Chapter 11

25 2 0
                                    

*August*

"Ms.Abarosa and Mr.Ferer kayo ang pair sa folk dance" sabi ng teacher namin sa Aral-Pan na isa ring nagko-choreo sa folk dance 'twing buwan ng wika.

Napakamot nalang ako ng ulo. Bakit pa kasi ako ang pinili, eh hindi naman ako marunong sumayaw?

"Ms.Ramirez and Mr. Jalbuena, kayo rin." Patuloy ng teacher namin na magtuturo sa amin ng sayaw.

"ang in-assign sa Juniors ay 'yung national dance natin na Cariñosa, 'yung limang pairs na tinawag ko pumunta nalang kayo sa dance room ,okey?" sabi ni ma'am.

Swerte pa nina Jes at John dahil hindi nasali, dapat si Jes nalang yung pinili dahil mas magaling yung sumayaw.

"opo" sabi naman namin kahit labag sa loob ko.

Nang matapos na ang klase namin sa ibang section ay sabay-sabay na kaming pumunta sa dance room.

"kompleto na ba lahat" tanong ni ma'am habang pinapaharap kami sa mga partners namin.

"opo"kami

"Titigan nyo ang mga pairs nyo" Sabi ni ma'am kaya napatingin nalang din ako kay Sky na partner ko ganun din sya.

Dug. Dug. Dug

Pero agad din akong yumuko dahil sa hindi ako makahinga.

"Isipin nyo na ang pairs nyo at kayo ay iisa, kapag nagkamali ang isa sa inyo maaaring ikapanget ng presentation nyo. Kaya dapat may union. Bawat indak musika ay dapat sumabay ang puso para maganda ang kalabasan ng sayaw"

Natatakot na tuloy akong magkamali dahil may pagka stern si Ma'am at halata pa sa boses nya na sobrang strikta niya pagdating sa folk dance, ganun ba talaga pag passion mo ang pinag-uusapan? Nagiging perfectionist ka sa bawat angulo?

Agad tumayo si Ma'am sa harap ng isa sa mga kasama namin at ginawa nya pa itong example para maipakita sa amin ang sayaw.

"ito ang unang figure natin ikot muna at magbo-bow kayo sa mga partners nyo and 1,2,3,4,5,6,7,8" counting ni ma'am at ipinakita sa amin ang unang figure.

Nagsway pa kami at pagkatapos may gagawin pang itataas ang kamay sa kanan tapos salitan naman sa kaliwa. Pero nalilito parin ako dahil parehong kaliwa ang mga paa ko.

Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil natatapakan ko na ang paa ko dahil sa nalilito ako sa mga susunod na action.

"hindi ka marunong?"

Napalingon ako sa partner ko.
Tumango naman ako bilang sagot

"Ako rin eh, Nakakalito." bulong ni Sky sakin.

"Eh sumasayaw ka ba?"  Tanong ko na pabulong din.

tumango sya sakin.

"Eh mabuti ka pa nga may alam sa pagsasayaw, eh ako? Wala!" Bulong ko pang sabi.

Ngumiti lang naman sya sa akin.

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon