Chapter 16

1.2K 37 0
                                    


NAGISING si thearha ng marinig ang malakas na tunog ng cellphone niya. Hindi naman siya naglagay ng alarm kaya paniguradong tawag yun. When she looks at it. Ang dad niya ang tumatawag. Umupo ito at humikab bago sinagot ang tawag ng ama.

"Hey dad, what happened?" Kaagad niyang tanong sa ama.

"Nothing. Gusto lang kitang kumustahin kung ayos ka lang ba diyan."

"I'm fine dad. Nasa mansion ka ba?"

"No. Nandito ako sa China with your mom."

"Ano ang ginagawa niyo diyan?" Takang tanong niya.

"Sweetie, it's Thamarah's death anniversary."

"Oh!" Napatingin siya sa calendar at oo nga!"Pupunta ako—"

"No need sweetie. Just stay there. Kami na ang bahala ng mommy mo dito."

"Are you sure dad?" Paninigurado niya sa ama.

"Sure sweetie. Okay, I'll hang up now. Bye."

"Bye dad," When her father hang up. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Lumabas siya kaagad sa kwarto at tinungo ang kwarto ni brix pero wala doon ang binata. Kumunot ang noo nito, saan naman nagpunta ang lalakeng yun?

Bumaba siya sa salas at nakasalubong niya si manang flor. "Magandang umaga Señorita."

"Good morning din ho manang. Nakita niyo ho ba si Brix?"

"Kanina pa siya umalis Señorita, nagmamadali nga e mukhang may emergency ata."

"Ganun ho ba manang? Salamat ho," Nagtungo siya sa kwarto at kinuha ang susi ng nasasakyan niya at kaagad ding lumabas.

Pumunta siya sa garahe ng Mansion at kaagad na sumakay sa kotse. Pinaharurot niya hanggang sa tumigil sa gate lalabas ng mansion. "Hahanapin ko lang si brix," Tumango lang ang taga bukas ng gate at binuksan na ito. Mabilis na pinaharurot niya ang kotse.

She hack his phone to know where the hell that man pero hindi niya mahanap. Nakabukas nga pero hindi naman niya mahanap na para bang may sumasara non. Arghh!

Saan na niya hahanapin ngayon ang binata? Kamuntikan na siyang mapatili ng malakas ng may humarang na black van sa harap niya. Hindi maganda ang kutob nito kaya naman umatras siya pero naibangga lang ang likod ng kotse niya sa isa na namang black van sa likod. F*ck! She's now stuck!

Hindi na siya nagulat ng lumabas ang laman ng van sa harap niya. Lumapit ang mga ito sa kanya at kumatok sa bintana ng kotse niya. Hindi niya iyun binuksan pero binuksan niya ang pinto at hinarap ang mga armadong lalake.

Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon