Chapter 5

1.5K 38 0
                                    


PAGKATAPOS niyang iwan si Brix sa hapag-kainan ay nagtungo kaagad siya sa guest room na tinutuluyan niya at ni-lock ang pintuan. Pumunta siya sa terrace ng guest room at tinaas ang kamay para damhin ang ulan. May silong naman kasi ang terrace kaya hindi siya nababasa.


Totoo ang sinabi niya kay brix. Hindi pa niya nararanasan kung anong feeling na maligo sa gitna ng malakas na ulan. Noong bata siya, inggit na inggit siya sa mga katulad niyang bata dahil pinapayagan sila ng mga magulang nila para maligo sa ulan samantalang siya, nakakulong lang sa malaki at maluwag na kwarto habang pinapanood ang mga bata.


Palaging ginigiit ng kanyang ina na ang isang katulad niya ay hindi dapat naliligo sa ulan. Ano bang mali sa ulan? Wala naman diba? Actually, kahit hindi niya naranasan ang maligo noong bata siya mula ngayon, alam niya na masaya ang maligo sa ulan.


Napalingon siya sa pintuan ng may kumatok. Hindi niya sana iyon papansinin ng marinig ang boses ng binata. Ano naman ang kailangan niya? Ang totoo niyan, wala naman siyang balak na lokohin ang binata dahil sa takot siya sa ulan e kundi dahil gusto niya itong makasama habang naliligo sa gitna ng ulan. Masaya kaya ang may kasama. Mas mae-enjoy mo pa!


Pinagbuksan niya ito at kaagad na tumaas ng kilay. "Anong kailangan mo Mr. Phantom?" Ayaw niyang magpaka plastik kaya hindi talaga siya ngingiti dahil ang totoo nyan ay naiinis siya sa binata. Kainis. Ano ba namang fear ang meron siya? Hindi naman siya papatayin ng ulan e. Duhh! Ang arte lang?

"Gusto mong maligo sa ulan diba?"

Nagliwanag ang kanyang mukha kaya tumango ito kaagad. "Oo." Pero mabilis niyang kinontrol ang kanyang nararamdaman. Kailangan niyang ipakita sa binata na hindi siya interesado kahit na ang totoo ay masayang masaya siya sa binanggit nito. "Ano naman ngayon sayo? Sasabihin mong takot ka sa ulan—"


"Pinalaki ako ng mama ko na maging totoo sa lahat ng bagay," Weeehhhh? "Kaya oo, takot ako sa ulan. Masaya ka na?" He actually said it? Woah! Honest nga ang lalakeng ito ah. "Pero dahil gusto mong maligo sa ulan. Fine, sasamahan kita," Nanlaki ang mata nitong tinignan ng maigi ang binata.


"Talaga? Totoo? Bakit?" Gulat parin ito. "Diba nga sabi mo... takot ka sa ulan?"


Tumango ang binata."Yeah pero ayoko namang sabihin mong maarte akong lalaki dahil takot ako sa ulan. I have my reason kung bakit ako takot sa pesteng... ulan na yan," Seryoso nitong sabi pagkuwan tumalikod na sa kanya. "Tara na sa labas bago pa tumigil ang ulan at magbago ang isip ko."


Kaagad siyang sumunod. Yieh! Excited much! Nang nasa labas na sila ng pintuan ay hindi naman sila masyadong nababasa dahil may kaunting silong na fiber glass sa tuktok.


"Tara!" Hinila niya si brix sa gitna ng damuhan at napahagikgik ito na parang bata. Nang hindi gumalaw si brix sa kinatatayuan niya kiniliti niya ito dahilan para tumingin ito sa kanya. Binelatan niya ito at tumakbo. "Habulin mo ako Mr. Phantom!" Natatawa niyang sabi. Nang lumingon siya sa likod niya at hinahabol na nga siya ni brix! Tawa lang sila ng tawa na parang bata na naglalaro. Naiisip nilang pareho, ganun pala kasarap maligo sa gitna ng malakas na ulan. "Takbo pa Mr. Phantom. Habulin mo ako!"

May nakita siyang kahoy na malaki sa hindi kalayuan. Tinanggal niya ang pambahay na fliptop at tinago yun sa malapit sa isang red rose at nagtago sa malaking puno ng kahoy.

Medyo hindi siya nababasa at hinihingal ito habang nakasandal sa malaking puno. Lilingon na sana siya sa likod ng may pumangko sa kanya sa harap. Nanlaki ang mata nito ng makita si brix na hinihingal din katulad niya. Ang dalawa nitong kamay ay nasa magkabilang gilid niya!


Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon