Chapter 14

1.2K 31 0
                                    


"HEY brix. Laro tayo ng badminton sa labas?" Lumapit sa kanya si Thearha na may hawak na badminton.

"Saan mo yan nakuha?" Ang pagkaka alam niya. Walang ni isang badminton na binili niya sa buong buhay niya.

"Pinahiram nung anak ng isa niyong kasambahay diyan sa labas. So tara?" Nakangiting tanong ng dalaga. Tumango na lang ito at kinuha yung isang pares ng badminton.


Paglabas nila pasulyap sulyap siya sa langit, mukhang hindi maganda ang araw ngayon. Makulimlim kasi. Hapon na rin, Baka 3:00 pm na ganun ang oras ngayon.


They are both enjoying on playing a badminton hanggang sa narinig niya ang malakas na kalabog sa langit. F*ck! It's the thunder and... Tumingin siya sa langit... Fudge! Lightning.


"We should go inside. It's dangerous here," Anya. Mabilis niyang hinila ang dalaga papasok sa loob. Binitawan niya ito ng makapasok sila sa salas at iniwan muna ang dalaga doon. Nagtungo siya sa kwarto niya at sinara lahat ng bintana na meron siya, pati ang kurtina.

Humiga siya sa kama at nanginginig habang nakapikit. Kinumutan nito ang sarili. He hates the thunder and lightning. F*ck!

Napamura siya ng malakas ng biglang kumidlat at nagliwanag sa buong kwarto niya. F*ck! Natatakot siya.

Nakarinig siya ng katok pero hindi niya iyun pinansin. He needs to be alone. "Brix anong nangyayari diyan?" Nag aalala na tanong ng dalaga. Bahagyang napanatag ang loob niya. "Brix," Muling tawag sa kanya ng dalaga.


"Just leave me," Mahina niyang sambit pero alam niyang narinig yun ng dalaga. Hindi na niya narinig ang dalaga pero bumukas ang pinto. "Leave me-"


"I'm here. No need to be afraid," Naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Pakiramdaman niya, nawala ang takot niya dahil sa pagkakayakap sa kanya ng dalaga. "Mind if you tell me what's going on you?"

Bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Naaalala na naman niya ang mama nya. The car accident, his mother, and when she died. Napapikit siya ng marahan. Mommy!

"I-i...have a phobia on lightning and thunder," Nanginginig siya habang sinasabi yun. Hinagod hagod naman ng dalaga ang likod nito para patahanin. Noong bata siya, sa tuwing natatakot siya, ang mama nito ang nasa tabi niya para damayan siya. Sobrang nagpapasalamat siya ngayon dahil nasa tabi niya si Thearha, she's comforting him na kahit isa sa mga babae na dumaan sa buhay niya ay hindi nagawa.

"Hindi lang naman ikaw ang may phobia e. May phobia rin naman ako, elevator are my enemies when it comes on my phobia tapos nangyari pa yun noon sa kapatid ko na si thamarah kaya mas lalong lumala yung phobia ko. See? Pareho lang tayo," She's taping her arms now. Wala sa sariling napatango ito. "Natatakot ka parin?"

Hindi siya kumibo pero pinapakiramdaman niya ang sarili. Takot parin siya pero nabawasan yun dahil sa dalaga. "Medyo," Pag-aamin niya. Kahit kanino, hindi niya ipinakita ang lahat ng kahinaan niya mula ng nawala ang ina nito. Sa dalaga lang siya nagkakaganito ngayon. Si Thearha lang naman kasi ang nararamdaman niyang tunay na nag-aalala sa kalagayan niya e.

Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon