Chapter 22

11 1 0
                                    

Nasa garden ako ngayon na pagmamay-ari ng Tita at Tito ni Sky. Pinagmamasdan ko ang pag labas ng araw dahil 5 a.m na rin, nakakagaan kasi ng pakiramdam pagnakikita ko yun. Wala kasing nakikitang sunset o sunrise sa Manila dahil sa mga naglalakihang buildings.

"Good morning"

Agad akong napalingon sa may kanang bahagi  ko. Naupo sya roon sa bakante sa tabi ko.

"Good morning" sabi ko at muling binalik sa langit ang atensyon ko. Dahil sa tuwing nakikita ko sya at iisipin na magkasama kaming dalawa, masaya naman ako at the same time hindi rin mapakali dahil sa kabog ng dibdib ko. Wala ng nagsalita sa aming dalawa kaya rinig na rinig namin ang marahan na hampas ng hangin at ang huni ng mga ibon.

"Sky" hindi ko alam kung bakit bigla iyong lumabas sa bibig ko. Gusto ko syang tanungin about sa pag iwas nya sa akin noon nang makarating kami rito. Hindi malinaw sa akin ang sinabi nya nung isang araw.

"Mmm?" Tanong nya habang pinagmamasdan ang langit.

"Hindi mo kasi nilinaw sa akin nung isang araw kung bakit iniiwasan mo ako nang makarating tayo rito"

Agad syang napalingon sa kin pero ako na din agad ang umiwas ng tingin para kasi akong aatakihin sa kabog ng puso kapag alam ko na sya ang unang bubungad sa paningin ko paglumingon ako.

"Yu-yun ba? kasi ano..kasi nadala lang ako sa kanta mo nun.. tama!! yun nga" saad nya na parang pinag-iisipan nya pa ang sasabihin.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa sa langit na kung saan kalahating minuto nalang ay lalabas na si haring araw.

"Bakit naman magaling na ba akong magdala ng mensahe ng kanta?" excited kong tanong sa kanya.

"Sa tingin mo naibigay mo ba?"

"Hindi ko alam pero nakita kitang namumula ang mata. Meaning nadala ka" natatawa ko pang saad pero nanatili syang seryoso kaya natahimik ako.

"Hindi lahat ng tao pwedeng maintindihan ang saloobin ng kanta may iba na makikirelate lang may iba din na gusto lang sumabay sa agos ng tono at may iba rin na nararamdamang para sa kanya ang kantang yun. Kung ibang tao ako na walang pakiramdam siguro hindi ko iisipin kung anong gusto mong ipahiwatig."

Natahimik ako sa sinabi nya. Alam ko naman na kung saan sya dun simula palang hindi ko iniisip na matalino nga pala sya pagmusika na ang pag-uusapan. Alam na ba nya kung sino ang tinutukoy ko sa kantang iyon? Kinanta ko yun sa kanya dahil time na para mag let go ako kay Chris dahil yun din yung araw na narealize ko na sya ang gusto ko pero naalala ko may Someone nga pala sya kaya naman ayaw ko sa nararamdaman ko. Pinilit ko naman na hindi lumalim ang nararamdaman ko diba? pero mas lalong lumalala dahil madalas kaming magkasama.

"I know masyadong ng big deal sa akin yun, kung tatanungin ko sayo ito ngayon pero wala na akong pakialam kung babagabag pa 'to sa isip mo" dugtong nya.

"Gusto ko lang makasiguro..."
Anya.

Hinintay ko syang magsalita pero Hindi na nya ginawa nagdadalawang ba sya kung itatanong nya ba o hindi?. Bumuntong hininga ako habang nakatutok parin sa araw.

"I was upset at that time. Kaya gusto ko ikaw ang maging boses ko. I was in the situation na ready na ako mag let go for some reason na 'di ko kayang sabihin sa'yo"

Nakakahiya kung sasabihin ko sa kanya ang reasons ko, Ewan ko baka magtake advantage sya. I know, he is a good man pero if ako ang mauunang magsabi sa kanya parang hindi naman maganda yun kasi dapat ang lalaki ang mauunang magsabi diba? Hinihintay ko sya, pero naalala ko na wala nga palang pag-asa. May iba na syang gusto at hindi ako yun .

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon