"Ayiieee"
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila. Itong si Sky minsan hindi talaga nag-iisip eh, na baka kantyawan kami ng mga kasama namin at kung ano pang isipin ng mga ito sa'min.
"Kami rin dapat may hug" asar ni Chris at ayun inihanda ang nguso nya para kay Sky. Agad namang hinarang ni Sky ang mga palad niya sa mukha ni Chris na ang haba pa ng nguso. Mabuti nalang nabalimg ang atensyon sa kanila. Nakakahiya pero bakit hindi ko man lang pinigilan na yakapin nya ako, baka kasi ayaw ko syang maoffend ngayong birthday nya?
Baka ganun nga
"akala ko ba hug? bakit nakabalandra yang nguso mo ikiskis ko yan sa buhangin eh" natatawang saad ni Sky na parang normal lang sa kanya yung pagyakap nya sakin o baka naman masyado lang ko lang nilalagyan ng malisya yung kanina.
" ikaw naman parang hindi tayo nagkikis nung bata pa tayo eh"
"Sira! mga bata pa tayo nun, ano kala mo?"
"sige na kasi" saad ni Chris habang nakapulupot ang braso kay Sky. Napapailing naman si Sky sa gawi nya. Nagiging isip bata na naman si Chris.
" Guys, mauwi na tayo, iwan na natin yang siraulong boyfriend"
Nagsimula na kaming maglakad at iniwan si Chris, bunaba naman ni Sky ang mga kamay no Chris at sumabay sa aming maglakad.
"Ako na magdadala nito" nabigla ako nang sumulpot sa tabi ko si Sky at agad kinuha ang dala kong basket na nilagyan namin kanina ng mga pagkain.
Ngiti at pasalamat naman ang inabot ko sa kanya.
"hala! hala! oyy. Hintayin nyo ko"
rinig naming saad ni Chris na nakasunod lang samin.*Kinabukasan*
"Sky" sambit ni John
"mm?" Tanong ni Sky.
Kumakain kasi kami ngayon ng agahan.
"Since maaga pa naman, saan tayo mamasyal?" tanong ni John
"saan mo gustong pumunta?"
"ahmf,, sa simbahan?!" nag-aalinlangang sagot ni John.
Pareho talaga kami. Fond kaming pumunta ng simbahan pero paggagala ang pinag-uusapan, wala kaming kamuwang muwang.
"ok pupunta tayo dun tapos mamasyal tayo, after." Sabi nya.
At kagaya ng sinabi ni Sky nagsimba kami at pagkatapos ay pinasyal nya kami.
"bili tayo ng pilinut" sabi ni Sky
"sige bro, namis ko na yun eh" sabi ni Chris
"Nakapunta ka na pala rito Chris?" biglang tanong ni Jes, pati ako nacurious din eh kaya napatingin ako sa kanila.
"oo nung bata pa kami ni Sky" Anya
"mm? mga bata palang?? so meaning since mga bata pa kayo close na kayo?" Jes
"ang tabil mo Jes ano?!" saway ni John sa kanya
"nacucurious lang naman ako noh? kasi ang pagkakaalam ko nung gradeschool sila naging magbestfriend" sabi ni Jes
Alam ko ang dahilan kung bakit nagiging curious si Jes, eh sa mahilig talaga syang makinig sa kwento ng ibang tao at syempre kilala sina Sky at Chris sa school lahat naman siguro interesado kung paano sila naging magkaibigan dahil hindi sila yung tipo na nagco-compete ng kapogian kundi simple lang sila. Mga matatalino, mabait siguro add points nalang ang kapogian nila. Dahil ang totoo sa kanila mo makikita ang totoong value ng magkaibigan, dahil sa madalas silang magkasama mapapaisip ka rin kung anong sekreto kung bakit matatag sila.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Nalang
Teen FictionAlam nyo ba ang kanta ni Aiza Seguerra, Yung pakisabi nalang? Pakisabi nalang na mahal ko sya di na baleng may mahal syang iba yan yung gzto kong sabihin sa kanya na 'mahal ko sya' na 'gzto ko sya 'noon pa ,kaso hanggang tingin nalang ako sa kanya...