginawa ng leader nila. F*ck, he'll kill those assholes.

"Relax Phantom, habang buhay naman silang makukulong e. No need to kill them dahil madadagdagan na naman ang kasalanan mo sa mundo."

Ganun ganun lang? Hell no! "I'll kill those assholes. Wala akong paki-alam kung madadagdagan ang kasalanan ko. I am a demon anyway." Nangigigil talaga siya sa galit. Lalo na kapag naaalala niya ang natamong sugat ni Thearha.

"Relax Phantom. Naiintindihan naman kita, you're just concern but seriously, hindi ko inaasahan na ganyan ka pala kapag concern. Ang baduy—" Matalim niyang tiningnan si zee. "Anyways, may tanong ako sayo. If you will kill those assholes, mawawala ba nun ang natamong sugat ni honeybee?"

Hindi siya umimik. "No! But I want them to meet hell in my own hand."

"Wait! Relax okay? I just want to clarify things, makukulong na sila habambuhay at kung ako ang tatanungin, mas mabuti ng makulong sila na nagdudusa kesa naman ang mamatay sila sa kamay ko. C'mon brix, hindi palaging pinapaburan ng mga police ang ginagawa mo. You can't just kill someone that you want because that person made you sin or to anyone that you love. Everyone deserves to change brix, hayaan mo lang sila para magbago at maisip ang mga kasalanang nagawa nila. Karma! That what others call that word! At sinasabi ko ito sayo brix, wala kang karapatan na pumatay kasi hindi ikaw ang gumawa sa mga tao, hindi kailanman nasabi na pwede kang pumatay ng kapwa mo."

Tumango lang siya. "Ang daming mong sinabi. Makakaalis ka na."

"Kumusta na nga pala si honeybee?"

Nagdilim kaagad ang mata nito. "She's okay and don't call her by that endearment again or else I'll throttle your neck."

Tumawa lang si Zee. "Whatever Phantom. Pa-kumusta mo nalang ako. Sabihin mong namimiss ko na siya. Bye." At nawala na sa harapan ang kaibigan na yun.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto ni thearha dito sa hospital. Nakita niyang tulala lang ang dalaga habang nakatingin sa kisame.

"Gusto mong kumain ng prutas? May prutas diyan sa basket. Kabibili ko lang kanina." Lumapit siya doon sa lamesa at tiningnan ang mga prutas. "Babalatan ko na para sayo." Wala paring imik ang dalaga kaya kinuha nalang niya ang saging at binigay yun kay thearha.

"Hindi ako gutom." Binalik niya sa basket ang saging at umupo sa upuan malapit sa dalaga.

"Anong gusto mo? Ikukuha kita kahit na ano."

Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon