Chapter 35

911 32 6
                                    


NAMUMUGTO ang mata ni Thearha dahil sa walang tigil sa kaiiyak. Hindi na niya alam ang gagawin niya, hindi na siya makapag-isip ng matino dahil sa nangyari. Basta, ang alam lang niya ngayon ay gusto niyang umiyak ng umiyak. God, why do this thing need to happen? Why?


"Ssshh. Tahan na princess." Pantatahan ni sky sa kanya habang si sirena naman ay hinahagod ang likod niya.


Hindi! Hindi dapat nangyari ito. Bakit kailangan? Nagkulang ba siya sa pananalangin sa panginoon? Ano na ang gagawin niya ngayon? Hindi niya talaga mapigilan na wag umiyak ng umiyak dahil sa nangyari.


Nakatingin lang siya sa mukha ng binata na mahimbing na mahimbing na natutulog ngayon sa hospital bed. Brix is in coma right now, na comatose siya dahil hindi nakayanan ng katawan niya ang poison na nagkalat na sa katawan niya noon. Halos isang linggo na ang binata ngayon dito sa China, at dahil nga sa na-coma ang binata ay may posibilidad na hindi na ito magising pa. Kaya nga, sobra na siyang nag-aalala at hindi na alam ang gagawin.



Bakit kailangang ma-comatose ang binata? Bakit? Humagulgol siya ng iyak habang yakap yakap ang sarili na nakaupo ngayon, malapit sa binata. Namumugto na ang mata niya, at pakiramdam niya wala ng ilalabas pa ang mata niya na luha pero hindi niya maiwasang hindi umiyak. Sobra siyang nag-aalala at natatakot para sa kaligtasan ng binatang mahal.



"Hindi naman siya mawawala, beautiful e. Trust him, lalaban siya lalo na't nahanap na niya ang katapat niya," Sabi naman ni thunder.


"Katapat?" Wala sa sariling tanong niya.


"Hindi pa niya nasabi, madame?" Tanong ni rocky.


Umiling siya. Walang sinabi sa kanya ang binata. Basta hindi niya maintindihan ang ibig ipahiwatig sa kanya ng binata noon huling nagkausap sila sa parke na yun.


"Darn that Phantom, torpe pala e," Natatawang sabi ni Kevin at umiling iling pa habang nakatingin kay brix.

"Malamang Altavar, ngayon lang niya naramdaman yun e. Hindi ba't walang puso iyang kaibigan natin na yan? Malamang magugulat siya, nagiging torpe dahil hindi alam ang gagawin," Seryoso namang sabi ni Zee. Napakaseryoso talaga ng lalakeng to.


Hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga kaibigan ni brix.


Bumukas ang pintuan, pumasok doon ang mag fiance na sina storm at Suzette, kasama ang kuya tyrone niya at ang kasintahan na si Abigail.


Huling pumasok si Irish na naging dahilan ng paniningkit ng mata ni Zee.



"Hey, long time no see Irish, kailan ka pa nandito sa China?" Takang tanong ni Kevin at pabaling baling ang tingin kina Zee at Irish.


"Ahm. Mag-iisang buwan na ako rito, Kevin." Anya ng dalaga bago umupo sa malaking sofa sa loob ng kwarto ni brix dito sa loob ng hospital. Tumango lang si Kevin.


May nakaraan ba sina Zee at Irish? Bakit parang ang sama ng tingin sa kanya ni Zee? Hindi siya dapat makialam sa iba dahil may sarili siyang problema na hindi niya alam kung paano lulutasin. Sana naman magising na si brix, isang linggo na siya rito. Natatakot na siya na baka, iwan siya ni brix- hindi! Hindi siya iiwanan ng binata. Hindi pwede!


"Kumain ka na ba, lil sis?" Nag aalalang tanong sa kanya ng kuya.


Tumango siya. "Oo kuya. Tapos na." Kumain na siya kanina kasama sina sky at sirena pero wala siyang gana. Hindi niya magawang kumain, lalo na't nangyari ito kay brix.


Her Heartless Mr. Right ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon