"sige George, Sky.Alis na ako" sabi ni Chris
Tapos na ang klase at tapos na rin syang magligpit ng gamit nya, nakasukbit naman ngayon ang bag nya sa kaliwang balikat nya.
"saan ka naman ba pupunta?" Nakakunot na saad ni Sky at tiningnan si Chris.
"sa cafeteria pupuntahan ko lang si Nat" nakangiting saad ni Chris. Halata ngang excited siya na makita ang girlfriend nya. Napangiti nalang ako ng palihim dahil sa kadahilanang masaya sya, kaya dapat manahimik na rin ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Natasha again" pang-aasar ni Sky na kitang-kita sa expression niya.
"Yup!, Kita nalang ta'yo mamaya. Sige bye Bro, bye George" Hindi parin mawala ang excitement sa mukha ni Chris.
"sige" sabi ko na lang at ngumiti.
Ang sarap sa tenga na tinatawag nya ako sa buong pangalan ko, at lalong lalo na ang sarap sa pakiramdam na nagpapaalam sya sakin. Kaso ang sakit lang isipin na kaya sya nagpapaalam kasi may pupuntahan siyang isang tao na sobrang importe sa buhay nya.
"hey George!" swabeng saad ng boses na yun, napalingon ako
si Jesica pala.Nakangiti sya sakin na para bang sinasabi na dating gawi, tumatambay kasi kami ni Jes sa canteen sa mga oras na ganito. Nabaling naman Ang tingin nya sa taong nakatayo sa tabi ko at ngumiti.
"oh Sky" dagdag ni Jes.
"hmm?" sabay tango ng LANGIT sa kanya.
pero aaminin ko he looks cool when he did that.
"suplado" bulong ko
"may sinabi ka?"
Dug..Dug..Dug
nagulat ako nang magsalita sya sa tabi ko. Kaya tumingin ako sa ibang direksyon.
"huh? wa-wala" saad ko, kahit kinakabahan ako sa presence niya.
"ok" sabi nya at nagshrugged.
"George, canteen tayo?" Aya ni Jes kaya natingin ako sa kanya bumaling naman si Jes kay Sky at nagsalita.
" Sky gusto mo sumama?"dugtong pa ni Jesica kaya pinandilatan ko sya. Confuse naman niya akong tiningnan at magkibit balikat lang sya sakin na parang sinasabi na pagbigyan ko na. Baka iniisip naman niya na umaandar na naman ang pagkamahiyain ko.
"wag na" sabi ni Sky
"sige na I insist at saka syempre new classmate ka ng 2nd section" Jesica.
"ok tara" sabi nitong LANGIT nato , grabe sya magdesisyon ano? NAKAKAGULAT 😮
*CANTEEN*
"So bat nga ba kayo nalipat sa section namin?" Jes
Kanina pa sila kwento ng kwento habang pumipila kami, at hito nag-uusap na naman sila kahit nakaupo na kami at dapat ng kumain.
"maliit lang kasi 'yung nakuha namin ni Chris sa Math subject last school year ang hirap kasi, saka boring din" Sky.
Wow! yun 'yung sigurado akong pinakamahabang sinabi nya.
"Sino ba 'yung Math teacher nyo last year?" Jes
"Si Mr. Edgardo Abejuero Sr." Sky
Kung mag usap silq akala mo naman wala silang kasama rito. Nakatunganga lang ako habang sinusubo yung pagkain na binili ko kanina.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Nalang
Teen FictionAlam nyo ba ang kanta ni Aiza Seguerra, Yung pakisabi nalang? Pakisabi nalang na mahal ko sya di na baleng may mahal syang iba yan yung gzto kong sabihin sa kanya na 'mahal ko sya' na 'gzto ko sya 'noon pa ,kaso hanggang tingin nalang ako sa kanya...