Chapter 13

26 3 0
                                    

Nang matapos na ang misa ay pinuntahan ko si Sister Joyce na nasa may altar at tinutulungan ang kapwa Madre at mga sakristan na nililigpit ang mga kagamitan na ginamit sa misa.

"Georgina"  Saad ni sister Meldrid nang magmano ako sa kanya, ngumiti lang ako sa kanya pabalik.

"Ito na ba ang nobyo mo?" napalingon ako kay Mother Superior Ophelia, ang pinakastrict sa lahat ng Madre pero mabait naman si Mother Superior may pagkastrict nga lang minsan.

Katatapos ko lang din na magmano sa kanya. Napalunok nalang ako ng laway dahil sa lalim ng boses nya. Nakatayo si Sky sa tabi nya habang nakangiti saka naman ito nagmano, akala ko ba umuwi na sya. Nagulat nalang din ako ng ngumiti si Mother Superior sa kanya.

"Magalang" Saad ni Mother Superior na parang bumilib pa sya sakin nang tingnan niya ako.

Dug..Dug..Dug

"Ma-mali po kayo ng iniisip" Sabi ko habang iwinawasiwas sa ere ang mga kamay para mas maniwala sila.

"Magkaibigan lang po kami ni,George. Sumama po ako sa kanyang magsimba" nakangiti pang saad ni Sky kaya napatingin na naman sa akin si Mother Superior at ngumiti.

"Oh sya, magkaibigan"makahulugang saad ni Mother Superior at ngumiti.

Lumapit naman ako kay Sister Joyce na abalang-abala sa pag-ayos ng linen kahit maayos na ito, may pagkamitikulusa kasi sya.

"Akala ko ba uuwi ka na?" Bungad ko kay Sky na kanina pa sunod ng sunod sa akin.

Ngumingiti naman sya ng sobrang lapad, abay natuluyan na siguro tong batang to.

"Hoy!" Sabi ko sa kanya.

Natauhan naman siya at napakamot sa batok niya.

"Ano.. ah ..ano nga pala yung sinabi mo?" Hindi makatingin nyang sabi.

Napabuntong hininga nalang ako sa kanya ng marating namin ang direksyon ni Sister Joyce.

"Sister" saad ko at nagmano.

Nagmano rin si Sky sa kanya kaya nagtatakhang tumingin sa akin si Sister. Napakamot nalang ako ng ulo dahil kahit sino naman ay ngayon lang ako nagdala ng kaibigan sa simbahan at ang mas malala pa eh asungot pa yung kasama ko.

"Ako nga po pala si Sky, kaibigan ni George" saad niya at tumingin sa akin.

Ngumiti naman si Siter Joyce sa amin.

"Nice to meet you hijo, ako naman si Sister Joyce." Tumingin naman si Sister Joyce sa akin at ngumiti.

Oo nga pala kilala na niya si Sky pero hindi nya pa nakikita.

"Uuwi na ba kayo?" Pag-iba ni Sister.

Tumango naman ako.

"Magmeryenda muna kayo" Saad ni sister.

"Ah, hindi na po, sister" saad ko at tumingin kay Sky na nakatingin din sakin. Kinunutan ko lang sya ng noo, bakit naman sya tumitingin dyan.

"Sigurado ka hija?" Nagtatakhang tanong ni Sister.

Tumango nalang din ako bilang sagot. Alam ko na ang susunod na mangyayare kung dadaan kami ng meryenda, mahaba-habang interrogation na naman ito. Hindi naman mausisa sina sister Joyce at si Mother Superior pero yung iba kasi baka ano ang isipin mas mabuti nalang umiwas dahil magiging awkward din namanpag nagkaon.

Tumango ulit ako bilang sagot.

"Oh sige, mag-iingat kayo sa daan. Naway gabayan kayo ng panginoong Diyos" nakangiting saad ni sister habang ngumingiti.

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon