Chapter 19

13 1 0
                                    

KINABUKASAN

"punta muna tayo ng Albay" pang-aaya ni Chris.

"Sige! sige! gustong-gusto ko makapunta dun." excited pang sabi ni Jes.

"Oo nga, tapos iiwan ka namin dun mag-isa igagapos ka namin sa Cagsawa Ruins" asar ni John sa kanya.

"Che! ang sama mo!" saad ni Jes sabay cross arms

"Nagsisimula na naman kayo" saway pa ni Sky

"eh Bro, bat kayo ni George!? diba nagbabangayan din naman kayo nun?" sabi ni Chris.

Natahimik naman kami pareho ni Sky sa sinabi ni Chris, oo nga nagbabangayan nga kami noon ni Sky at halos batukan ko na nga sya sa inis pero hindi naman ganun kadalas kami magbangayan may mga panahon lang talaga na sumusumpong ang saltik ni Sky na kinaiinisan ko sa lahat.

"sabagay iba rin kayo minsan ni George dahil hindi lang naman kayo puro bangayan" saad ni Chris.

Buti nakuha naman nya ang point na hindi naman kami madalas magbangayan ni Sky di tulad nina Jes at John na kulang nalang magworld war three.

"iba rin kayo magtampuhan" dadag pa ni Chris kaya napaiwas naman ako ng tingin dahil na naman ba to nang makarating kami rito? nang hindi ako pinapansin ni Sky?

Tampo na ba iyon? Ano namang dahilan bakit nagtatampo sya?

"Wala talagang kibua—"

"Bro!" Sky

Nakipagtagisan ng tingin si Sky kay Chris, para silang nag-uusap sa pamamagitan ng mga tingin. 

"Sabi ko nga, alis na tayo" sabi ni Chris at napakamot pa sa ulo habang naglalakad palabas.

Anong meron sa dalawang to?

Nang namasyal na kami, sumakay ulit kami sa sasakyan nina Chris para makapaglibot-libot ng Bicol at di na rin ako nahihilo sa pabango ng sasakyan nya, sabi ni Chris bumili daw si Sky ng bagong Air Freshener para di na ako mahilo sa sasakyan, Ganun parin naman katabi ko si Jes habang bumabyahe kami sina John at Sky naman sa likod namin at magkatabi naman sina Nat at Chris.

"George?"

napalingon naman ako kay Jes na syang tumawag ng pangalan ko.

"Pasensya na kung di ka nasamahan ni John kahapon sa simbahan para makita yung Peñafrancia"

"ayos lang, nasabihan na rin kasi ako ni Sky na may lakad daw kayo ni John"

Bigla naman syang namula sa sinabi ko.

"Kaya pala tahimik kalang kahapon ah? saan kayo namasyal?" bulong ko sa kanya habang inaasar sya.

"eh? kayo din naman ni Sky ah, namasyal kayo kahapon "

abay binaling pa sakin oh.

"iba naman yung sa amin, kasi si John sana yung kasama ko diba? and it turns out na si Sky nalang dahil may lakad kayo ni John" saad ko habang nakangisi sa kanya, hinampas naman niya ako ng mahina.

"naglibot-libot lang naman kami kahapon"

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya.

"Mas mabuti nga yun at medyo nagkakalapit na kayo di tulad dati, Diba?" sabi ko at nginitian sya alam kong alam na niya kung anong ibig sabihin nun.

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon